Chapter 7

1 0 0
                                    

Napalingon si Ben tungo sa isa sa mga bintana ng bar. Nakita kong kumunot ang kanyang noo. Inusisa ko ang direksyon kung saan siya nakatingin kung ano ang maaaring nakita niya ngunit wala naman akong nakitang kakaiba.

"Pero bago 'yon, kailangan kong hingin ang tawad mo." sabi ni Ben.

"Tawad? Para saan? Sa mga nangyari kanina?" tanong ko.

"Para dito." Lumingon ulit siya sa gilid. "Tingnan mo. Sorry if the next part becomes a bit... grimdark."

Unti-unting nagbago ang eksena mula sa labas ng bintana. Kung kanina'y isang madilim na kalye lang ang aking nakikita kasama ang mga gulong ng mga kotseng dumadaan, ngayon ay nakikita kong unti-unting lumiliwanag na ang labas. Hindi pala unti-unti, di-hamak na mas mabilis ang pagliwanag kaysa sa karaniwang bilis ng pag-uumaga. Lumiliwanag nang lumiliwanag hanggang sa mapansin kong hindi ito ang liwanag ng araw. Pula ang kulay ng liwanag na ito at patingkad nang patingkad.

Tumingin ako kay Ben at naghanap ng paliwanag sa kanya ngunit wala siyang sinabi.

Mabilis ring nagbago ang itsura ng loob ng bar. Mula sa mga pader, kisame, mga lamesa, sa bawat gild ay lumabas rin ang kaparehong pulang kinang. Ang mga tao sa paligid, maliban kay Ben, ay isa-isang tumayo at naglakad papunta sa pinakamalapit sa kanilang dingding. Mula sa kanilang mga balat at damit ay naaninag ko na rin ang pulang ilaw. Nagpatuloy ang kanilang paglalakad kahit nakadikit na silang lahat sa pader, na parang 'di nila alam ang kani-kanilang mga posisyon at sinusubukan pa rin nilang maglakad kahit na may balakid. O gusto nilang tumagos sa mga pader.

Naramdaman ko na ang eksenang kinabibilangan ko ngayon ay nagbago ng karakter, na naabot ko na ang parte ng panaginip na bangungot. Nakita kong ang mga pader na nababalot na ngayon ng pulang ilaw ay hindi na gawa sa kahoy o konkreto ngunit mula sa laman. Sa karne. At sa bawat ilang segundo ay may tumitibok na ilang parte nito. Minsan ay mabagal na pagtaas baba ng sahig na para bang may along dumadaan. Minsan naman ay may mabibilis na panginginig sa isang parte ng pader. At ang mga tao na nagtutulak pa rin ng mga sarili nila tungo sa pader ay mabagal nang kinakain ng mga ito. Bangungot.

"Tangina, Ben. Ano 'to?" Si Ben, at least, ay hindi nagbago ang itsura at tulad ko rin ay nagmamasid siya sa mga pangyayari. Wala pa rin siyang sinagot sa akin.

Pinakalma ko ang aking sarili. Kung sakaling nangyayari ang lahat ng ito sa aking sariling utak ay maaaring mapigilan ko ito kung 'di ako matatakot o kung mag-iisip ako ng ibang bagay.

"Not gonna work, sorry. Parte ito ng kailangan mong makita. Kung bakit importante ang magiging misyon mo."

"Ayaw ko 'tong makita" sabi ko kay Ben. Pumikit ako. At patuloy ko pa ring naramdaman ang pag-alon ng sahig. Narinig ko naman ang sunod-sunod na tunog ng mga tambol. Palakas nang palakas habang lalong bumibilis hanggang sa wala na akong marinig kundi ang mga ito. Di ko masigurado kung ang mga ito ay galing sa paligid ko o sa loob mismo ng aking katawan.

"Buksan mo ang mga mata mo. Kailangan mong makita ang mga ito."

"Palagay ko mas lalala kung titingnan ko ang mga nangyayari."

"Alam mo, si Apostle Paul, sa Revelations, he didn't spend the entire vision with his fucking eyes shut. That's why we have Revelations."

"Well. Sorry, hindi ako si Paul. Also, you don't know kung ilang tao ang nagkaroon ng visions na pumikit na lang. Posibleng perfectly valid approach 'yun."

"Sorry, Joshua. Dapat mong makita ito. Okay lang na pumikit ka kasi your eyelids are perfectly transparent anyway" sabi ni Ben.

