Chapter 2

19 0 0
                                    

Kiss

"Sino ang pinupuntahan mo sa hospital?" Tanong ko sakanya habang nagd-drive.

"It's non of your business. Asikasuhin mo na lang ang motorcycle ko at nang hindi tayo magkita." Sagot niya.

Yabang naman neto. Eh siya nga itong nagpumilit na ihatid-sundo ko siya tapos siya pa ang may ganang magsabi ng ganyan.

Di nalang ako sumagot para di na humaba ang usapan.

"By the way, makukuha na daw bukas ang motorcycle mo sabi ng driver namin. Ipapahatid ko nalang sa inyo bukas ng umaga." Sabi ko sa kanya pagkarating namin sa parking lot.

Di na siya sumagot at bumaba na. Paalis na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Diego: Pick me up here later. 6 PM

Di na ako nagreply.

Whatever! Ano pa bang magagawa ko? Umuwi na ako ng bahay dahil wala naman akong gagawin dahil whla kaming photo shoot ngayon at mamayang 3 PM pa ang klase ko.

It's still 1 PM at kakatapos ko lang kumain ng lunch. Mag isa lang ako sa bahay dahil nasa company si mommy at daddy. Naisipan kong i-check ang social media accounts ko.

Habang nag i-scroll ako sa IG ko ay bigla kong naalala si Diego at sinearch ko ang ang pangalan niya. Ang last post niya ay nung September 29 last month.

Isang puting pusa ang nasa picture na 'yon at  may caption na "Last day with you."

Nakalimutan kong nasa Instagram ako at huli na ang lahat dahil na double tap ko ang picture at na-like 'yon.

Shit.

Hindi ko na in-unlike dahil baka nag notif na 'yon. Nilock ko ang cellphone ko at nilapag sa side table.

Matutulog nalang ako at baka kung ano pa ang mapindot ko.

Nagising ako sa tunog ng alarm ko kaya bumangon ako agad para magbihis.

2:50 na nang dumating ako sa school kaya lakad at takbo ang ginawa ko. Buti nalang at wala pa ang prof naming pagpasok ko.

Umupo ako sa tabi ni Lira at nagpahinga.

"Oh ba't parang pagod na pagod ka"

"Ayoko lang ma-late Lira. Wala sa vocabulary ko 'yon."

"Bali-balita dito sa school na may relasyon daw kayo ni Italy boy dahil may nakakita sakanya na sumakay sa sasakyan mo. Is it true?"

Nagulat ako sa sinabi niya kaya napalingon ako ng mabilis sa kanya. I almost forgot na nasa Pilipinas and lahat ng bagay may ibig sabihin.

"Nabangga ko ang motor niya at may importante siyang lakad kaya hinatid ko nalang siya."

Paliwanag ko sakanya. "Ipakalat mo yan, Lira. Para di na mag isip ng kung ano ano ang mga tao ditto sa school." Dagdag ko.

"Easy, Miss Silveri." Aniya. Tumawa pa ang gaga

"Kakampi mo ako, Iana. Don't act na parang kaaway mo ako. Nasasaktan ako." Umakto pa siya na parang nasasaktan talaga kaya natawa ako.

"Ewan ko sayo, Lira."

"Sama ka mamaya, Iana. Punta tayo sa bagong open na bar sa BGC . Tagal na rin nating di nakakalabas ah."

Napaisip ako sa sinabi niya.

Naalala kong may tatapusin pala akong painting mamayang gabi pero siguro wala namang masama kung magpahinga ako minsan sa mga ginagawa ko.

Aminado akong di ko na-enjoy ng sobra ang teenage life ko pero ang importante ay masaya naman ako kahit ganun. Nakokontento nalang ako sa mga kwento sa'kin ni Lira.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unforeseen Love (Revello Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon