Chapter 2 : Stalking

2 1 0
                                    


"Wake up Astra!!"

Alam kong si kuya Axis nanaman yang sumisigaw.

Parang gusto ko pang matulog dahil sa lamig at lambot ng kama ko. So comfy.

"Gising na! Kung hindi, hindi na ako magdadalawang isip na gawin to sayo"

Hindi ko parin minulat ang mga mata ko. Hindi naman gagawa si kuya ng--WAAAAAH OMYGOD

Aray huhu TT__TT

I heard him laughing so hard.

Tumayo ako saka binato siya ng unan. Ang sakit ng katawan ko dahil sa pagkakatulak niya sakin. Nahulog tuloy ako sa sahig punyeta.

"Pasalamat ka hindi malakas dahil kung hind--" hindi na natapos ang sasabihin ni kuya dahil tinulak ko siya saka lumabas ng kwarto ko. Nakakainis.

Agang aga nambwebwesit nanaman ang magaling kong kuya.

Nagpunta na ako sa banyo atska naligo at ginawa na lahat ng mga dapat kong gawin. Nakasuot ako ngayon ng PE uniform kasi gusto ko bat ba. I wear white shoes.

Nagtali na ako ng buhok. Ponytail lang.

Bumaba na ako para makakain na dahil sobrang gutom na ako. As in.

"Good morning yaya" ani ko saka naupo at nagsimulang kumain.

"Good morning Rein, aga mo ah" sabi ni yaya habang nagluluto.

"Hays, si kuya Axis kaya yaya e, ginising ako" sumbong ko pa bago nagsimulang kumain.

Natawa lang si yaya.

"I have to go, good bye sweetie" sabi ni mommy na kabababa lang ng hagdan saka nagbeso beso kami.

"Mom? Hindi kana ba kakain?" Taka kong tanong.

"Kakain nalang ako sa cafe mamaya sweetie" mommy said saka ngumiti at lumabas. Mukhang nagmamadali si mommy.

(A/N: yung daddy po ni Astra ay nasa Korea kasi may business sila don)

"Bilisan mong kumain dahil kung hindi, maglalakad ka nanaman" sabi ni kuya na may pagbabanta.

Nakakainis talaga tong lalaking to. Porket siya lang ang may kotse, siya na ang masusunod.

Binilisan ko nalang kumain dahil alam kong totohanin yon ni kuya gaya ng ginawa niya sakin dati argh! Kakainis.

Nauna na siguro siyang kumain.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na kami ng kuya na aalis na kina yaya.

Sumakay na ako sa passenger seat at si kuya naman sa driver seat. Malamang siya magdadrive.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagscroll lang sa instagram then someone texted me. I mean kagabi pa niya tinext kaso hindi naman ako nagoline  kagabi kaya di ko to nakita.

I opened atska naparoll eyes nalang ako nung nakita yung panglan.

Brixnyt
Hi girlfriend

Astraaa
Hindi moko girlfriend!

Nambwebwesit ba ang ugok na to?? Anong trip niya? Biglang may sumagi sa isip ko. *tango* *tango* oo tama, trip niya ako.

Brixnyt
You'll be mine soon

Napataas naman ang kilay ko dahil sa reply niya. You'll be mine soon, You'll be mine soon ka jan!!! Utot mo. Tsk aba hindi ako papayag dahil una sa lahat hindi ko pa siya kilala atska sino ba naman siya para jowain ako ng ganyan kabilis?? No! Hindi ako papayag. Kaya kong maghintay ng true love ko. Hmp.

Binulsa ko na yung selpon ko at di ko na siya nireplayan. Why would i??.

Mabilis rin at nakarating na kami sa harap ng gate ng school ko kaya bumaba na ako ng kotse.

"Umuwi ka ng maaga ah" sabi ni kuya bago umalis.

Pumasok na ako sa school at naglakad papuntang first class ko.

Pagkapasok ko ng classroom ay naupo na ako at nagselpon.

Habang wala pa kaming teacher is i decided to stalk Brix. Uhmm.. i want to know about him at kung bat niya ba to ginagawa. Ah basta gusto ko lang bat ba.

Brix Nyt Zedler

8,790 followers

Wow daming followers, wala namang masyadong post.

Hindi ko naman maikakaila na good looking talaga siya pero the hell i care.

I saw pictures na what?? Walang pangitaas at nasa beach siya. Oh damn. Napatingin ako sa abs niya. Kumurap kurap ako at agad iniscroll. Bat ko ba yon tinititigan >///<

Bat ba ako namumula?? Nakakainis na ah. Mas hot naman si Park Seo Joon eh hmp.

Sumasagi padin sa utak ko yung abs niya. Nakakainis.

"Done stalking??" Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa nagsalita.

Mabilis kong binulsa ang phone ko. Ohgosh.

"H-huh? Ano ba yang p-pinagsasabi mo" utal na sabi ko na hindi nakatingin sakanya. Kahit hindi ako nakatingin sakanya ay alam kong nakangiti siya ng nakakaloko. Ano kayang iniisip niya? OHGOSH baka naman iniisip niyang nageenjoy akong tinitignan yung abs niya? Ang kapal. Hindi naman talaga siya hot eh hmp.

>///<

I heard him chuckled.

I looked at him. Nakatingin padin siya sakin at nakangiti ng nakakaloko.

"Mali ka ng iniisip" pagtatanggol ko sa sarili ko. Damn it, nakita kaya niya? E ano naman kung iniistalk ko siya? Mababawasan ba yung pagkatao niya.

"What i am thinking?" He smirked.

"Alis ka na nga!" Bulyaw ko sakanya saka tinulak siya palabas ng classroom. Ang bigat niya.

"What are you doing!? Dito din naman yung first class ko e" he said.

"What!? So,You mean, classmate tayo?" Gulat kong tanong. I thought sa kabila siya? Argh!

"Exactly, andito ako para bantayan ka at makita ka" he said saka kumindat.

>////<

"What? Nang gagago ka ba?" Inis na tanong ko.

"No, you're my future wife so? I want to see you" he said smirking.

Always And ForeverWhere stories live. Discover now