Unexpected Proposal

446 22 9
                                    

"Aquil!" Tinig mula sa likuran ng binata.

"Ms. Leigh?" Dismayadong sabi ng binata.

"Oh? Bakit parang ayaw mo yatang makita ako hijo? Masama bang i-check ang kalagayan ng mga estudyante ko? Ha?" Naniningkit ang mga mata nito na nakatitig sa kanilang dalawa.

"Hindi naman po, nabigla lang po ako." Sagot naman ni Aquil at nagbigay ng kanyang pilit na ngiti.

Sumingit na si Karisa. " Ma'am salamat po. Magaan na po ang pakiramdam ko, konting pahinga lang po ito. Salamat po sa inyo ni Aquil." Sabi nito sa professor sabay sulyap sa binata at nginitian ito.

Napangiti din pabalik si Aquil.

"That's good to hear. Dumaan din ako dito dahil wala kayo kanina sa klase nang mag-announce ako about sa grand ball. So, I just want you to know about it." Sabi ni Ms. Leigh.

"Grand Ball?" Tanong ni Karisa.

"Yes, we're having a Valentines celebration program on Feb. 13, that's Friday. Kaya pumili na kayo ng mga makaka-date nyo for this event ha? Bu-bye!" Pabirong sabi ng guro sabay alis nito.

"Ma'am, teka! Hindi pa nga ako nakakapagtanong e." Habol ni Aquil, ngunit nakalabas na si Ms. Leigh.

Bumaling ang binata kay Karisa at nagkatitigan sila.

"Kailangan ba talaga pumunta dun?" Tanong ng dalaga.

"Ah, Eh.. bakit hindi? Ayaw mo ba?" Sagot naman ni Aquil.

"Halata ba? Sa tingin mo, ito? Itong mukhang 'to? pang-Valentines?" Dinuduro ang sariling pagmumukha. "Uso lang 'to kapag Halloween, di ako nababagay dun. Pagtatawanan lang ako ng mga tao, lalo na ng mga kaibigan mo." May diin ang pagkakasabi ni Karisa.

"Pasensya ka na sa kanila, pero hindi mo naman kailangan mag-ayos. Maganda ka, ang salitang panget ay ginagamit lang ng mga taong walang tiwala sa sarili." Sabi ni Aquil dito.

Hindi makasagot si Karisa, saglit itong tumahimik kaya agad itong nakabawi.

"Asus! Nambola ka pa! Wag mo nga ibahin yung usapan natin kanina, ano nga ulit yung sasabihin mo?" Masigla nitong tanong sa binata.

Natigilan si Aquil.

"Uy! Ano na?!" Pangungulit ni Karisa.

Nakaisip bigla ng paraan ang binata, upang makaiwas.

"Yun ba?! Uhmmm.. yayayain sana kita maging ka-date sa grand ball! Tama! Will you be my date?" Nakangising tanong ni Aquil kay Karisa.

"Ha? Ayoko nga!" Naiinis nitong tinanggihan ang binata.

"Bakit?" Kunot noong nagtanong si Aquil.

"Kasasabi ko lang sayo kanina. Remember?"

"Basta, pumunta ka. Hihintayin kita, pag hindi ka nagpakita.. malulungkot ako. Wala akong kadate." Pagpapaawa ng binata.

"Grabe ka naman! Ang daming babaeng nagkandarapa dyan para lang makapartner ka. Kala mo naman wala na talaga syang choice." Sabi ni Karisa dito.

Nagulat ang dalawa ng biglang may nagsalita sa likod ng kurtina ng clinic.

"Aha! Aquil, parang suicide attempt yan ginagawa mong pakikipagdate kay Karisa! Naku, malaking balita ito sa buong campus! Hahaha!" Si Wolt, ang nerd na reporter ng mga latest at trending na pangyayari sa buong school. Specially ng mga tsismis.

Napansin nilang may hawak itong cellphone at mukhang kanina pa sila nito nire-record.

"Suicide attempt?! Gusto mong mauna?" Pagbabanta ni Karisa kay Wolt.

♥ Valentines Prank Gone Wrong: Series II ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon