Chapter 6

13 2 0
                                    


Tyler's POV

"Xy, sa'n mo gusto pumunta? Maaga pa naman eh." tanong ko kay Xyra, katatapos lang kasi ng klase naming pareho papalabas na kami sa gate ng school.

"Hmm... May alam akong Café malapit lapit lang naman dito. Masarap kape nila don, promise." saad nya at naka taas pa ang kanang kamay.

Ang cute!

"Sige sabi mo eh."

Naglakad kami papunta kung nasan ang sasakyan ko este ni ate pala. Di naman malayo sabi nga ni Xyra.

"Dito ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo, dito nga. Promise masarap talaga kape nila rito." ngiting ani nya.

Matapos kong makahanap ng space para maka pag park bigla naman nag ring ang cellphone nya.

"Ty, hintayin mo na lang ako dito ah. Saglit lang to." paalam nya saken at naglakad sa punong tapat ng café.

Matiyaga akong nag hintay sa kanya sa loob ng sasakyan at tinitignan lamang sya.

Kita ko sa mukha nyang masaya sya at animong excited. Lumabas agad ako sa sakyan nang makita na syang papalapit rito.

Gustuhin ko mang magtanong kung sino ang tumawag sa kanya pero pinangunahan ako ng hiya, siguro kamag anak nya yon at may magandang balita.

"Tara na, pasok na tayo." ngiting anya. Tango naman ang isinagot ko.

Inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng Café. Hindi sya ganon ka crowded modern ang interior design nya at may tumutugtog na classical music nakaka relax sa loob marami ring sari-saring libro na naka salansan sa bawat lamesa at book shelves.

"Like the place?" biglang saad ni Xy sa gilid ko. Sunod sunod na tango ang isinagot ko.

"Ako na mag o-order. Ipapatikim ko sayo yung pinaka masarap na kape at cake nila rito." sasagot pa sana ko ng talikuran nya ko at umorder na sa counter.

Pinasadahan kong muli ng tingin ang loob ng café napatigil naman ako ng may makita akong pamilyar na imaheng nakaupo mag isa sa tabi ng salamin na pader.

"Xyra, is that Gia?"kalabit ko kay Xy sabay turo dun sa babae. Pinaka titignan nya pa ito at naningkit pa ang mga mata tila may sinusuri.

"Oo nga noh. Tara puntahan natin." sabi nya sabay hila sa'kin.

Ako lang ba? oh nakita ko syang ngumisi. Baka guniguni ko lang yon, hayaan na.

"Gi!" pag tawag ko sa kanya, kita kong saglit syang napahinto at dahan dahang lumingo samin.

Gia's POV

"H-hey! nandito rin pala kayo?" pilit na ngiting sabi ko.

Gia, ngiti lang wala naman silang ginagawang kung ano, okay? stay calm don't cry. Mag mumukha kang panget sigi ka.

"Actually kadarating lang talaga namen, masyado pa kasing maaga kaya inaya ko muna si, Ty na mag kape ."

Ty? Tinawag nyang Ty si Tyler!? What the... I'm the only one who is allowed to call him in that nickname! Sa kanya mismo nanggaling yon... Shit! why do I have a soft heart, I wish I was cold as ice naiiyak na ko huhu. Naputol ang pag iisip kong dumating si Jason.

"Ohh... you guys are here too. Are you two on a date?" masiglang bati ni Jason sa kanila sabay upo sa tabi ko.

"May...be?" hindi siguradong ani Tyler.

That Should be Me (On going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon