"I love you, Diego. Please, fight for me. Fight for us."
Pinipilit kong magsalita kahit na hirap na hirap na ako dahil sa pag iyak. I need him to fight for us cause I can't do this alone. I can't afford to lose him.
"I'm sorry, Iana. I need to do this dahil ito ang makakabuti para sa ating dalawa. Lalong-lalo na sa'yo" He said without looking at me.
"But you promised me that you will never leave me and that you will fight for us! Paano mo natitiis na makita akong nasasaktan ng ganito?!"
Sigaw ko sakanya dahil hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin para di niya ako iwan. Di niya ako sinagot kaya hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya para iharap siya saakin.
"Love, please don't do this to me. Wala akong pakialam kung itakwil ako ni Daddy dahil mas importante ka saakin." Pagkasabi ko nun ay tinitigan niya ako sa mata.
Namumula ang mga mata niya at pinipigilan na bumagsak ang mga luha niya pero di siya nagtagumpay. His tears fell down and I wiped it using my thumb.
Akala ko bibigay na siya. Akala ko yayakapin niya ako at sasabihing "Yes, love. Di na kita iiwan." pero hindi yun ang ginawa niya. Hinawi niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya at mabilis na kinuha ang maletang may laman ng mga damit niya at hinila ito papuntang pintuan. Hinabol ko siya at niyakap sa likod para pigilan siya sa pag alis. Sobrang nanghihina na ako kaya mabilis niyang natanggal ang kamay kong nakayakap sakanya at saka niya binuksan ang pinto.
"No, Diego! Please, love don't do this. Please!" Pagmamakaawa ko sakanya habang naglalakad siya palabas sa pintuan pero ni isang sagot ay wala akong narinig.
Napaluhod ako dahil sa sobrang panghihina na nararamdaman ko pero pinilit ko paring tumayo at hinabol siya pero hindi ko na naabutan ang elevator na pinasukan niya. Nagmadali akong sumakay sa isa pang elevator na kakabukas lang at sinubukang hanapin siya sa baba pero wala na siya.
Bumalik ako sa condo unit namin at dun ibinuhos ang sakit na nararamdaman.
Di ko namalayan na nakutulog pala ako kaya pag gising ko ay naisipan kong maglinis nalang dahil nagbabakasakali pa rin ako na babalik si Diego pero lumipas nalang ang isang taon at ni anino ni Diego ay di ko na nakita. I've decided to go back to our house and be with my parents.
"Iana, nananaginip ka nanaman. Wake up, anak."
Narinig ko ang boses ni Mommy at minulat ko ang mata ko. Naramdaman kong basa ang mga mata ko at sumasakit nanaman ang ulo ko.
Napanaginipan ko nanaman ang pangyayaring yun. I can't help but to cry more. It's been five fucking years and my memories with him still hunts me.
"Mommy" I hugged her tightly and she kissed my forehead.
"Maligo kana, anak at para di ka malate sa trabaho mo."
Naligo na ako dahil ngayon first day ko sa trabaho. Ako muna ang pinapahawak ni Dad ngayon sa kompanya dahil kakagaling niya lang sa sakit and kailangan niya munang magpahinga for 3 months.
"Good Morning, Miss Silveri." Salubong saakin ng secretary ko habang nagtatanggal ako ng coat.
I'm wearing a red spaghetti strap inside and a white coat and skirt. I paired it with my Christian Louboutin red high heels. My long brown curly hair is in a low ponytail and for my make up, I just put a light make up and red lipstick.
"Miss, you have a meeting at 10 AM to 12:30 PM. Ano po ang gusto niyong kainin for lunch, Miss?" Lillian asked.
I look at my watch to check the time and it's already 9:50 AM. Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang gusto kong kainin for lunch ay tumungo na ako sa conference room for the meeting.
Napansin kong may isang bakanteng upuan at nasisiguro kong para yun sa bago naming investor dahil nabanggit saakin ni Daddy ang tungkol dito. Ano ba naman yan! unang meeting niya to dito sa kompanya at late siya?
Napairap nalang ako sa naisip na 'yon.
Magsasalita na sana ako para mag tanong sa nag pre-present sa harapan ng biglang bumukas ang pintuan ng conference room. Napatingin din ang lahat ng taong naroon pero bumalik din ulit ang atensyon sa harapan na tila bay hindi na nagulat na itong lalaking ito ang makikita nila.
"I'm sorry, I'm late. Please continue." Aniya at umupo na sa kanyang upuan.
Di ko matanggal ang tingin ko sakanya dahil sa pagtataka at gulat kung ano ang ginagawa niya rito at bakit siya nandito. Nahuli niya akong nakatingin sakanya at muli ring ibinalik sa harapan ang tingin.
Natapos ang meeting nang wala akong naintindihan ni isa dahil sa mga nangyayaring ito. Is this for real?!
Sinerve na ang lunch namin pero pinakuha ko sa secretary ko ang lunch ko at ipinahatid sa opisina ko.
Nagpaalam na ako sa mga kameeting ko at aalis na sana nang bigla akong tawagin ng kaibigan ni daddy. Lumapit ako at ipinakilala niya saakin ang lalaking kausap niya.
"Christiana, this is Diego Revello the CEO of REV Corp." Tinitigan ko ang lalaking nasa harapan ko bago nagsalita.
"Hello, Mr. Revello. Welcome to our company." Nginitian ko siya bago ko inilahad ang kamay ko.
"Nice to finally meet you, Miss Christiana Silveri." Aniya at tinanggap ang kamay ko.
Di ko maiwasang titigan siya at napansin kong ang daming nagbago sakanya. Mas lalong lumaki ang katawan niya at mas tumangkad siya. Di ko rin maikakaila na mas lalo siyang gumwapo. Oh god! Please tell me that I am not dreaming! Diego Revello, my one and only ex-boyfriend is in front of me!
BINABASA MO ANG
Unforeseen Love (Revello Series 1)
RomanceWill love can lead them back? Christiana & Diego's Story Revello Series 1