At sa sandaling iyon, nakapikit man ay nakita kong muli ang paligid ko. Si Ben sa aking harap, ang mga pader, sahig at kisame ay gawa na sa tumitibok na karne. Wala na rin ang mga bintana. Nasa loob ako ng isang kwebang gawa sa pinaghalo-halong organic material. Naalala ko nung ak ay bata pa at unang beses nakakita ng pagkatay ng hayop, isang kambing na lulutuin para sa isang piyesta sa probinsiya. Siguro ay apat o limang taong gulang pa lang ako noon kaya't dagdag sa aking mga nakita ay iba't-ibang lamang-loob na dinagdag lang ng aking utak.

Iyon ang ramdam ko sa puntong ito. Mga iba't ibang hugis ng iba't-ibang piraso ng katawan na nakadikit sa mga dingding ng kweba. Dito, taglong magkakadikit na pakpak ng paru-paro na gawa sa tagpi-tagping mga mata. Na noong tiningnan ko nang mas mabuti ay hindi naman mga mata. Mga ugat na parang sapot na umiikli at humahaba at naghahabulang parang ahas. May kakaibang amoy sa hangin: hindi mabango at hindi masangsang. Isang amoy na wala sa bokabularyo dahil walang pasilidad ang utak para intindihin ito.

"You'll be glad to know na walang kahit ano sa mga makikita mo dito ang maaaring magtulak sa iyo, alam mo na... over the edge." Sabi sa akin ni Ben. Nawala na ang lamesang nasa tabi namin. Tumayo siya sa itim na bato na kanyang inuupuan. Nakita kong ganito rin ang aking silya at katulad ni Ben, tumayo na rin ako. Huminga ako nang malalim at nagtaka dahil nabawasan na ang takot na nararamdaman ko.

"Yes, because that was shameful, Joshua. Sa ngayon, artificially binababaan ko ang fear levels mo. Kung isa itong horror movie isa ka sa mga unang mamamatay after freezing up."

Tama siya. Hindi ko na maramdaman ang kapareho ng aking nararamdaman kanina. Napalitan ang takot ng mas mataas na antas ng curiosity sa mga nasa paligid ko. Sa ibang sitwasyon ay marahil ay magagalit ako dahil sa ginawa niyang pakikialam sa isipan ko ngunit sa sandaling ito, tanggap kong mas makakatulong sa akin ang ganitong mentalidad.

"Halika na. Maglalakad tayo," sabi ni Ben bago siya tumalikod at ginawa ang sinabi niya. Mabilis akong sumunod sa kanya dahil ayaw kong maiwanan at napansin kong kahit di pa siya nakalayo ng husto ay halos lamunin na ang pigura niya ng dilim.

Pagkaraan ngang magbago ng buong lugar ay nawala na ang pulang ilaw at naging mas madilim na ang paligid. Ilang metro lang sa bawat gilid ko ang aking nakikita. Kung saan nanggagaling ang ilaw para makita ko kahit ang kakaunting ito ay di ko masabi. Kung iisipin kong nasa loob kami ng katawan ng isang higanteng hayop, malamang ay pinakamalapit nang kapareho nito ang isang mahabang bituka.

"Isa 'tong representasyon ng dimensyon kung saan nag-umpisa lahat ng problema. Problema, ibig kong sabihin, from a human perspective. Dito sa dimensyong ito, masasabing walang equivalent concept ng moral rules kagaya ng kung ano ang meron sa mga tao." sabi niya sa akin.

"Pero bakit ito ang pinapakita mo sa akin, Ben? Nasa loob ba tayo ng isang higanteng creature sa dimension na ito?" nang marinig ko ang sarili kong itanong ang mga iyon ko lang naisip na kakaibang mundo na itong pinasok ko. Literally at figuratively. Ibang dimensyon? Totoo ba ang mga ito?

Ginusto kong ibalik niya sa normal na levels ang mga emosyon ko. Ngunit naisip kong sa itsura pa rin ng lugar na ito, kung sakaling itataas niya ulit ang pandama ko ay malaking posibilidad na masuka ako: dahil may iba ngang dimensyon at dahil ang dimensyon na iyon ay pwede lang ilarawan bilang isang fucking nightmare hellscape.

"Sa home dimension natin, mayroong mga planeta at kasama na rito ang Mundo, na nasa solar system, sa isang galaxy, sa isang lipon ng mga galaxy, sa bilyon-bilyong lipon ng galaxies lahat ng ito bumubuo sa observable universe" sabi ni Ben. Sinipa niya ang pader ng karne ng kwebang nilalakaran namin. "Itong bagay na ito, kung ikukumpara natin, ay limang beses na mas malaki sa ating sariling Universe. Ito ang bangkay ng diyos nila sa Universe na ito. At sa loob ng limang taon, babangga ito sa Universe natin. At maniwala ka sa akin, hindi pa 'yan ang pinakamalaki nating problema."

PirasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon