🥀Nagising ako at ang unang tumambad saakin ay ang pamilyar na kisame sa aking apartment. It must be just a dream.. Napapabuntong hininga ako, napahawak sa aking ulo dahil nakaramdam ako ng dagliang sakit lalo na nung ako ay gumalaw. Uupo sana ako sa aking pagkakahiga pero nagulat ako ng makaramdam ng braso na nakayakap sa aking katawan. Nagulat ako ng may katabi ako sa aking kama. Ang kulay ng kanyang buhok ay kulay puti, kumikinang ito lalo na pag natatapat sa liwanag. Nakapikit sya at nakabukas ng kaunti ang bibig.
Naramdaman ko syang unti-unting gumalaw, ang mga mata nya ay unti-unting bumukas at nakita ko ang bughaw na kulay mula roon. Hinanap nya ang aking paningin at ngumiti sya ng banayad saakin. "Good evening darling." Bati nito, ang boses nya ay medyo kakaiba. Maliit na.. cute.. nakakaakit.
"D-Darling?" Paguulit ko sa binitawan nyang salita. "S-Sino ka? Paano ka nakapasok sa apartment ko at-" napatingin ako sa kanyang katawan, nakaramdam ako ng hiya at pamumula ng magkabila kong pisngi.
"B-Bat mo suot yang mga damit ko!?" Tanong ko habang nakaturo sa paborito kong t-shirt at sa itim kong boxer.Napatingin din sya sa kanyang sarili at dalawang beses pang napa kurap bago ako tignan muli ng kanyang inosenteng mga mata. "Pero ayon sa nakalap kong impormasyon.. ganito raw ang suot ng mga kagaya nyo." Sabi nya at napakagat sa ibabang labi. "M-Mali ba? Iba ba dapat?" Tanong nya saakin at napalabi pa.
Ugh fuck, nakakabaliw ang ganda nya. Na kahit sando at boxer lang ang suot nya ay ang tindi parin ng dating, nakakaakit.. pero panghihinaan ka ng loob dahil kung kumilos sya ay parang inosenteng inosente.
"Sino ka ba? Paano ka nakapasok sa apartment ko?" Tanong ko, seryosong nakatingin sa kanya habang nakakrus ang dalawang braso.
"Ako si Marionette." Nakangiti nyang sambit habang nakatitig saakin ang mga mata nyang napakaganda. "G-Galing ako sa ibang daigdig.. sa ibang mundo. Nagpunta ako rito para takasan ang mundong iyon." Sabi nya habang nakayuko.
"Galing ka sa buwan. Isa kang alien." Straight-forward kong sabi at tumayo. "Isusurrender kita sa NASA dahil mas alam nila ang gagawin sayo." Tumayo ako at naghanda na pero napahinto ako dahil may sinabi pa sya saakin.
"Hindi mo ako pwedeng ilayo sayo. Simula nung magtama ang mga paningin natin kagabi, agad na tayong nagkaroon ng kakaibang koneksyon. Binigyan na kita ng sarili kong marka. Pag nalayo ako sayo, malilipat ang enerhiya mo saakin. Mamamatay ka pag nagkataon." Sabi nya na ikinaistatwa ko.
"A-Anong marka?" Tanong ko sa kanya. Tinignan ko ang aking mga braso, pasikretong itinaas ang aking shirt para makita kung minarkahan nya ang aking abs.. pero wala naman. Saan nya ako minarkahan?
Napatingin ako sa isang full-body mirror at laking gulat ko ng makita ang aking kanang pisngi na may naka imprentang kung anong guhit. Napahawak ako dito at nagningning iyon bigla.
"Tangina." Normal na pagkakasabi ko habang nakatingin sa salamin. "Anong ginawa mo sa muka ko?" Medyo galit na ang tono ng pananalita ko.
"Minarkahan ko yan para alam ng lahat na akin ka na Ciel." Sabi saakin ni Marionette at ngumiti ng matamis.
"Paano ito mabubura?" Tanong ko habang kinukuskos ang aking pisngi.
"Panghabang buhay na iyang nakadikit sayo. Hindi na yan mawawala." Sabi nya at tumayo sa kama. Unti-unting lumabas mula sa aking kwarto.
"Fuck." Daing ko at tinignan ang sarili sa salamin. Ilang beses pa akong napamura dahil kahit anong gawin ko ay hindi iyon mabura saakin.
• • •
Kinaumagahan ay kasama ko si Marionette papuntang convenience store. Nakauniporme na ako habang suot suot naman nya ang ilang damit ko na medyo maliit na saakin. Nagmuka tuloy syang tomboy. Naka tokong na shorts, puting t-shirt at itim na jacket. Nakapasok ang buhok nya sa jacket, nakasara ang jacket ko dahil wala syang suot na bra.
Bukas na bukas ay mukang mapapagastos ako para bilhan sya ng mga damit.
"Hello boss Rick." Bati ko sa boss ko at nginitian nya naman ako, ang mata nya ay parang nakapikit na habang nakangiti saakin. "Boss, si Marionette nga po pala." Pagpapakilala ko.
"Hijo, girlfriend mo?" Nakangiti nyang sambit habang ang singkit na mata ay nakatingin kay Marionette. "Ako pala si Rick hija, ang may-ari ng tindahan na ito.. napakagandang bata." Sambit at complement pa ni boss Rick sa panauhin kong alien.
"Ikinagagalak ko po kayong makilala, Mr. Rick." Sambit ni Marionette at yumuko na medyo ikina-ngiti ni Boss Rick. "Tama po kayo ng tinuran, girlfriend nga po ako ni Ciel." Ani nya habang ngiting ngiti saakin.
Tumawa ang matanda at tumango ng makailang ulit. "Hindi parin talaga mawawala saakin ang kagalingan sa obserbasyon. Akalain mong tumama pa ako dun." Natutuwa nyang sabi. Hindi nalang ako dumaing at nanatiling nakatikom ang aking bibig dahil nakita kong natutuwa ang matanda.
"Boss Rick, pwede bang tumambay muna dito si Marionette? Ayoko kasi sya iwan mag-isa sa apartment. Mahirap na at baka tumaas ang ilaw namin kung nandun pa sya at isa pa hindi ko sya maaalagaan duon." Pagpapaalam ko sa matanda. Agad agad naman ang pag-oo nya dahil naging ka-vibes nya agad ang alien kong panauhin. "Nga pala boss Rick.. wala ka bang napapansing kakaiba sa muka ko?" Pagtataka ko dahil parang hindi nya natanong ang marka sa aking pisngi.
"Wala naman hijo, ganun ka padin." Sambit nya ng ngiting-ngiti. Napakamot ako sa aking sentido at napunta ang aking kamay sa aking pisngi habang unti-unting pinakikiramdaman kung naglaho ba ang marka. Tinignan ko ito sa aking cellphone at nakita kong nandun parin iyon at nagliwanag pa nga. Agad akong napabusangot at sinamaan ko ng tingin si Marionette na kasalukuyang nakaupo sa isa sa mga upuan at nakatingin sa labas.
Almost 8 hrs kami na nandun, di katulad ng dati ay mas madami na ang mga customers na bumibisita sa convenience shop ni boss rick. Nakakapagod dahil ang bilis maubos ng mga stock kaya mabilisan ko din itong nilalagyan ng panibago.
"Mukang maswerte ang girlfriend mo hijo, pinpayuhan kita na lagi syang dalhin dito para madami ang mamili." Bulong ni Boss Rick habang parehas kaming nakatingin kay Marionette.
Natapos ang aking trabaho. "Paalam na po Mr. Rick." Ngiting pahayag ni Marionette at yumuko muli sa matanda. May inabot si Boss Rick sa kanya na isang plastic bag.
"Ano yan boss?" Tanong ko habang nakatingin sa bag na bitbit na ngayon ni Marionette.
"Mga pancit galing korea. Natuwa kasi ako dun sa mukbang mukbang sa youtube kaso nung tumikim ako ng isa ay sobrang anghang pala. Baka gusto ni Marionette kaya sa kanya nalang." Sabi ng matanda habang nakangiti sa amin.
"Maraming salamat po." Sambit ni Marionette at yumuko muli. Bat ba yuko ng yuko ang babaeng ito?
"Salamat boss rick ah?" Ngiting sambit ko sa matanda. "Sa monday ulit." Sabi ko at kinawayan sya, kinawayan nya din naman ako pabalik. Sabay kaming lumabas ni Marionette sa shop habang dala dala ang mga pagkaing bigay ni Boss Rick saamin.
"Excited na akong makatikim ng mukbang!" Natutuwang sambit ni Marionette. Natawa ako dahil hindi nya alam ang ibig sabihin ng mukbang.
"Hindi mukbang yan. Noodles ang tawag jan. Korean spicy noodles okay?" Sambit ko.
"Sorry! Salamat at tinama mo ako darling ." Sabi nya at niyakap ang katawan ko habang naglalakad kami. Gumuhit ang ngiti sa labi ko at inakbayan sya. Nakangiti kaming bumabagtas papunta sa apartment na tinutuluyan ko.
🖤
BINABASA MO ANG
That Girl is Marionette
FantasyHe's an almost perfect guy Rich, handsome and good-looking But everything change when his girlfriend cheated on him. By the help of a girl, he started to keep on going but he never knew that That girl is Marionette.