Double Date, Double Trouble

575 18 6
                                    

Sa bahay nila Karisa.

"Sigurado ka ba anak? Ayaw mo magpaayos? First time lang ito na may mag-aya sayo makipagdate, hindi mo ba paghahandaan? Anak?" Tanong ng nanay ni Karisa.

"Ma, ok lang ako. Araw-araw naman nya akong nakikita sa ganitong itsura, may mababago pa ba ako dito? At saka partida pa nga sa kanya itong itsura ko eh, nagustuhan nya ko kahit di ako nag-aayos, paano pa kaya kung magpaganda ako? Hehe." Pagyayabang naman ni Karisa sa ina.

Napailing na lang ang kanyang ina at natatawa sa pagiging positibo ng kanyang anak.

"Minsan lang ito anak. Halika paayusan kita sa ate mo." Pagpupumilit ng ina.

"Wag na Ma, isa pa umalis nga pala si Ate kaninang umaga. Mukhang may lakad, kaya walang mag-aayos sa akin." Paliwanag ng dalaga.

"Ay nako, paano yan?" Pag-aalala ng kanyang ina.

Sakto namang may kumatok sa kanilang pintuan.

"Oh! Baka ang ate mo na yan!" Masiglang sabi ng ina ni Karisa.

Agad namang tinungo ng dalaga ang pinto, nang buksan nya ito ay sumalubog sa kanya ang bihis na bihis na si Aquil.

"Aquil?! Anong? Papaanong?" Hindi makapaniwala ang dalaga kung paano nalaman ni Aquil ang bahay nito.

Ngumiti lang ang binata.

"Di mo ba ko patutuluyin?" Sabi ni Aquil, malinis ito tignan dahil sa kanyang kulay puting kasuotan na lalo namang nagpakisig dito.

"Ah! Pasok! Pasok!" Natatarantang si Karisa.

Nang makapasok si Aquil ay binati nito agad ang magulang ni Karisa. Lumapit ang binata dito at nagmano.

"Magandang gabi po." Magalang na pagbati ni Aquil.

Napapayuko naman sa hiya si Karisa.

"Karisa? Ito na ba si Gavin? Napaka-gwapong bata naman pala nitong manliligaw mo." Namamangha ang ginang sa kakisigan ni Aquil.

"Hehe.. Ma hindi~" Hindi naituloy ni Karisa ang sasabihin ng unahan sya ng binata.

"Ako po si Aquil. Nice to meet you po." Pagpapakilala ng binata. Hindi pa rin maalis sa mukha ng magulang ni Karisa ang tuwa.

"Ganun ba? So hindi ka nya manliligaw?" Tanong ulit ng ina.

Halos sabay namang sumagot ang dalawa.

"Hindi." Sabi ni Karisa.

"Manliligaw po. " Sabi ni Aquil. "Hehe.. Joke po!" Pahabol nito.

Tinignan ni Karisa ang binata na parang gusto nyang mawala ito sa harapan nya sa mga oras na iyon, ngunit ngiti lang ang iginanti ni Aquil pabalik sa kanya.

Naniningkit naman ang mga mata ng ina na tinitigan ang dalaga.

"Ma! Wag mo nga ako tignan ng ganyan!" Saway ng dalaga dito.

"Hijo, Ano bang sadya mo kay Karisa? Ngayon ka na ba manliligaw?" Sabi ng ginang.

"Ma!" Saway ng dalaga.

"Haha, sana po. Pero susunduin ko lang po anak nyo, nangako po kasi sya sa 'kin na magiging date ko tonight." Sagot ni Aquil.

Sandaling napag-isip ang dalaga.

"Oo nga pala, nakalimutan ko ang tungkol kay Aquil. Paano ko ba sasabihin sa kanya na si Gavin ang pinipili ko.. Grabe ang gulo! Mahirap pala maging maganda!"

Bumaling naman si Aquil sa dalaga ng mapansin nya ang ayos nito.

"Oh? Ganyan ka lang?" Sabi ni Aquil.

♥ Valentines Prank Gone Wrong: Series II ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon