FIRST CHAPTER: 3 AM

85 3 2
                                    



June 17, 1999


Kasalukuyang narito ako ngayon sa Tagaytay na tirahan ng lolo at lola ko. Kakalabas ko lang kasi galing ng hospital. Kaya naman kasama ko ang mama at papa ko, tita at ang pamangkin ko pauwi dito sa probinsya.



7 PM nang makarating kami dito halos ilang oras na din nakalipas at ilang oras na rin kaming magkakasama. Tapos ako naman itong hindi sila maintindihan kung bakit sobra-sobra ang pag-aalala sakin at pag bigay ng kung ano ang mahingi ko sa kanila.



Pero feel ko mag salita dahil parang may kakaiba talaga sa kilos nila.



"Ma?" May gusto kasi akong itanong ayon talaga.



"Bakit, anak?" Lapit naman sakin ni mama habang may halong pag-aalala at kaba ang nararamdaman ko sa kilos nya.



"Ma, lahat kayo naalala ko...
Katulad nang sabi ng doctor sa hospital na may chance talaga na pag na aksidente ang isang tao at nag ka amnesia eh, hindi naman lahat mabubura sa alala ko" pagsisimula ko ng usapan bago ko maitanong itong nasa isip ko.




Itong nararamdaman ko.




Pakiramdam ko kasi parang may kulang sakin, hindi ko mapaliwanag pero... kakaiba ito at hindi ko maintindihan.



Pero sila mama...



Nakatingin sila sa akin ng seryoso ganon din ang tita ko. Naghihintay naman ako sa sagot ni mama.




"Oo? O-okay, ka naman diba? O May nararamdaman ka ba? Masakit ba ulo mo?" Parang may pakiramdam si mama na may itatanong ako at feeling ko ayaw nya yata itong malaman o sagutin, pero... itatanong ko parin.




"Ma, may isang lalaki akong hindi naalala... gwapo sya at katantaman ang kulay at sakto lang ang taas. May dalawang dimple sa magkabilaang pisnge nito... Ilang araw na syang nasa isip ko eh...
Ma? kilala nyo po ba ang tinutukoy ko? Kung oo, saan ko sya nakita?"



"Ahh. Wala yata kaming nakilala na taong sinasabi mo. B-baka naman may isang tao ka lang nakilala noon na hindi mo naman talaga kakilala" sagot naman ni tita habang hindi mapakali ang mga mata nya.



Huh??? Hindi ko naintindihan ang ibig sabihin nya. At kita ko din sa mukha ni mama na pati sya walang naintindihan.



Did I missed something?



"I-i mean, baka nanghingi ka ng tulong sa hindi mo kakilala o kaya naman yung taong naalala mo nanghingi sayo ng tulong at umabot ng ilang oras yung pag sasama nyo"



Biglang dagdag naman ni tita nang makaramdam na hindi namin sya masyadong naintindihan.



"T-tama, anak, baka nga ganon... Baka din pagod ka na, sweetheart. Mag pahinga ka muna" pag puputol naman ni mommy ng usapan. Na alam kong mangyayari.



Alam ko din na may tinatago sila sakin. Hindi ko nga lang alam kung ano yon.



Pero siguro din na pagod na rin ako.
Since matagal din kaming bumyahe papunta dito kila lola.



"Hmm. Sige po. Mag papahinga na ako" tumayo na ako sa silya na inupuan ko. Inalalayan naman ako ni daddy na akala mo hindi ako pwedeng makapag lakad.



"Hatid na kita nak" sabi nya at pinatay ang sigarilyo sa ashtray.



"No, thanks, dad. Ako nalang po ang aakyat. Kaya ko naman pa"



LOST SOULWhere stories live. Discover now