THIRD CHAPTER: WORST

29 3 0
                                        

June 1, 1999

Galing sa isang salo-salo ang mag asawang si Javier at Liz. At kahit pa pamamahay ng pamilya ni Liz, ang kanilang dinaluhan kakailanganin pa rin nilang umuwi sa sarili nilang tahanan dahil nga sila'y kasal at may sariling bahay.


Ilang minuto na ang nakalipas nang nilisan nila ang tahanan ng tiyo ni Liz na kapatid ng kanyang ama. Habang ang magulang ni Liz, ay naiwan sa bahay ng kanyang tiyo dahil doon mag papalipas ng gabi ang magulang nya.


Sa isang liblib na lugar madilim at malapit sa gubat doon ay napahinto sila dahil sa pagkasira ng makina at sa katagalan nilang nag hihintay ng tulong mula sa mga tinawagan nila may apat na kotseng huminto sa kanila at pumaligid.

Habang nasa labas ng kotse si Javier, may kutob na sya sa apat na kotseng nakikita nya, kapahamakan ang naiisip nya at inaalala nya si Liz, na nasa loob ng kotse, bakas sa mukha nito ang takot at kaba.




"Liz, lumabas ka ng kotse, nakikita mo ba yang daan na yan? gubat yan pero tatakbo ka kung saan alam mong madali kang makakalabas ng gubat na yan" ang sabi ni Javier kay Liz na pabulong.



"Anong kailangan nila?"




"babes! ugh! are you listening? hindi na importante kung ano ang kailangan ng mga yan. Umalis ka na at mag madali!" mabilis na sabi nya kay Liz, matapos mag tanong sa kanya.




"Huh?! NO! Aalis tayo dito ng mag kasama. Tatakbo tayo do-"




"Liz, makinig ka! kung parehas tayong tatakbo malamang parehas tayong hahabulin"





"SUCH EXCUSE JAVIER!!! Tatakbo tay-"




"Kailangan nila ng atensyon ko para makaligtas ka!" hindi napigilan ni Javier, ang sumigaw. Ngunit pabulong na sigaw naman 'yon.






"ANO?! ARE YOU CRAZY? AALIS TAYO HALIKA NA!" Sigaw ni Liz, kay Javier at pag tapos lumabas ng kotse.





Tatalikod na sana si Liz paharap sa tatakbuhan nya ngunit hindi naalis sa pwesto si Javier, kaya nanatili lang din sya doon.




"ayaw mong sumama sakin?" pag tataray na tanong nya kay Javier.



"Sige, dito lang din ako!"





"Liz!! Ano ba?!"





...






Maya-maya lamang sabay-sabay bumusina ang apat na kotse, nag iingay sa lugar na para bang nananakot at tuwang-tuwa pa sa ginagawa nila.



Sa ilang minuto na nakalipas bumaba ang pitong lalaking nasa loob ng kotse.
Habang ang dalawa ang nag mamatiyag sa lugar.




"Anong kailangan nyo?" Si Javier.





"Kayo" ma-simpleng sagot ng lalaking naka itim.





"Kami?"





"Wag ka nalang mag salita" isang lalaki ang lumapit sa kanya at agad syang sinikmuraan at siniko sa likod upang hindi maka-galaw ng husto si Javier. At agad nilang nilapit si Javier sa lalaking sigurado syang pinuno.




"*smirk* ikaw lang pala" ang sabi naman ni Javier sa lalaking tinitingala nya.

"Oh? hindi ka ba makapaniwala na nakilala kita? was kang masyadong kabahan, Alex"





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOST SOULWhere stories live. Discover now