[ XXI ]

192 12 1
                                    

Kinabukasan

Nag aantay ngayon si Yumi ngayon sa harap ng classroom ng kanyang nobyo kasama ang kanyang kaibigang si Jess, gusto man ni Jess umuwi na pero hindi sya pinapayagan ng kaibigan at pinipilit na antayin lumabas ang surpresa nya.

Maya-maya pa ay lumabas na sila Blake, agad namang hinagilap ni Yumi ang nobyo at ng Makita ay tinawag nya ito at nilapitan.

"Blake~" sigaw nito saka lumapit
"Blake, si Jess kaibigan ko. Jess si Blake boyfriend ko" pagpapakilala nito atsaka lumipat sa tabi ni Blake at niyakap ang braso.

Agad namang tinignan ni Jess si Blake atsaka bumaling kay Yumi dahil nagulat sya sa kanyang narinig.

Nginitian lang ni Yumi si Jess bilang sagot sa nagulat na reaksyon ni Jess

Nagsimula ng magsalita si Yumi at masaya nyang ipinakilala ang kaibigan sa kanyang nobyo, ang hindi alam ni yumi ay nagkakatinginan sila Blake at Jess na para bang may gusto sila sa isa't-isa

maya-maya pa ay namaalam na si Yumi

"Ahh~ Jess uuwi na kami, kasi magd-date pa kami ni Blake eh~ una ka na lang ahhh di kita masasamahan pag-uwi ngaun, sorry ahh" sabi nito sa kanyang kaibigan atsaka sumabit nanaman sa braso ng nobyo atsaka kumaway sa kaibigan at nagsimulang maglakad.

At naglalakad ang magkasintahan at sa kabilang direksyon naman ang kaibigan ni Yumi, may ikinukwento si Yumi habang ang dalawa pang estudyante ay magkatinginan pa den kahit malayo na sila sa isa't isa

"Blake? ayos ka lang?" tanong ni yumi
"huh? ah-Oo ok lang ako may Nakita lang ako" palusot nito kaya naman nginitian lang sya ng dalaga at nagpatuloy na ulit sa pag lalakad

It's hard to say goodbye|| COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon