II - Lumbay

10 1 0
                                    

Ang talulot ng bulaklak ay unti-unti nang nalalagas,Ang maalat na ulan walang tahan sa pag-agas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang talulot ng bulaklak ay unti-unti nang nalalagas,
Ang maalat na ulan walang tahan sa pag-agas.
Ang katawan at ugat nagsimulang maagnas,
Gaya ng dating pula ngunit umitim na mansanas.

Dinilig ng luha ngunit natuyo ang mga dahon,
Hinabi ang ugat ng ipo-ipo ng kahapon.
Hinawakan ang bisagra at tsaka tumalon,
Nalunod sa pighati sa poot ay 'di makaahon.

Kinidlatan ang puso at saka nabiak,
Bumaha ng luha't dugo ay naimbak.
Ang nagtatangis na damdamin biglang nagningas,
Nilamon ang kaparangan natupok ang mga rosas.

Halimuyak ng bakal ay kaniyang langhap,
Umigting ang panga sunod-sunod ang singhap.
Ginunting ang balat humina ang pintig,
Ngumiti ng makararamdam sa pula'y dinilig.

Sa dalisdis ng tubig alingawngaw ay katahimikan,
Pumirme sa isang sulok dama ang siksikan.
Kinabig ang lamig niyakap ang dilim,
Ang pisi'y mapupugto na sa ingay ng lagim.

Litrato't SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon