DIARRA
Dressed in a white off-shoulder bridal gown, embedded with shinning gems and a mermaid skirt beneath, I slowly walked down the aisle. My face is covered with a thin veil, secured on the top of my hair with a tiara, hiding my smiling lips shimmering in red and my eyes that sparkled with joy and excitement.
Everyone's eyes are centered to me, delightful of how beautiful I am today but mine are fixed only to that man who's waiting for me at the altar, garbed in a black tuxedo, with a white dress shirt and a black necktie.
His face was like emitting a blinding light, causing me to be oblivious with his facial features. I squinted my eyes, hoping to get rid of that annoying light.
Like panira! Kasal ko ngayon e!
"Diarra, tara na." Ayii tapped my shoulder at inis ko naman siyang binalingan.
"Ano ba?"
"Tapos nako. Mag a-ala una na." niligpit niya ang mga librong nakapatong sa ibabaw ng table namin dito sa library. Nag-aral kasi kami----siya lang pala dahil nakapagreview na ako kagabi.
Tinulungan ko narin siya sa pagliligpit pero nagdadabog parin. Nag-iimagine ako e!
I have always dreamed of my wedding day. Simula bata, ay nahumaling na ako sa ideya ng pagpapakasal. Noong una, dahil lang yon sa perang kinakabit nila kapag sumasayaw na ang bagong mag-asawa but while growing up, it became more than that.
I dream of my wedding because of my dream man, my groom, and my husband. I dream of those moments where we will share our dreams and our secrets together, carry our love and also our children.
I am so engrossed with marriage at alam kong hindi lang ako ang gano'n. Most people dream of that too, mapalalaki man o babae. But maybe not preoccupied as me when daydreaming about it.
I am obsessed with that idea pero kahit gano'n, I never had a boyfriend. I am 17 and is still a part of NBSB simply because I want my first relationship to be the last also. I'm looking forward with it.
"Alam mo Di, hindi ko na alam kung itutuloy ko pa ba ang balak kong mag-accounting." Ayii talked while we were walking down the alley.
"Iiwan moko?" I pouted.
Ngumuso rin siya. "Eh kasi naman sabi ni Kuya, it will make me eat my papers literally. And my very own sanity!" exaggerated niyang sabi habang nanlalaki ang mga mata. "Lalo na daw yung balancing! Jusko po, natatakot na ako! Grade 12 pa nga lang tayo, gusto ko nang i-untog ang ulo ko! Kamusta na lang pag nagcollege na?" nagpatuloy lang siya sa pagputak.
I just laughed with her tantrums. "Wala pa nga, hinahayaan mo nang pangunahan ka ng takot. Kaya natin 'to." I winked at her. "Padayon."
Umismid siya and I just chuckled. She's spitting nonsense. Matalino naman talaga siya, matalino ang lahat ng tao. Nasa iyo na lang 'yon kung paano mo i-enhance.
Her phone beeped kaya nilabas niya ito. "Nasa cafeteria daw sina Queenie at Grace." ibinulsa niya ulit ang phone bago kami umiba ng daan. We still have twenty minutes before the bell rings.
Pagpasok namin doon ay konti na lang ang mga estudyante dahil malapit ng magtime. 'Yong mga natira nalang dito siguro ay "yong may mga vacant o 'yong mga na-late maglunch.
Dire-diretso kaming umupo ni Ayii sabay inom sa mga juice nilang nangangalahati na. "Wow. Ni wala man lang hi or hello?" umirap samin si Queenie.
"Ahhh." nilapag ko ulit ang juice sa harap niya sabay dila sa mga basang labi. "Hi." ngumisi ako para mas lalo siyang inisin.
"Ba't nandito pa rin kayo? Time na mamaya a?" tanong ni Ayii na hindi na binitawan ang juice ni Grace.
![](https://img.wattpad.com/cover/231624239-288-k997109.jpg)