Chapter 3 (she's a fan too)

34 0 0
                                    

CHAPTER 3 (she's a fan too)

"I love you Justin."

"I love you too Aya." naramdaman kong unti-unti syang lumalapit sa mukha ko. Omygad this is it. Hahalikan na ko ng mahal ko.

Papalapit na siya ng papalapit..


3 inches...


2 inches....


1 inch...

Ayan na----



"AYAAAAAA!"

"Ay palaka!" sigaw ko. Putragis sino ba yung gumising sakin. Naman eh! Ayun na yun eh!

"HOY IKAW NA BATA KA MALI-LATE KA NA KANINA PA KITA GINIGISING! BUMANGON KA NA DYAN!" sigaw sakin ng aking living alarm clock. Aist si mama talaga oh.

"Mama naman eh. Kahit po sana 5 minutes hinayaan nyo pa ko matulog. Ayun na yun eh. Hahalikan nya na ko eh." atungal ko. Si mama naman eh. Ikikiss na nga ko ni Justin eh. Kahit sana sa panaginip mahalikan ko sya kaso wala.

"Anong halik-halik? Puro ka pagpapantasya eh. Kung hindi ka pa babangon dyan ipapahalik kita sa aso naten." sermon sakin ni mama. Si mama naman oh.

"Opo ma eto na babangon na." sabi ko habang nagtatanggal ng muta at panis na laway.

"Sumunod ka na sakin at kumain ka na. May pasok ka pa." pagkasabi nya nun ay lumabas na sya sa kwarto ko.


"Good morning babyloves. Nakaka-goodvibes na ikaw agad makikita ko. Muntik na kanina eh, hahalikan mo na sana ako. Sayang. Pero dibale, baka next time hihihi. I love you idol *mwaaa*" sabi ko at hinalikan ang poster ni Justin na nakadikit sa dingding ng kwarto ko. Pogi nya talaga kainis. Lalo tuloy ako naiinlove sakanya.

Naligo na ko at nagbihis at lumabas na sa kwarto ko.

"Good morning pa." nakita ko si papa paglabas ko ng kwarto. Ngayong chapter 3 lang sya nagkaro'n ng exposure sa kwento. Kaloka

"Good morning nak. Ang ganda ng gising ha." sabi nya habang nagkakape.

"Oo naman pa. Alam mo namang inspired ako dahil sa idol ko." sabi ko at umupo na sa hapag-kainan at nagsimulang kumain.

"Aya, ayaw mo ba mag-boyfriend? Sigurado naman akong may manliligaw sayo kahit flat yung dibdib mo." sabi ni mama habang nagluluto. Ano ba niluluto niya? Lagi nalang sya nagluluto sa kwentong 'to. Chef ba to si mama?

"Mama naman eh! Nilalait mo nanaman ang anak mong maganda. Isa pa ma, diba sabi ko wala pa sa vocabulary ko mag-boyfriend? Si Justin lang SxhApHuat NuAh." sabi ko kay mama. Sapat na kasi talaga si Justin. Yung kilig na binibigay niya sakin higit pa sa feeling ng may boyfriend eh. Ano pa bang hahanapin ko? Wala na!

"Oo nga naman sweetie." pagsang-ayon sakin ni papa. Oh diba ang corny ng tawagan nila? sweetie. Haha char "Mabuti na yang ganyan kesa naman mangolekta ng boyfriend itong anak natin. Buti nga may inspirasyon pa yung anak natin. Hayaan nalang natin sya." sabi ni papa. Supportive talaga ni papa kahit ngayon lang sya sumulpot sa kwento. chos

Nang matapos na ko kumain, nagpaalam na ko kila mama at papa at saka pumasok na.

Pagkadating ko sa room, sinalubong agad ako ng mga kaibigan ko.

"Ayaaaaa!" si Rein sabay lapit sakin

"Namiss ka namin!" si Grace

"Kung maka-miss ka naman parang di tayo nagkita kahapon." sabi ko sakanila sabay umupo sa upuan ko.

"Grabe ka naman samin. Masama bang ma-miss ka?" Anna Liza.

"Porket mas mahal mo si Justin ganyan ka na. Nakakatampo." sabi ni Rein sabay talikod sakin. Pa-tampo effect pa 'to. Ano kayang espiritu ang sumanib sakanila? Parang mga sirulo eh. Ay di pala parang. Siraulo talaga. Chos

"Wait lang ha. Nawiwindang ako sainyo. Ano bang meron?" tanong ko sakanila. May kailangan siguro 'tong mga to.

"MAGPAPALIBRE LANG SANA KAMI!" sabay-sabay nilang sabi.

"tingnan nyo. Mga JOHN MICHAEL din kayo e. NanJOHN pag MICHAELangan. Osige sige na. Mamayang lunch." Di ko naman sila matiis eh. Syempre kahit mga baliw sila kaibigan ko sila. "Basta tutulungan nyo rin ako ah. Gusto ko kasi ulit gumawa ng banner. May concert ulit si babyloves next week. Kailangan ko ng tulong nyo." request ko naman sakanila.

"Sure. Ikaw pa ba matatanggihan namin?" Grace

"Basta yung libre naming lunch ha hihihi" Rein. Takaw talaga.

"good morning class."

Nandyan na pala si yung prof namin. Umupo na kami sa aming mga upuan.

"Before we start our lesson, I will introduce someone first. " may pumasok na babeng naka-uniform din katulad ng samin. In fairness may itsura siya.. pero mas maganda padin ako hihi "She's Yannah. She's a transferee student and she'll be your new blockmate. I hope you'll treat her well." pakilala ng prof namin sakanya.

"Sige Yannah. You can sit anywhere you want." sabi ng prof namin. Umupo si Yannah sa upuan sa likod ko. Nung tinignan ko sya, nginitian nya lang ako. Bakit kaya di sya nagsasalita? Pipi kaya sya? Baka naman mabaho hininga nya. Tama tama.

--------

"Ok. That's all for today. Class dismissed." Lunch na.

"Halika na Aya libre mo na kami."yaya sakin ni Grace. Garapal sa libre char.

"Oo nga. Para naman ganahan ka namin tulungan sa paggawa ng banner para sa babyloves mo." Rein

"Oo nga. Promise tutulungan ka namin para mapansin ni Justin yung banner mo." Anna Liza

"sana nga mapansin ulit ni Justin yung effort ko." sabi ko naman.

"JUSTIN?! You mean, Justin Kurt De Vera?" napatingin kami sa nagsalita sa likod. Si Yannah pala. Kala ko pipi sya eh.

"Kilala mo sya?" tanong ko. Lumapit agad ako sakanya. Pag usapang Justin talaga ang laki ng interes ko e. Syempre babyloves ko yun eh.

"Sino ba namang di makakakilala sa mahal na mahal kong yon?" sabi nya.

Anong sinabi nya?

"MAHAL NATIN." mariin kong sabi. Di ko napigilan. Ayoko ng inaangkin nya si Justin. Ako lang may karapatang umangkin sakanya. Chos

"Oh fan ka din ba nya?" tanong nya sakin habang nakangiti.

"hindi nya ko fan" sabi ko.

"Yun naman pala. Di ka pala nya fa—" naputol yung sinasabi nya nang magsalita ulit ako.

"FAN NA FAN NA FAN NYA KO. SUPER DUPER ULTRA MEGA FAN." pagcocorrect ko. Di ko kasi matatanggap pag 'fan' lang at hindi nasa superlative form. Pak!

"Hahaha. Magkakasundo tayo. Fan nya din ako eh." sabi nya ng nakangiti. Tinanong ko ba? Chos nagmumukha kong war freak eh. Haha

"Talaga? Ang saya naman may co-fan ako dito." sabi ko at ngumiti na rin.

"Pwede ba ko sumabay sainyo mag-lunch? Wala pa kasi akong friends dito eh. Pleeeease." sabi nya na may hand gestures pa na nagpi-please.

Tiningnan ko ng isasama-ba-natin-sya-look yung mga kaibigan ko.

"Sige." sabi nilang tatlo then pumunta na kami sa canteen kasama si Yannah.

Star Of my Heart (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon