Chapter 4

3 0 0
                                    

Ang kauna-unahang instruction galing kay Ben ukol sa flash drive ay hindi ko maaari itong gamitin bago ang nakatakdang oras. At ang nakatakdang oras na iyon ay kinse minutos bago mag-hatinggabi ng August 24, 2033. Kagabi.

Nang nabasa ko ang tungkol sa instruction na ito ay inisip ko kung may paraan nga ba ang sinumang nautusan niyang mamahala na ma-detect kung ginamit ko ang flash drive bago ang panahong iyon. Hindi naman techy si Ben dati noong kami ay magkaibigan pa pero dati pa iyon. Maraming maaaring nagbago sa mga taong hindi kami nagkasama.

Hindi rin imposible na isa itong test at madi-disqualify ako kung hindi ko susundin ang instructions niya. Maaaring may program na magde-delete ng mga laman ng drive sakaling madetect nito na isinaksak ko ito sa anumang computer nang mas maaga sa inaasahan.

Maaari ko raw gamitin ang kahit anong computer para mapanood ang video na nilalaman ng flash drive. Kung wala raw akong available na kagamitan ay maaari kong gamitin ang laptop na kanyang iniwan dito sa beachhouse.

Ang sumunod na instruction ay kailangang kapag pinanood ko ang laman ng flash drive ay connected ako sa Internet.

Bukod dito ay may ilan pang instructions at advice tungkol sa kung paano magpunta sa beach house, ang mga pwede at hindi pwede kong gawin dito. Lahat ng mga instructions ay nakalagay sa liham na ipinadala niya sa akin bago ang kanyang pagkamatay.

Kung paano ko natanggap ang liham ay sa pamamagitan ng family lawyer nila. Isang tanghali dalawang buwan na ang nakakaraan ay tumawag ito sa aming kumpanya at kinonekta ng HR ang kanyang tawag sa aking office phone. Sandali lang ang naging pag-uusap namin sa telepono. Wala akong ideya na ang pag-uusap naming iyon ang magiging dahilan ng lahat ng ito.

"Mr. Montalla? This is Attorney Punzalan. Before we begin, I'd just like to make sure you're Ben Henares?"

"Uhhh, yes ho."

"The reason why I called you is to deliver some bad news about a good friend of yours, Mr. Ben Henares."

"Ho? Ben Henares? I know a Ben Henares pero I haven't talked with him in years ho. Are we talking about the same person ho?"

"The son of Senator Henares. You were college friends in UP Diliman, right?"

"Oh, okay. Yes ho, I know him. Bakit ho, anong balita ho sa kanya?"

"I'm sorry to tell you that Ben Henares has passed away."

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Patay na si Ben.

Dapat bang mas naapektuhan ako sa balita? Siguro nagulat lang ako dahil sa puntong iyon, mas nagtaka ako kung bakit ako tinawagan ng isang abogado tungkol sa kanyang pagkamatay.

Alam kong close kami dati pero ilang taon ko na rin siyang hindi nakakausap. Sa nakaraang ilang taon ay paminsan-minsan ko na lang siyang naaalala.

Inimbitahan ako ni Attorney Punzalan na pumunta sa kanyang opisina upang mapag-usapan namin ang tungkol sa ilang habilin ni Ben. Teka, huling habilin? Sumaglit sa aking isipan kung posible bang may ipinamana sa akin si Ben. Bente otso pa lamang ako at bago sa akin ang ideya na posibleng mayroon akong mga kasing-edad na maaaring mamatay. Mas lalong hindi ko pa naisip na ang isa sa mga ito ay maaaring mag-iwan ng mana. Sinubukan kong alisin sa isipan ko ang anumang tungkol sa mana bilang respeto sa patay pero nagtaka talaga ako sa itinatakbo ng usapan namin ng abogado.

Nalaman kong si Atty. Punzalan ay kasalukuyang nasa kanyang opisina na nasa isang law firm ilang kalye lang ang layo mula sa aking pinagtratrabahuhan. Tinanong niya ako ko kung pwede akong makapag-set ng schedule para kami ay makapag-usap. Tiningnan ko ang aking relos. "Attorney, baka maging busy ako ngayong linggo pero kung pupunta ba ako diyan ngayong hapon pagkatapos ng trabaho ko, okay lang kaya?"

PirasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon