"Miss Seiria! Are you listening?"
Halos mapatalon ako sa gulat ng tinawag ako ng professor ko. Pinagtinginan ako ng mga kaklase ko. Nakakahiya!
"Y-yes, ma'am. I'm sorry."
Tinaasan niya lang ako ng kilay at nagpatuloy na sa lesson. Napahampas ako sa noo ko. Get yourself together, Sei!
Sinubukan kong makinig sa masungit kong professor pero wala talagang pumapasok sa isip ko. In fact, walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi yung nangyari kanina!
"Finally, I found you. My Seiria."
Naramdaman ko na naman ang kanina ko pa kinakabahala nang maalala kong muli ang boses na 'yun. His voice was very familiar, parang narinig ko na kung saan. Ang kinakabahala ko lang ay parang may kung ano sa tiyan ko na nagliliparan.
How is that possible? No, it is impossible! Paulit-ulit kong binalikan ang pangyayari kanina. He's almost 15 meters away from me! I gave it a benefit of the doubt na baka hindi naman sa kanya ang narinig kong boses, kasi sino ba naman siya para makilala ko ang boses, 'di ba? But when I looked around to find out who whispered to me, there's no one! As in, walang tao sa paligid!
And what's more disturbing is I saw how his sweet smile turned into a smirk while looking at me. Kahit na malayo siya ay kitang-kita ang pang-aasar niyang ekspresyon! Like a guilty ass who just made fun of me a while ago!
Pero kung siya nga 'yun, paano niya naman malalaman ang pangalan ko, e hindi nga kami magkakilala? At ano 'yung sinasabi niya na nahanap niya na rin ako? Bakit "My Seiria" ang tawag niya sa 'kin?
Hay! Sabi nang hindi nga p'wedeng siya 'yun dahil sobrang layo niya sa 'kin!
Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang pagkafrustrate. At halos makalimutan ko na nasa klase nga pala ako nang sigawan na naman ako ni Mrs. Reyes.
"Sorry, ma'am." I said with not even a single trace of sincerity.
Nang magkaroon ako ng vacant time ay agad kong tinawagan si Skye just to ease the tension I'm feeling right now. Sa kanya lang din naman ako nakakapagkwento without limits, kung kila kuya Eros ko ikkwento ang nangyari kanina ay baka asarin lang ako ng mga yun at sabihang baliw.
She immediately answered at halos mapasigaw ako ng makita kung nasaan siya ngayon.
"Nasa Airport ka ba?!" Pasigaw kong tanong. Still shocked and silently hoping that my guess is right.
Natawa siya, "I miss you, too! Yes, nasa Airport kami ni Mommy. What do you have in mind?" Aniya habang hawak ang iniinom na kape galing sa isang sikat na coffee shop.
Tumaas ang kilay niya na parang hinihintay ang isasagot ko. Namilog ang mga mata ko nang makita kung ano ang nasa likuran niya.
"NANDITO KA SA PILIPINAS?!" I screamed! My guess is right! Nakita ko ang ibang estudyanteng kumakain dito sa loob ng Cafeteria na napatingin. I don't care anymore. My bestfriend is finally home!
Natawa siya habang patuloy pa rin ang paglalakad palabas ng Airport. Sa likuran niya ay nakikita pa rin ang mga LCD monitor na nagsasaad ng domestic flights ng Pilipinas.
"Uh-huh! I'm with Mom!"
Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay inilihis niya ang camera para makita si Tita Jamie.
"Hi, pretty Seiria! How are you?"
Tita Jamie is still as gorgeous as she was 2 years ago. Parang walang pinagbago. Oh, how I missed them!
"Tita Jamie!! I missed you! Excited na akong makita kayo!" I almost cried seeing the both of them breathing the same air I'm breathing.
Natawa si Tita Jamie, "I missed you too, dear! We'll see each other later. Didiretso na kami sa bahay niyo ngayon."
BINABASA MO ANG
Astra Imperia (Apporofá Realms #1)
FantasyEver since Seiria Alston had her series of enigmatic dreams that almost felt so real, she abruptly had this mystifying connection with the sky. An unexplainable link that eventually became her passion. Just as when her family moved into a new house...