Accident
"One more pose, Miss Iana. Tingin sa kaliwa."
*click*
"Gorgeous!"
Nag pho-photoshoot kami ngayon para sa bagong mga damit na ire-release ng aming kompanya.
Yes, I am working on my parents' company. I am being payed cause I want to earn money on my own and I don't want to spend my parents' money on my personal needs. I also sell my paintings and since I am the famous Christiana Silveri, di pa nag da-dalawang minuto ay nabibili na agad ang mga paintings ko. I took up Bachelor of Science in Fine arts and It's my last year in college.
"Hello, Christiana! How's your day?" Si Lira, ang bestfriend ko.
Kararating lang namin sa school at nasa parking lot kami ngayon. We've known each other since high school at siya lang ang kaibigan ko na sobrang naging close ko.
"Exhausting. Like, super!!" reklamo ko at napailing na lang dahil sobrang pagod talaga ako.
"How about you?" tanong ko sa kanya.
"As usual, hangover nanaman kaninang umaga." Sabi niya at nginitian ako ng hilaw. Umiling nalang ako at natawa sa kanya.
Gosh! This girl! I don't know kung paano ko naging kaibigan to. We're very different from each other. We both came from a known family pero ako, di ako umaasa sa binibigay ng parents ko. I don't actually don't go to parties unlike her na parang tubig na niya ang alak at hindi makokompleto ang araw niya pag di siya nakakapunta sa club.
Dumating na kami sa classroom at naghintay ng prof. Biglang bumukas ang pinto at napalingon kaming lahat sa pumasok na lalaki. He's wearing a plain black shirt and a faded blue jeans. He's also wearing a pair of white sneakers. His skin is a little bit dark and his face looks perfect. He also have a good and nice body and compared to other male students, kakaiba siya. He's not familiar at ngayon ko lang din siya nakita. Maybe he's a transferee. Nahuli niya akong nakatitig sakanya kaya tumingin nalang ako sa harapan. Hmm mukhang suplado.
"Good Afternoon, Class." Di ko namalayan na dumating na ang prof namin kaya napaayos ako ng upo.
"Iana, do you know him?" Bulong sakin ni Lira.
"No." Sagot ko sakanya at tiningnan ulit yung lalaki.
"He looks hot." Aniya at humagikhik pa. Umirap nalang ako tumingin sa harapan.
"Mr. Revello, please stand up." sabi ni sir at nagtinginan naman kami sa lalaking nasa likod.
"Class, I want you all to meet Diego Revello. He's a transferee and he's from Italy." Tumango lang ang lalaki at umupo na ulit.
Nang matapos ang klase ay nagsilapitan ang mga kaklase kong babae sakanya at nagpakilala. I really don't understand why these girls are acting like that. Are they that hungry for boys? So disgusting!
"Let's go, Lira." aya ko saknya at naglakad na pero hinila niya ang braso ko.
"Wait, Iana. Magpakilala muna tayo sakanya." aniya at hinila ako palapit sa lalaking 'yon.
What the hell? Hinila ko pabalik ang kamay ko para matigil siya sa paghila sa'kin.
"Magpakilala ka kung gusto mo. I don't have time for that. Mauna na ako."
Di ko na hinintay ang sagot ni Lira at naglakad na ako paalis.
"Kaya di ka nagkakaboyfriend eh."
Sabi ni Lira habang hinihingal dahil sa pagtakbo. Diretso lang ang lakad ko at ngumisi nalang sa sinabi niya.
"Magpapa-spa ako. Wanna come?"
BINABASA MO ANG
Unforeseen Love (Revello Series 1)
RomanceWill love can lead them back? Christiana & Diego's Story Revello Series 1