SECOND CHAPTER: UNBELIEVABLE

27 2 1
                                    

"Liz, anong nangyayari?!" Sigaw naman ni mama nang nabuksan na ang pinto ng kwarto ko.



"Liz? Anoo??!" At pag tatanong naman nya muli ng may pangangamba sa mukha nito.



"Liz bakit ba hindi ka sumasagot sa mama mo? Nag aalala kami dito at nag aabang sa paliwanang mo" may halong pag-alala sa mukha ni tita.



"Sino ba yang messy lady na tinutukoy mo? Eh, ikaw lang naman nandito sa kwarto" isa pang pagalit na salita ni papa.



Habang nakaupo ako dito sa sahig na tapat ng pinto hindi ko naman alam ang ipapaliwanag ko sa kanila. Sino bang maniniwala? Eh, kanina lang nag lalakad na ung demonyong kasama ko dito at palapit sakin, tapos ayon! Bigla nalang nawala nang nabuksan yung pinto.


Maniniwala ba kayo kung sasabihin ko?!


Inis na pag tatanong ko sa kanila sa isipan.


Gosh!!



"Liz, nag hihintay kami sa sagot mo, tumayo ka dyan" Agad naman akong tinayo ni mama kahit pa naiinis sya sakin inalalayan nya parin ako para makatayo.



Pag katapos, hinarap ko sila sa mukha na hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ang nangyari. Pero nakita talaga ng dalawang mata ko yung babae, at hindi ako pwedeng mag kamali. Hindi ako nanaginip, totoong-totoo yon.



Bigla naman nag lakad si papa papunta sa kama para silipin ang nabasag na salamin na katabi lang din ng kama.



"Anong nangyari dito Liz? Bakit basag itong salamin?" At nag tanong nga sya kung bakit nabasag yon.



Sumasakit ang ulo ko.



"Pa, alam mong hindi ko magagawa yan" sagot ko naman habang naiilang na tignan sya.



"Oo nga, so what happened here?" Pag pupumilit nyang tanong.



"Well... ahhh...." naiilang akong tignan si papa. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin o baka din sila mama.



Paano ko titignan si papa ng diretso kung nakikita ko mismo yung demonyo.



Parang gusto ko malusaw sa nakikita ko. Pinag lalaruan ako ng demonyo na 'to, eh.



"Liz, please lang anak. Alas kwatro na ng madaling araw. Marami ng nag papahinga, ano bang nangyari sayo?" Sabi naman ni papa habang papalakad pabalik muli samin.



"Kung okay ka lang naman anak, babalik na kami sa kwarto ng mama mo. Biglang kasing sumakit balikat ko, ang bigat" pahawak-hawak naman ni papa sa balikat nya habang nag sasalita.



Bago sila umalis ng kwarto nag paalam muna ako kay tita kung pwede bang sa kwarto nya muna ako matulog. Alam kong hindi pa nakakaalis ang demonyong babae.



Dahil naka-angkas sya sa papa ko at ang hawak pa nya ay sa ulo nito.



Naka-ngiti pa ang hayup!



"Liz, dalawa na sila sa kwarto bakit ba gusto mong sumiksik pa sa kanila?" Tanong naman ni mama.



Alam ko naman yon pero masyadong malaki ang kwarto na 'to para sakin na mag isa lang matutulog. Sa kwarto naman nila tita, malawak din naman at may double bed pa na nasa ilalim ng pinaka kama.



"Papa, yang pananakit ng balikat mo ngayon eh, dahil may naka-angkas sayo na d-"



"Liz, ano bang pinag sasabi mo? Walang multo sa bahay na 'to. Matulog ka nalang at baka pagod ka" pag pigil naman ni tita sa sasabihin ko.



"Baka pagod ka lang, at itong nararamdaman ko dahil lang din siguro sa pagod ko anak" sabi naman ni papa.



"Pero pa, maniwala ka. Demonyo ang nasa balikat mo ngayo-



"Liz, pwede ba matulog ka nalang?!" At ayon nga sumigaw na si papa.



Alam ko naman na hindi kayo maniniwala. Pero sinubukan ko lang at nag babakasali na makuha ang atensyon nyo.



"That's unbelievable!!" Pag w-walkout ni papa, lumabas sya ng kwarto pero may sinabi pa sya.



"Patulugin nyo na yan!!"



Sumimangot naman ang mukha ko na parang bata. Nakatingin lang sakin si mama at si tita na nakakunot ang noo.



"Matulog ka na Liz" mahinahong pag sasalita ni mama.



"Halika na. Doon ka sa kwarto ko matulog" pag yaya naman ni tita kasabay sa pag hawak nya sa kamay ko paalis ng kwarto.



"Doon ka muna matulog, halika na" nang malagpasan na namin si mama, sumunod na rin sya at isinarado ang pinto.








"Pasok na tayo Liz, tulog na pinsan mo" pag pasok namin bumungad nga ang pinsan kong natutulog na. Mahimbing itong natutulog na walang kaalam-alam na lumabas ang mama nya para puntahan ako.


Minsan nag tataka ako bakit napaka bait sakin ni tita. Kahit sa maliit o malaking bagay nariyan sya.



"Ahhh... tita, ako nalang po matutulog sa sliding bed" kampante kong pag sabi sa kanya.



"Ako nalang Liz, tabihan mo nalang yang pinsan mo" napangiti ako at bumaling ang tingin ko kay Jenlie na natutulog. Ang swerto nya na may nanay sya na katulad ni tita. Yon lang talaga kaya kong maisip, ewan ko ba kung bakit.



Mas bata pa ito sakin ng dalawang taon kaya hindi maipagkakaila na mas mukha akong losyang tignan kaysa sa kanya. She's 23 and I'm 25 years old, dibuhh?



"Well.... thanks tita. Matutulog na ho ako" pag babalik tingin ko kay tita nang napansin kong tapos na syang bawasan ang gamit na nasa kama at tapos na syang asikasuhin ang pag hihigaan nya.



"Sige na mag pahinga ka na... oo nga pala, nakainom ka ba ng gamot?"



Damn



Nakalimutan ko yung gamot sa kwarto ko. If I tell her na hindi pa then she might go back there and look for it to get it also.



No.




"Yes, tita nakainom ako. Mag pahinga na po tayo" alam kong maling mag sinungaling pero hindi ko sya hahayaan na bumalik doon ng mag isa.



"Are you sure?" Naka kunot na pag tatanong nito.


"Kung hindi pa ako na kukuha kung tinatamad kang bumalik doon"


"Huh? Tita? Haha. Hindi, ho. Nakainom na ako. Si tita talaga"



Palusot!!


"Okay? Sige, matulog na tayo anak"



Anak?



Kay sarap pakinggan yon na nanggaling sa kanya. Kakaiba sa lahat ng narinig ko.



"Anak? Parang gusto ko po na yon ang itawag mo sakin" nakangiting sabi ko sa kanya.



Hindi ko maiwasang kiligin. Kakaiba 'yon sa lahat!


Agad naman nailang sa pag tingin sakin tita. Pa-lingon-lingon ito sakin at sa ibang bagay.



"Tita? May problema po ba?"



"Wala, wala. Matulog ka na Liz, pagod tayong parehas. Ha? Goodnight sweetie"




Sana tawagin mo ulit akong 'anak' ....



____________________________

Hi, guys! Soooo, I know na boring ang chapter na 'to. Pero see you guys sa next na chapter hahahahaha. Wala lang follow nyo ko sa twitter: essiuol_enaj at sa IG naman; @jane.es__ salamuch!!




LOST SOULWhere stories live. Discover now