Kenneth Austin Greyson POV's
Nandito ako ngayon sa bahay,kakauwi ko pa lamang galing sa school!
Agad akong nagmano kay mama"kumusta ang pag-aaral mo anak?"tanong ni mama saakin
"Ok lang naman ma"sabi ko kay mama at ngumiti
FAST FORWARD
Nandito ako ngayon sa kwarto na nakahiga sa kama!Gabi na kasi at handa na akong matulog
Ang dami talagang nangyari kanina!tulad nung umiyak ako kaagad sa harap ni Xhiera,yung lumiliwanag ang kamay namin nung magkahawak kami,at nung sobrang cute niya kapag nainis,haha
Ang ganda niya talaga!hayst...
Huminga ako ng malalim at binanggit ang pangalan niya"Xhiera"sabi ko
Nung binggit ko ang pangalan niya ay bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba,nakaramdam ako ng pananakit saaking dibdib,kaya hinawakan ko ang dibdib ko ng mahigpit,parang maiyak na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon!ano bang nangyayari saakin?
Hindi kona namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko!iwan ko kung bakit ako ganito!iwan ko kung bakit ako umiiyak ngayon...humagulgol na ako sa pag iyak
Ilang oras ang lumipas ay hindi kona namalayan na nakatulog na pala ako!
~•~•~•~
Nimulat ko ang aking mga mata at...what the?!nasan ako?bat ako nandito?tama ba ang nakita ko?nasa tabing ilog ako nakaupo?
Agad naman akong napalingon sa kaliwa at sobrang gulat ng makita ko ang isang babaeng nakaupo katabi ko,pinagmamasdan niya ang ilog at nakaputing dress
Bigla itong lumingon saakin ngunit hindi ko masyadong makita ang mukha niya,mukhang nanglalabo ang mata ko kapag nakatingin ako sa mukha niya
"In case reincarnation is true,what you want to be in your next life?"tanong ko kaagad sa katabi kong babae
Hoy!anong nangyari saakin?bakit ko yun natanong yung weird na tanong na yun?hindi ko naman gusto mag tanong ahh!kusang lumabas sa bibig ko ang mga tanong na yun!
"Ahmm...I want to be a...butterfly in my next life"sabi niya
"Magandang paru paru"dagdag pa nito
"Why?why do you want to be a butterfly? instead of being human!ayaw mo bang maging tao sa susunod mong buhay?"nagtatakang tanong ko sa kanya
Ayaw ba niyang maging tao sa susunod niyang buhay?anong dahilan at rason kung bakit gusto niyang maging isang magandang paru-paru kapag na reincarnate siya?
"Hmm...nakakapagod na kasing maging tao!palagi nalang tayong nasasaktan,pero syempre...as a human we actually experience being hurt by someone,kung totoo man ang reincarnation...gusto kong maranasan na maging isang paru-paru!"mahabang pagpaliwanag niya at binalik ang tingin sa ilog
Magtatanong pa sana ako kaso nandilim ang paningin ko!malabo na ata ang mga mata ko
Minulat ko ang mga mata ko at laking gulat ng nasa kwarto nanaman ako!huhu...ano ba ang nangyayari?p*tang*na naman ohh!
Pinikit ko ulit ang mga mata ko at binuksan nanaman!talagang nasa kwarto na ako
Panaginip lang ba yun?pero bakit pakiramdam ko totoo?
Umupo ako sa kama at kinuha ang phone ko sa ibabaw ng table,binuksan ko muna ang Facebook at may nagchat pa?wow huh?!may nakakaalala pa pala saakin?niisa wala akong kachat!at ang mapait pa!ay yung palagi kang walang kachat
Agad kong tinignan kung sino ang nagchat
[Arabella Xhiera Zaine Bautista
Hi!]chat ni Xhiera saakin
Ayy oo nga pala!inaccept ko pala siya kagabi
[Hello]chat ko rin sakanya
Tinignan ko ang notification ko at boom~!sabog...nang stalk siguro tong babaeng to!puro mga react niya bawat post ko ang laman ng notification ko
Alam mo kung ano yung nakakatawa?memes na shinared ko ay hineart react niya,luv moko beh?!
Ayy oo nga pala!may pasok pa pala ako!
Agad kong kinuha ang twalya at pumasok sa banyo para maligo
FAST FORWARD
Lumabas na ako ng bahay at naglakad papuntang school,actually medyo malapit lang yung bahay namin sa paaralan!kaya nga lang nakakapagod maglakad ehh...
Sa gitna ng paglalakad ko ay may napansin akong parang may sumusunod saakin
Rinig ko ang mga tapak ng mga sapatos,hindi na ako mapakali
Tumingin ako sa likod ko at wala naman akong nakitang taong sumusunod
Humarap ulit ako at naglakad,pero narinig ko nanaman ang tapak ng mga sapatos nila
Tumayo ang mga balahibo ko sa kaba,lumingon ulit ako sa likod at sobrang gulat ng may nakita akong isang lalaki na naka Hoodie at naka salamin pa na kulay itim
"Ahmm...may kailangan po ba kayo kuya?"tanong ko sakanya
Sobrang gulat ko nung nag iba yung mukha niya,pati narin yung katawan niya...parang nag iiba yung anyo ng lalaking nasa harap ko
Shit!ano tong nakikita ko ngayon?

YOU ARE READING
The Girl in my Dreams
FantasyPaano kaya kung dadating yung mga taong makapagbago at gugulo sa tahimik niyang buhay?at paano kung malaman niyang hindi pala siya normal na Tao?! Tuklasan niyo ang kakaibang buhay ni Kenneth Austin Greyson...