Prologue

47 11 1
                                    


Gia

"Don't come into my life if you're going to leave! Do not sit here and tell me you're in love with me and that you care for me!" Tyler was crying out loud and it hurts to see the man that you love crying because of a stupid, slut girl.
"It hurts G-Gi I treasured her and... and she said that I was just a bet, na pinag pustahan lang nila "ko." He said, while stumbling and teary eyed.

"Shhh tahan na Ty tahan na nandito pa ko please tahan na." umiiyak na ring sabi ko sa kan'ya habang yakap at hagod ang likuran.

"I-ikaw Gia iiwan m-mo rin ba 'ko t-tulad ni Xyra? Sabihin mo! kasi kung pati ikaw iiwan lang din naman pala 'ko, ako na mismo ang aalis nang hindi na 'ko ma bigla pa." seryosong banggit nya habang naka titig sa mga mata 'ko.

"Ano bang sinasabi mo riyan, bata pa lang tayo nasa tabi mo na 'ko hindi ko gagawin 'yan." Naka ngiti kong sambit kahit may bahid parin ng luha sa aking pisngi.

"T-totoo?  hindi mo ko iiwan?" May pag-asa ang namutawi sa kanyang mukha.

"Oo naman, nakalimutan mo na bang nag pinky promise tayo sa isat-isa?
Na ang sabi mo kapag iniwan kita hindi mo 'ko bibigyan ng lutong puto ni Nay Lena.Mahina akong natawa nang maalala ko yung mga araw na nag aagawan kami sa iisang puto na gawa ni Nay Lena. Nag aaway pa kami kapag hindi pantay yung hati non.

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig kong unti-unting pag lakas ng tawa ni Tyler.

"Oh bat ka tumatawa riyan, kanina halos parang binagsakan ka ng isang truck ng bigas sa sobrang dilim ng mukha mo, tapos ngayon naman pwede ka nang dalhin sa mental hospital sa sobrang lakas ng tawa mo, sabihin mo nga sakin Ty, may bipolar disorder ka na ba?" hindi maka-paniwalang sabi ko sa kanya.

"HAHAHA!  Alam mo bakit kaya hindi na lang ikaw yung minahal ko? Ikaw naman yung na riyan kapag may problema ako, ikaw rin yung na riyan palagi sa likod ko naka suporta kung sakaling matumba ako, minsan iniisip ko sana pala hindi lang tayo mag kaibigan, kung mabibigyan ako ng pagka-kataong pumuli ng taong mamahalin ko habang buhay ikaw ang pipiliin ko." Matamis na ngiting sabi nya habang titig sa akin.

"Then choose me, it'll be my pleasure to be chosen by the man that I love the most..."


Enjoy reading!!
Make sure na follow nyo ko para ma update kayo salamat! love you all! ❤️

That Should be Me (On going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon