_____
Hindi pa nasisimulan ay tatapusin ko na
Wala pa kong naitatala pero buburahin na
Mga alaalang para saki'y habang buhay kong dala
Pero para sayo ay walang halaga
Kasi kahit ilang balde pa ang iluha
Ilang unan ang mabasa
Mananatili akong kaawa awa
Kaya't hindi nagtagal ay umiwas akoUmiwas ako hindi dahil hindi kita gusto
Nakakatakot lang kasing malamang wala akong puwang sa puso mo
At eto na nga't sa wakas aking napagtanto
Iba pala ang nais mo't hindi ako
Pero hindi nagtagal ay nalaman koNalaman ko na may pinapangarap na ang pangarap mo
Kaya't muling nabuo ang pag asa sa puso ko
Umamin at nagbakasaling pwede na
Tiyaka nasambit ang mga salitang 'gusto kita'
At hindi nagtagal ay sinabi mo
Sinabi mong nagugustuhan mo na rin ako
Kaya't kahit di makapaniwala'y natuwa ako
At tila sa isip ko'y hindi ka na mabura
Na para bang tinamaan ako ng pana
Hindi galing kay kupido kundi galing kay tadhana
At hindi nagtagal ay nangyari naNangyari na ang dating pangarap lang na maging tayo
At sa oras na 'to ay may napagtantoNa may dalawang patutunguhan lang ang pag ibig kong ito
Ang pang una'y mabigo ako , o pangalawa, maging masaya sa piling mo
At hindi nagtagal... ay nagising ako.Nagising ako sa katotohanan at napagtanto
Na panaginip lang ang lahat ng sinabi mo
Kasi sa istoryang iyon, mag isa lang ako
Ako lang ang may alam, ako lang ang may nararamdaman
Kaya't hindi nagtagal ay winakasan ko... ang istoryang kailanman ay hindi pa nasimulan.
______________________________________Live and love.