Part 9

9 3 0
                                        

Kenneth Austin Greyson POV's

Nandito ako ngayon sa isang kwarto at nakahiga ako sa kama

Hindi ko talaga makalimutan yung nangyari kanina sa lunch

FLASHBACK

Tahimik kaming kumakain dito,katabi ko si Xhiera,at ang mama at papa naman niya ay magkatabi at nasa harap namin

Nakita kung tumingin si auntie Elezabeth saaming dalawa ni Xhiera,tumingin ako kay Xhiera na nakayukong kumakain

"Ano nga ang pangalan mo?"tanong ni auntie saakin

"Ahmm...Kenneth Austin po"nakangiti kong sagot

"Ahh...ikaw pala yung palaging binabanggit ni Xhiera saamin noon"nakangiting sambit ni auntie Elezabeth saakin

Ano?binabanggit noon?kahapon lang naman kami nagkakilala ahh!wag niyong sabihin na noon lang ako kilala ni Xhiera pero hindi ko siya kilala?

"Diba mahal?!"tanong ni auntie Elezabeth kay uncle Leonardo at tumango lang naman ito

"Mama naman ehh!"childish na sabi ni Xhiera

"Ano?tama naman ahh"medyo tumatawa na sabi ni auntie Elezabeth

"Tapos na akong kumain"sabi ni Xhiera at agad na umalis sa hapag kainan

Walk out?

"Nagtampo tuloy"nakangisi na sabi ni uncle Leonardo

"Xhiera is older than you!mas matanda pa siya ng 5 years sayo...18 ka na diba?"tanong ni auntie Elezabeth saakin at tumango lang ako

So it means,eighteen + five equals,twenty-three?so ibig sabihin 23 na si Xhiera?pero bakit parang 18 years old pa siya?ganyan siguro kapag immortal hindi tumatanda

"Nga pala!do you have any feelings for Xhiera?"nakangiti at taas kilay na tanong ni auntie Elezabeth

"Hu-huh?!ba-bakit m-mo po na-natanong?!"nauutal kong saad

"Wala lang,basta sagutin mo lang ng deritso"-auntie Elezabeth

"Ahmm...s-sa totoo lang!hindi ko pa alam!tuwing kasama ko siya...parang may kakaiba akong nararamdaman!basta!hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko tuwing kasama ko siya"nahihiya kong sambit

Tama ba to?totoo bang nag confess ako ng totoong nararamdaman ko?

END OF FLASHBACK

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi na mawala sa isipan ko ang mga tanong ni auntie Elezabeth,tulad ng "do you have any feelings for Xhiera?"

Haystt...hindi ko nalang sana sinagot ang tanong ni auntie!ang tanga ko talaga

Napabuntong hininga nalang ako at ipinikit ang aking mga mata

Arabella Xhiera Zaine Bautista POV'S

nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko na nakaupo sa upuan at iniisip ang mga naririnig ko kanina

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya kapag kasama niya ako?ako rin...hindi ko alam kung susungitan ba kita or lalambingin!

I met him when I was only 12 and he was 7,too young right?

Magkaibigan na kami noon lang,kaya nga lang ay nakalimutan na niya ako

FLASHBACK

Nandito ako sa may bench na nakaupo,si Kenneth naman ay nasa harap ko,may tinatago siyang kung ano sa likoran niya

"Ano yang tinatago mo?ipakita mo!dali"nagmamadaling sabi ko kay Kenneth

Dahan dahan niya itong ipinakita saakin,isang bulaklak na tuyo,nakatitig ako ng matagal sa bulaklak na ipinakita niya saakin

"Ahmm...ibibigay ko sana!kaso_"naputol ang sasabihin niya at kinati ang ulo

"Kaso tuyo"pagpapatuloy niya

"Bakit tuyo yung kinuha mo?madami namang magagandang bulaklak diyan sa paligid?"nakasimangot na saad ko sa kanya

Nakita ko ang palad niya na may tattoo,no!it is not possible

Tatto na hugis scorpion,yan ang palatandaan na isa siyang reincarnated most powerful witch!

Kapag ang mga witch ay makahawak ng halaman ay magiging tuyo kaagad ito!pero iba saakin...kapag makahawak ako ng tuyong bulaklak ay muli itong mabubuhay

"Tatanggapin ko nalang,salamat!"nakangiti at pagpasalamat ko kay Kenneth

Muling nabuhay ang bulaklak na tuyo na binigay ni Kenneth saakin,bigla nalang siyang nagulat

"Magic yun!"pagsisinungaling ko sa kanya

END OF FLASHBACK

Pagkatapos ng araw na yun!ay hindi na kami nagkita,balita ko kasi lumipat na sila ng bahay ng walang paalam saakin

At hindi rin nagtagal ay bumalik na rin kami sa dati naming bahay na mansion


The Girl in my DreamsWhere stories live. Discover now