Chapter 3

17 5 0
                                    



Tyler's POV

"Tita nasan po si Gia?" tanong ko sa mommy ni Gia, nandito kasi ako para sunduin sya para sabay kaming pumunta sa party ni Xyra.

"Aba... gwapo mo ngayon ah, san lakad nyo? Mag de date ba kayo ni Gia? Aba botong boto ako sayo sabihin mo sakin pag di ka sinagot nyang si Gia ah.

" Tita naman alam nyo namang matagal na kong gwapo." pabiro kong saad. "At tsaka po hindi po kami mag de date ni Gia sabay lang po kaming pupunta sa birthday party nung nililigawan ko."  Kamot ulo kong sabi. Napataas ang tingin ko kay Tita at may bahid ng lungkot yung muka nya.

"Oh Ta anong nangyari? bakit po?" Tarantang tanong ko.

"Ah eh wala hijo nasa kwarto nga pala si Gia." saad ni tita at nag paalam na mag lilinis pa daw sya ng bahay nag kibit balikat na lang ako.

Umakyat na ko papunta sa kwarto ni Gia ng biglang may tumawag si Gia pala nainip na siguro, mahina naman akong natawa ng ma imagine ko ang itsura ng muka nya kapag naiinip, sinagot ko yung tawag.

"Hello?" saad ko.

"Si Gia to ang tagal mo kala ko ba 30 minutes lang."

Oh Gi malapit na ko saglit lang." muli kong sabi sabay katok sa pinto ng kwarto nya.

"Bakit Mom?!" sigaw nya mula sa loob ng kwarto nya, mahina akong natawa ng pagkamalan nya kong mommy nya.

Pigil ang tawa kong nagsalita sa phone ko.

"Grabe ka naman sakin ginawa mo pa kong nanay mo ang sama mo."saad ko na parang na lulungkot. Pagkatapos kong sabihin yon may narinig akong yabag ng paa mula sa loob ng kwarto ni Gia kaya naman lumayo ako ng konti sa pinto.

Pag bukas nya ng pinto.
"Bakit naman kasi di ka nag salita bwisit na to." parang galit na anya.

Parang naistatwa ako ng makita ko ang suot nya iyon ata yung dress na pinili ko na dapat para kay Xyra, ang ganda ni Gia litaw na litaw ang kutis porselana nyang balat dahil sa black dress na suot nya makikita mo rin ang hugis ng kanyang katawan, sobrang ganda talaga netong kaibigan ko pero ang pagka mangha ko ay nawala ng mapansing masyadong kita ang balat nya sa hita, balikat at braso nainis naman ako ng dahil don.

"Oh bakit parang nakakita ka ng multo? Hindi ba bagay sakin yung suot ko? sabihin mo lang mag papalit ako." saad nya.

"Damit pa ba yang suot mo?"tanong ko na medyo nag pipigil na itulak sya papunta sa closet nya upang magpalit.

"Ano ka ba ikaw kaya pumili nito diba dapat para kay Xyra to kaso di bagay sa kanya." anya na habang naka tingin sa damit nya at medyo inaayos.

"Mag patong ka ng jacket or blazer dyan masyadong revealing." saad ko sabay baba sa sala nila at nag antay sa may pintuan, ewan ko ba nababad trip ako sa suot nya.

Natigil ako sa pag iisip ng makita syang bumaba at hindi sinunod ang sinabi ko mas nadag dagan ang inis ko dahil sa kanya, nilagpasan nya lang ako at nauna ng lumabas.
Agad naman akong sumunod ng maalala kong gabi na pala at malamig sa labas kaya naman tinanggal ko ang tuxedo ko na naka pa tong sa polo ko at sumunod na lumabas sa kanya.

Pag labas ko nakita ko syang nag aantay sa harap ng sasakyan namin agad naman ako nag tungo don at ipinatong sa kanya ang tuxedo ko may nakita akong pagka bigla sa muka nya pero sina walang bahala ko na lang yon at pumasok sa loob ng kotse.

Mas lalo akong nainis ng tanggalin nya sa pag kakapatong ang tuxedo ko mula sa balikat nya at may sinabi ngunit hindi ko na narinig at  nag lakad na sya patungo sa tabi ko.

" Isuot mo ulet." inis na talagang saad ko ngunit umusog lang sya palayo sakin at tumingin sa labas ng bintana.

"Tay Berto paki lakasan nga po yung airchon mainet po paki todo na ren." pasuyo ko kay Tay Berto at bumaling ang tingin ko sa Blazer ko na hawak ni Gia.

"Ayaw mo diba? ako na lang mag susuot." sabay kuha sa kanya nung blazer at sinuot ko.

Gia's POV

" Isuot mo ulet." ani Tyler pag pasok ko sa loob ng sasakyan.

Hindi ko sya pinansin at umusog papalayo sa kanya sabay tingin sa labas ng bintana.

"Tay Berto paki lakasan nga po yung airchon mainet po paki todo na ren." rinig kong anya kaya naman napa baling ang tingin ko kay Tay Berto na tinodo ang lakas ng airchon.

Nabigla ako ng biglang kuhain ni Tyler ang blazer na nilagay nya kanina sa balikat ko.

Ayaw mo diba? ako na lang mag susuot." saad nya habang sinusuot yon. Natigil ako ng unti unting binalot ng lamig ang buong sasakyan.

Napayakap ako sa sarili sa sobrang lamig ang nipis pa man din ng damit ko huhuhu gusto ko tuloy bawiin kay Ty yung blazer nya tanga  mo kahit kailan Gia, Shit!! I'm freezing!

"Nandito na tayo." naka hinga ako ng maluwag sa sinabi ni Tay Berto agad naman akong lumabas ng sasakyan.

Nang makita ko sa Tyler na lumabas na rin ng sasakyan pinag hahampas ko sya sa braso.

"Aray! Shit! Tama na Gi! masakit!"

"Bwisit ka bwisit! bakit mo naman kase pinatodo yung airchon tangina mo." galit na anya ko.

"Bakit kasalanan ko, eh ikaw nga ayaw suotin yung binibigay ko, bahala ka dyan baka inaantay na ko ni Xyra my loves." sabi nya sabay patakbong pumasok sa loob ng bahay nila Xyra. 17th birthday celebration ni Xyra.

Na bad trip ako lalo ng maalala ko kung anong tinawag ni Ty kay Xyra.
Xyra my loves, Xyra my loves ka pang nalalaman mag hihiwalay din kayo.

Sa inis ko hindi ko tinuloy ang pag pasok sa bahay nila Xyra mananatili muna ako saglit dito para pa kalmahin ang sarili ko.

"Hey!" ako ba tinatawag? luminga linga ako sa kaliwat kanan pero wala namang tao kaya binaliwala ko na lang.

"Gia!" galing sa likod yung boses kaya naman napalingon ako don.

"Uy Jason invited ka rin pala?"
Si Jason yung nanliligaw sakin simula first year pa lang pero sinabi ko naman sa kanya na para syang kuya para sakin eh pero ayaw nyang tumigil.

"Ah oo, by the way you look gorgeous pero hindi ka ba nilalamig sa suot mo?"

"Salamat, medyo malamig nga pero kaya naman mas malamig parin sa Canada." saad ko sabay tawa napa tigil ako sa pag tawa ng umalis sya at pumunta ata sa sasakayan nyan may kinukuha ata.

Pag balik nya...

"Oh." saad nya sabay abot ng white blazer na pam babae. Nag tataka akong tumingin sa hawak nya bakit mag kakaron ng pambabaeng blazer ang isang maskuladong basketball player sa loob ng sasakyan nya, ini angat ko ang tingin ko sa kanya at binigyan ng nakaka lokong tingin.

" Bakit naman ganyan ka makatingin sakin, don't worry bago yan inaasahan ko ng ganyan ang suot mo kaya nagdala ako ng ganyan." sabi nya habang naka yukong kamot ulo.

"Asus! ikaw talaga." pabiro kong saad sabay hampas sa braso nya.

" Of course, I don't want you to be sick so I brought that baka kasi sipunin ka." naka ngiting anya na pangiti na rin ako kahit kailan ang bait talaga ng lalaking toh.


To be continued ...

That Should be Me (On going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon