DIARRA
Habang naglalakad kami ay palingon-lingon si Hueseph sa akin. Siguro para tingnan kung nakasunod pa rin ba ako. Siyempre oo! I will follow you everywhere you go baby.
'Yong mga babae namang nakatambay sa labas ng quarters nila ay titig na titig rin sa lalaking kasama ko. Hindi ko nga alam kung alam niya bang pinaglalawayan siya ng mga highschool girls na'to o oblivious lang talaga siya sa fact nayon.
Sinasalubong ko naman ang mga mata ng mga babae kapag napapatingin na sila sa gawi ko. Tusukin ko 'yang mga mata niyo e!
Mula sa malayo ay kitang-kita ko na ang malaking ngisi ni Ayii. Nakasandal siya sa pinto ng classroom na gagamitin namin as quarters sa dalawang araw na nandito kami. Sa likod niya ay sina Queenie at Grace na sa tingin ko ay pinagpapantasyahan din ang kasama ko.
Sorry girls. Off limits na siya. He's mine.
Hinawi-hawi ko naman ang buhok ko sa harap ni Grace nang makarating na kami roon. Nakita ko namang nagpipigil lang ng tawa si Ayii.
Sandaling pumasok si Hueseph sa room para ilapag ang maleta ko. "Ganda ka?" pabiro akong sinabunutan ni Ayii. "Sister-in-law na kita niyan?"
Ngumisi lang ako. Maghintay ka Ayiinara.
"Oh phone mo." inabot na ni Hueseph ang phone sa kapatid. "Yan. Iwan mo pa kung saan-saan ha." sarkastiko niyang sabi.
Kinapkap naman ni Ayii ang bulsa at mukhang ngayon niya lang napansin na nawawala ang phone niya. "Hala naiwan ko pala?"
Namewang naman ang kuya niya kaya nagsi-flex ang mga muscles niya sa braso. I can imagine those strong arms hugging me. "Sana pala dinala ko nalang yan pauwi. Tingnan natin kung sino ang magdudusa rito."
Magrereklamo pa sana si Ayii pero tinaas na ng kuya niya ang kanang kamay dahil nagri-ring ang sarili nitong phone. "Excuse me." sabi niya sa'min bago tumalikod. "Nandito parin sa San Rafael, love. Yes. pauwi na ako." lumayo siya ng kaunti sa amin at hinarap ang halaman sa gilid nitong classroom.
Parang gumuho naman ang mundo ko. Love? May girlfriend na ba siya?
Pinanlakihan ko naman ng mata si Ayii. Sabi niya wala! Ingrata siya! Umiling-iling lang siya sakin na para bang sinasabi na wala din siyang alam.
Narinig naman naming nama-alam na si Hueseph sa kausap at bumalik na sa harap namin. "Ayii, I have to go."
Sinalubong naman namin siya ng pekeng ngiti. Pa-asa siya! "S-salamat po kuya." hindi 'yon bukal sa loob ko, pa-fall siya. Lalaki nga naman.
Tipid lang siyang ngumiti sakin. "Ingat ka kuya." sabi naman ni Ayii. He gave us a hearty smile before he left.
"Di ko talaga alam na may girlfriend siya Di!" depensa ni Ayii sa sarili nang makalayo na ang kuya niya.
"Napakapa-asa ng kuya mo." pagak kong sabi. Nawalan na ako ng gana. Taka naman kaming tinignan nina Queenie at Grace.
"Crush mo si kuya Hueseph?" parang hindi makapaniwala si Gracious Valderama.
"Ikaw? 'Di mo crush?" pagtataray ko sa kaniya. Peke lang naman yan. Hinding-hindi kami mag-aaway dahil lang sa lalaki no.
Umirap naman siya. "Crush rin." mahina niyang sabi.
I just exhaled. Of course, the typical Gracious. Lahat na lang ng gwapong lalaki. Andami-dami na nga niyang crush, meron sa mall, sa restau, sa bus. Jusko.
"Last year pa niyan pinupuntirya ang kuya ko." tinuro ako ni Ayii habang natatawa. Tuktukan ko siya diyan e.
Insert hashtag PuntiryaNoMore.
"Okay lang yan beh! Hanap tayo dito! Andaming fafa!" tili ni Queenie kaya sinita pa siya ng isang teacher.
Na-upo nalang kami sa sahig at sinecure na ang space na para sa aming apat. Tabi-tabi lang kasi kaming lahat ng mga babae rito. Sa kabila naman 'yong mga boys para iwas milagro.
Medyo malaki yung in-occupy namin dahil kasama namin ang mahal na reyna na pangdalawahang tao 'ata ang kino-konsumo.
Sandali pa kaming nagkwentuhan bago kami pinatawag para sa opening program. Naghiwa-hiwalay na kami dahil radio broadcasting si Queenie----it really suits her, sa lakas ba naman at bilog ng boses. Si Grace naman ay photojourn kaya hindi sila makakasama samin sa gym dahil iba ang venue ng mga category nila.
Lahat naman ng mga writing ay sa gym igaganap right after the opening prog. Free to all kasi ang training ng mga writing categories. Nasa iyo na lang iyon kung ano ang gusto mong attend-an.
Na-upo kami sa gitna at nagreserba ng apat na upuan dahil babalik din naman iyong dalawa mamaya. Mukhang hindi pa rin naman mag-uumpisa ang program dahil ka-unti palang ang mga pumapasok sa gym.
"Pupunta ako sa cafeteria nila, may ipapabili ka?" yumuko ako para hindi agaw pansin. Hindi ko naman pwedeng isama si Ayii dahil babantayan niya pa ang mga upuan namin.
Umiling naman siya. "Kumain na ako kanina." tumango na lang ako at nakipagsiksikan na sa mga taong papasok dahil iisa lang ang entrance at exit nila.
Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap ng cafeteria. Dumugtong ako sa pila na papuntang counter. Naramdaman ko namang may pumila rin sa likod ko dahil ang iingay nila pero hindi ko na lang pinansin.
After a few minutes ay turn ko na para bumili. Tubig lang naman ang gusto ko dahil baka uhawin ako mamaya, ayokong lumalabas sa kalagitnaan ng program. "Ate mineral water nga po." sabi ko sa tindera habang nilalabas ang wallet ko.
"Wala pa po yung stock namin." sabi niya kaya napatigil ako sa ginagawa at napatingin sa kaniya. Anong klaseng eskwelahan to? "Ice water lang po ang available sa ngayon."
Ice water, hah! I don't drink from those things. It's unsanitary. Kaya nga mineral water ang binibili ko palagi and I always check kung intact pa ba ang seal nito bago ako i-inom.
Peke akong ngumiti at napatingin sa ref nila. Puro sakto ang mga nakadisplay. I'm not a fan of carbonated drinks kaya, no. "I'll have a mango shake nalang po." tinuro ko ang blender nilang nakadisplay kasama ang mga fresh mangoes. Tumango naman siya at pinag-serve na ako.
Pinili ko ang pinakamalaki para matagal ma-ubos, alam ko namang papapakin din 'to ng mga bruhilda kong kasama. I handed her a one thousand peso bill and she smiled sheepishly at me. "Wala po kaming change."
I exhaled exaggeratedly. Kanina pa 'to a? Nananadya ba ang tadhana ngayon? Kanina yung mystery jowa ni Hueseph, tapos ito na naman?
I checked my wallet again para maghanap ng kahit one hundred lang. Binibigay ko kasi palagi kay Dani ang mga coins ko dahil ayoko ng ma-ingay na wallet. Puro din libo ang pabaon ni Dad sakin. Umiling ako sa kaniya at sabay naman kaming napatingin sa mango shake na hawak ko. Itakbo ko na lang kaya?
Nag-iisip pa rin ako kung ano ang dapat gawin nang may naglapag ng isandaan sa harap ko. I looked back at nakita ang isang lalaki na naka-glasses at blue hoodie. "Ako na lang ang magbabayad Ate Shane." he smiled at the woman behind the counter.
Naghiyawan naman ang mga kasama niya sa likod. Seventy-five lang naman itong shake ko pero nakakahiya parin. Hindi ko nga siya kilala. "Thank you." nakayuko kong sabi at umalis na roon.
Ipapanalangin ko nalang na sana hindi na magtatagpo pa ang mga landas namin.
================================
Hey! If you don't mind, please click that star button below and leave some comments. I will be very thankful.mwa.