Chapter 4 : Date (part one)

3 2 0
                                    


Mahimbing ang pagkakatulog ko not until merong yumuyugyog sakin.

"Ano ba! Natutulog pa ako e" sabi ko na nakapikit padin sabay yakap sa unan.

"Gising na Astra!!" Sigaw ni kuya Axis.

"Kuya sabado ngayon kaya pwede ba" inis na bulyaw ko na hindi padin dumidilat.

"Tsk! Kahit kelan ang hirap mo gisingin, may nag hihintay sayo sa baba" napamulat ako ng mata dahil sa sinabi ni kuya.

"What? Sino naman??" Tanong ko saka tumayo.

"Daming satsat, bumaba kana and see" sabi niya saka lumabas.

Pababa na ako ng hagdan. Sino ba namang pupunta dito?? Hindi naman pwedeng sina Kendall, Vash, Evos at Virus este Zyrus ee hmm.. bahala na--

"WHAT!?? bat ka andito!?" Tanong ko.

Nakaupo siya sa sofa na umiinom ng juice. Wow, feel at home ang ugok.

"Hinihintay ka" he said smirking.

"At bakit naman Brix Nyt Zedler??" Nakacrossed arm na sabi ko.

Tinataasan niya ako ng kilay habang umiinom ng juice.

Binaba niya ang iniinon nya saka tumayo at lumapit sakin.

"Today is saturday right??" He smiled.

"So?" Sabi ko.

"Magayos kana" he said.

"Why would i?" Mataray kong tanong.

"May date tayo" he said dahilan para magulat ako.

"What?? Ayoko" sabi ko.

"Kung ayaw mo edi hindi ako uuwi samin" he said. Mukhang sincered siya sa sinasabi niya jusko.

Tumalikod na ako.

"Wait! Where are you going?" He asked.

"Magaayos malamang, alangan namang nakapajama ako?" sabi ko dahilan para mapangiti siya ng malapad.

Wala namang masama kung makikipagfriendly date diba?? Wala namang something atska one more thing, ayoko namang tumira dito ang isang makulit na lalaki no?.

After 10 minutes ay nakapalit na ako.

White T-shirt,black jogging pants and white shoes. Nagtali na din ako ng buhok. Ponytail lang.

Bumaba na ako ng hagdan and i saw kuya Axis and Brix talking.

Nagderetso na ako sa pinto.

"Tara na! Ano pang ginagawa mo!?" Inis na sabi ko sakanya dahilan din para tumayo siya na--oh come on.. nakangiti nanaman siya ng nakakaloko. Ano nanaman kaya ang iniisip neto.

"Kuya friendly date lang to kuya kaya--"  pinutol na ang sasabihin ko ni kuya.

"Sige ingat kayo future bayaw, take care of her" muntikan na akong masuka dahil sa pagtawag ni kuya ng bayaw kay Brix.

"Makakaasa ka" sabi ni Brix bago kami lumabas ng bahay.

"What the hell is that??" Tanong ko.

"Huh?? Ano?" Patay malisya amp.

"Tsk! Nevermind" sabi ko.

Pumunta na kami sa kotse niya na nasa labas ng gate namin.

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat kaya pumasok na ako at naupo.

Pumasok na din siya sa driver seat saka pinaandar.

Habang nagdadrive siya napatingin ako sa kanya na nakangiti. Ano kayamg iniisip niya? Ang gwapo niya pala kahit sa side view profile niya damn.

Tumingin ako sa bintana.

Pero bakit nga ba siya nakangiti? Alam ko na, may iniisip siyang nakakaloko.. bwesit bat pa kasi ako sumama sa lalaking to.. mamaya rapist to o kaya kidnapper o baka naman adik o baka naman kill--

"What are you thinking?" He asked dahilan para tignan ko siya na ngayon nakatingin na sa daan.

"Ikaw" sabi ko dahilan para matawa siya. Bat naman siya tumataw-- what wait.. iniisip ba niyang siya ang iniisip ko. No way.

"No! Mali ka ng iniisip, i mean--" pinutol niya ang sasabihin ko.

He laughed before speaks.

"Ano namang dapat kong isipin?kung ikaw lang ang nasa isip" He asked without looking at me.

I automatically smiled and blush. Omg bat ba ako ngumingiti sa banat niya? Nakakainis. Nahawaan na ata ako ng kaweirduhan ng lalaking to.

"Ang korni mo" sabi ko.

"Atleast napangiti kita" he said.

_______

"Mauubos kaya natin to??" Tanong ko habang nakatingin sa harap namin na puno ng pagkain.

He chuckled.

"Yeah, maybe, i don't know" he said na mukhang walang kasiguraduhan.

Ohgod! Ang dami niya kasing inorder e. Andito kami ngayon sa restaurant. Merong special na shrimp, fish, chicken, vegies, barbeque, sushi, shawarma, and juice.

And one more thing.. lahat nang to, siya ang nagbayad. E ano pa,  siya nagaya ng date e kaya siya din magbabayad.

Kain lang kami ng kain ni Brix.

"Oh dahan dahan lang baka mabulunan ka" natatawang sabi ni Brix. Ang presenteng kumain kasi ni Brix e habang ako ang takaw.

Nilunok ko muna ang nasa bibig ko bago nagsalita.

"Turn off?" Sabi ko sabay kain ulet.

"Hindi, mas nagugustuhan kita lalo" he said. Punyeta, napapangiti nanaman ako.

Do i looked weird??

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Always And ForeverWhere stories live. Discover now