Chapter 1

18 2 0
                                    

Mainit na sinag ng araw ang nagpagising sa 'kin mula sa isang masamang panaginip...

Eto na naman.

Hindi ko rin talaga alam kung bangungot bang maituturing 'yun. Yes, I feel so bad everytime I wake up but I also feel happy... and peaceful. Hindi ko maipaliwanag pero there's something in that dream that even though it haunts me everytime, it still makes me want to go back.

I shook my head to erase those thoughts and decided to get up bago pa ako mabulyawan ni mama. Nang tinignan ko ang wall clock ay alas dose na pala ng tanghali. Mabuti nalang at sabado ngayon kaya walang pasok!

Tumayo ako para isara ang skylight window kung saan nanggagaling ang maliwanag na sikat ng araw. I really loved this room from the moment I saw those windows, sa kadahilanang gustong-gusto kong pagmasdan ang kalangitan lalo na tuwing gabi. Ever since I started having that dream, I already had this enigmatic attachment with the sky.

Masyado yatang napapadalas ang panonood ko ng fantasy movies kaya hanggang panaginip nadadala ko. Feel na feel ko tuloy na totoo 'yun kaya mas lalo kong naappreciate ang kalangitan.

At dahil nga may skylight window ang kwarto ko, hindi ko na kinakailangang lumabas pa ng bahay para lang tignan 'yun dahil sa bintanang ito. Kahit nakahiga ako ay pwede akong mag-star gazing, sobrang convenient para sa isang tamad na tulad ko.

I really have no idea kung anong klaseng kaweirduhan ang meron ako pero 'yun din ang nagiging dahilan kung bakit halos umaga na ako nakakatulog. Affected much ako sa panaginip ko.

May pinagmanahan naman ako, ang kaweirduhan nila mama at papa. Mas malala yung sakanila! Halos taon-taon kaming lumilipat ng bahay, at sa iba't ibang malalayong lugar pa. Nung tinanong ko si mama tungkol doon, laging ang rason niya ay dahil madali siyang magsawa sa paligid. Napa-face palm nalang ako nun.

Ngayon ang ika-anim na buwan namin sa bahay na ito. I wonder when will we move again. Nakakapanghinayang naman kung ganun. I'm starting to like this place, lalo na ang attic room ko. My lovely window is so fit for me and my hobby. Bukod doon, tahimik at napaka-peaceful din sa lugar na ito. It felt like a real home compared to our past residential areas.

Bumaba na ako para kumain. Hinahanda ko na ang brunch na kakainin ko at ang side dish kong sermon ni mama dahil sa late na naman akong gumising.

"Seiria! Anong oras na!"

Oh see. Hindi pa man bumubuka ang bibig niya ay parang naririnig ko na.

"Ma! Grabe ang bango ng ulam natin. Ang sarap mo talaga magluto!"

Niyakap ko si mama at nginitian siya ng ubod ng tamis. Please Lord, makalusot sana!

"Wala pa tayong ulam dahil hindi pa dumadating ang pinadeliver ko, anong bango bango ka diyan." Ani mama habang masamang nakatingin sakin.

Ngumiti lang ako at muli siyang niyakap. Kaya pala amoy sinaing palang ang naaamoy ko.

Pero nagtaka ako, bakit wala pang pagkain? Anong oras na, a.

"May nilakad kami ng papa mo kanina. Dumiretso na siya sa meeting niya ngayon kasama si Rage. Nagpadeliver nalang ako ng tanghalian natin. Ang isang kuya mo, maagang umalis." Sambit ni mama na parang nabasa na kung ano ang iniisip ko.

Napatango ako at umupo na muna sa couch. Sumunod naman si mama na may dalang mansanas. Inabot niya yun sakin.

"Eto na lang muna ang kainin mo habang naghihintay." Umupo siya sa tabi ko.

Kumagat ako sa mansanas at tumingin sa kakabukas lang na TV. Naalala ko ang sinabi kanina ni Mama.

"Where did kuya Eros go?"

Astra Imperia (Apporofá Realms #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon