I - Huhubaran kita

19 1 1
                                    

Ginoo, huhubaran kita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ginoo, huhubaran kita.
Huhubaran kita hanggang sa walang matira.
Dahil nais kong makita ang iyong kahubaran.
Nais kong masilayan ang iyong kabuuhan.
Nais kung malaman kung gaano ka katigas.
Kung gaano ka kalaki't kung kakasya sa aking butas
Ika'y aking pag-iinitin hanggang sa labasan
Papaligayahin ka hanggang sa pagpawisan

Ginoo, hayaan mong hubaran kita sa paraang alam ko

Hayaan mong hubarin ko ang mga kasuotang tinatakpan ang iyong tunay na pagkatao

Wala akong ititira upang pagtakpan ang iyong kahubaran

Sapagkat wala nang gaganda pa sa tunay mong kabuuhan

Pati ang maskara sa iyong mukha na laging nakangiti

Ating palitan ng tunay iwaglit na ang pighati

Nais ko ring malaman kung gaano na 'yan katigas

Ang iyong pusong sinaktan ng panahon habang hinahabi ang oras

Dahil kung matigas na'y aking papalambutin

Sa pag-ibig ko'y ika'y hahaplusin at hindi bibitinin

Nais kong ring masukat kung gaano ka kalaki

Kung sa butas ba ng aking puso'y ika'y permanenteng pipirmi

Pagkat mas lalakihan ko pa ang buka

Buka ng puso kong alay sa'yo ay pagmamahal at kalinga

Ika'y akin ring pag-iinitin

Sa tindi ng aking pagmamahal tiyak nanaisin mong ulit-ulitin

Ika'y aking papaligayahin sa iba't-ibang paraang alam ko

Ikaw ang mga letra sa aking tula, ipagluluto ng adobo

Kahit na parehas kaliwa ang aking paa'y ako'y sasayaw

Boses ipis man ika'y akin paring aawitan nang pahiyaw

Hanggang sa labasan ka

Labasan ng matamis na ngiting tunay na aking sinisinta

Dahil ang nais ko ay ang iyong kaligayan

Papatawanin ka sa mga biro kong hindi benta hanggang sa ikaw ay pagpawisan

Dahil Ginoo, minamahal kita..
Minamahal ng lubos, SAGAD o sinta.

Litrato't SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon