Chapter 4 (Supportive friends)

42 0 0
                                    

Aya's POV

*sa canteen

"Ako na bibili ng pagkain. Maghanap na kayo ng seats." volunteer ko.

"Nah. Ako na Aya." sabi sakin ni Yannah.

"sigurado ka? Osige. Ito ang pambili—" sabi ko at akmang iiabot yung pera pero tumanggi sya.

"Ako na din. My treat. Kayo kasi nag-entertain sakin as your friend. Libre ko na 'to.." sabi nya at umalis na. Naghanap naman kami ng seats.

"Mabait naman pala yan si Yannah eh." Anna Liza

"Bakit kala mo hindi?" Grace

"Sssh. Naghahanap lang naman sya ng kaibiggan. Buti nga fan din sya ni Justin eh. Diba ang saya?"sabi ko sakanila pero may part sakin na hindi masaya. Bakit ganun? Parang nagseselos ako. Naiinsecure ako sa sarili ko. Ang ganda nya kasing fan. Samantalang ako, medyo maganda lang. (Flat pa yung dibdib) Oo na author flat na.

Maya-maya dumating na si Yannah dala yung foods namin. Di na kami nag-abalang tulungan sya para mahirapan sya, syempre joke lang. Lumapit si Grace at sakanya at inilapag sa table yung mga pagkain.

"Ang dami mo namang binili. Baka di natin maubos." sabi ko. Grabe naman 'to si Yannah. Ang dami nyang binili.

"Mauubos yan sus. Tayo pa ba?" tingnan mo 'to si Rein. Walang katakawan sa katawan. *insert sarcasm*

"Matagal ka nang fan ni babyloves?" natanong ko bigla kay Yannah habang kumakain kami.

"Huh?" kumunot yung noo nya bigla.

"Uh. Ibig kong sabihin, ni Justin." Nakasanayan ko na kasing babyloves.

"Ah ni Justin? Bago palang. Pero marami na din akong na-experience as his fan. Na-meet and greet ko na sya, napapirmahan ko na yung picture nya sakin, nayakap ko na sya, tapos eto pa.. friends nadin kami sa facebook!" masiglang pagkukuwento niya. Nagselos ako bigla. Ba't ba ko nagseselos? Eh hindi ko naman pag-aari si Justin? Ewan ko ba. Di ko mapigilang magselos. Para kasing ang lapit-lapit nya na kay Justin.

"Mamatay na nagtanong." bulong ni Rein. Pasimple ko syang siniko. Buti nalang di narinig ni Yannah. Si Rein kasi yung medyo may pagka-maldita saming magkakaibigan. Pero in good way naman. Pag nararamdaman nyang naaagrabyado o nahi-hurt ang isa man samin, nandyan sya para ipagtanggol kami. Bhoscxz Rh3in bh3nt3 tr3s. Haha (nahilo ako i-type. Jeje pa more! XD)

"ang sarap maging fan ni Justin noh? Lagi nya ko pinapakilig." patuloy nya.

ako din naman eh. Hihihi wala pa syang ginagawa kinikilig na ko. Abs nya palang kinikilig na ko. Makita ko palang dulo ng kuko nya kinikilig na ko hihihi

"ang swerte ko nga lagi akong nakaka-attend sa events. Madalas ko syang nakikita. Siguro nga kilala nya rin ako eh. Ako yung number 1 fan nya." pagpapatuloy ni Yannah. Hindi ako na-inform na magi-story telling pala sya. Edi sana bumili ako ng popcorn.

"Hindi rin. Si Aya kaya yung number 1." sabi naman ni Anna Liza. Hala feeling ko nag-iiba na yung atmosphere dito.

"Ssssh. Ha-ha. Ano ka ba Anna Liza. Syempre lahat kami number 1 he he he" nag-aalangan akong tumawa para mapagaan yung atmosphere.

"Hehe. Pero ako super talaga yung suporta ko sakanya. Adik na adik ako sakanya eh." nakangiti paring sabi ni Yannah. Ang sarap hilahin nung labi nya paikot sa mukha at sa leeg nya hanggang masakal sya. Chos

"Si Aya din naman. Parehas lang kayong fan. HINDI LANG IKAW." diniin talaga ni Grace yung pagkakasabi nya ng 'hindi lang ikaw'.

Nabi-beastmode na yung mga kaibigan ko. Alam kasi nila kung gaano ako kaadik kay Justin. Ok lang sana sakanila kung hindi inaangkin ni Yannah yung pagiging super duper fan pero parang ayaw nya magpatalo. Naging instant maldita tuloy yung mga kaibigan ko. Di na sila mapipigilan.

"Uh... sige. CR lang ako ha. hehe retouch muna ko." paalam ni Yannah saka umalis na. Naramdaman nya sigurong naiirita na yung mga kaibigan ko sa mga pinagsasasabi nya.

"Grabe naman kayo girls. Masyadong obvious na naiinis kayo sakanya." sabi ko sa tatlo. Buti nalang umalis na si Yannah. Ramdam ko yung tensyon eh. Parang anytime tuluyan na nilang pagtutulungan si Yannah.

"Feel na feel nya kasi. Nakakabwisit. As if namang tinatanong natin." sabi ni Anna Liza habang kumakain parin. Galit sila kay Yannah pero sa binili niyang pagkain hindi. Ganyan sila basta pagkain.

"kahit na. Dapat di natin sya ginanun." sabi ko naman sakanila. Hindi man lang nila pinlastik kahit kaunti. Chos lang.

"Psh. Ang OA nya. Nagmamayabang lang sya eh." sabi ni Grace sabay irap.

"Pinagseselos ka nya Aya. Di mo ba nahahalata?" tanong ni Rein sakin.

Nahahalata ko. Nagseselos na nga ko eh. Selos na selos na. Di ko mapigilang i-compare yung experiences nya sa experiences ko as a fangirl.

"Yaan na naten. Ganun talaga pag fangirl." sabi ko naman sakanila.

"Di ka naman nagmayabang kahit kanino. Psh. Kala nya sya lang fan ni Justin kung makapagkwento sya eh mas nakakakilig pa nga yung experience mo nung nagkita kayo ni Justin kaysa sa experiences nya." sabi ni Grace.

Napangiti ako sa sinabi nya. Buti nalang nandyan sila para ipaalala saking wag ako panghinaan ng loob. Kahit ganyan sila, mahal na mahal ko ang mga kaibigan ko.

"Yaan na natin. Siguro ganun lang talaga sya. Ganun nya i-express yung sarili nya bilang fan. Kumain na tayo malapit na mag-end yung lunch break." sabi ko nalang para kalmahin na sila.

Maya-maya dumating na si Yannah.

"OO NAAALALA KO YUN! NUNG SINABI NI AYA NA NIYAKAP SYA NI JUSTIN NG MAHIGPIT? NAKAKAKILIG NUH?" sigaw ni Grace. Grabe naman magkwento 'to. Sinakto pang nandito si Yannah. Ano nanamang pakana ng mga 'to?

"OO TAPOS BINIGYAN SYA NG PANYO? YUNG PANYO NA GALING MISMO KAY JUSTIN? WAAAH GRABEEE!" sabi naman ni Anna Liza.Sige isigaw nyo pa, ibroadcast nyo pa. Hay nako talaga 'tong mga 'to oh.

"KYAAAAA~ TAPOS KININDATAN PA SYA. ANG SWERTE TALAGA NYAN NI AYA." sabi ni Rein saka pasimpleng tumingin kay Yannah.

Tiningnan ko si Yannah. Poker face. Nakakahiya waaah. Kasi naman ano bang trip ng mga kaibigan ko?

-------------

IMPORTANT NOTE:
Para po sa mga unang nakabasa ng Star Of My Heart, humihingi po ako ng paumanhin dahil kinakailangan ko baguhin ang ilang parts ng SOMH. Personal reasons narin kung bakit ko binago pero hindi naman nagbago ang flow ng istorya. Ganun parin ang nangyari bawat chapter pero nagdagdag ako ng mga dialogs. Yung prologue po ay totally binago ko talaga. Kaya kung ok lang sa mga nakabasa na na ulitin yung pagbabasa, salamat po. Tsaka binura ko muna yung ibang parts kasi may idadagdag din ako. Maraming salamat po sa pang-unawa. Mahal na mahal ko ang sarili ko—ay joke. I love you guys. xoxoxo :*  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Star Of my Heart (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon