A/: For those who were wondering bakit namentioned sa previous chapter si Xandrei and Marie. Xandrei, stays in Cebu simula nang iwan siya ni Mandie noon. While Marie that moment ay halos mabaliw baliw sa kakahanap kay Adrian. Gusto ko nang hilahin ang kwento nito at magshort cut na. I can't wait for the surprises ng series na ito. Binalikan ko kasi ang kwento ni Mandie and Xandrei. Lanie and Sean. And they inspired me para tuluyan ko nang mabuo ang drafts nito. Happy that I did a review sa mga naisulat ko. Hahaha!
Happy reading!
-----------------
CAPUT DUODECIM
Nakatanaw si Russel sa papalubog na araw. Gabi na naman. Dalawang gabi na ang lumipas na narito siya sa resort. Nang araw na sunduin siya nina nanay Dolor at Tatay Fidel ay pinagpahinga lamang siya ng mga ito sa bahay nila. Pagkatapos ay sinamahan din siya kinabukasan upang makapag check-in sa resort. Sa katunayan mabait naman talaga ang mag asawa. Nakilala din niya ang dalawa pang kapatid ni Yuna. Nagmungkahi pa ang pamilya nila na doon na lamang siya mamalagi habang nagbabakasyon sa Cebu. Wala naman daw kaso kung magtagal siya doon dahil bisita siya at kaibigan pa ni Yuna. Ngunit tumanggi siya. Gusto din naman niyang makapag libot nang hindi nakakapang abala ng ibang mga tao. Pangalawa, mas gusto muna niya sa ngayon ay ang mapag isa.
Hindi ganoong katao ang resort. Palibhasa kasi ay hindi pa peak season at tumapat pa sa mga araw na kung minsan ay maulan. Ngunit may mangilan ngilan pa rin siyang turista na nakikita o kaya naman ay mga dayo marahil. The sea, sand, and the sun awaits her when she entered the resort. The white crystalline sand that covered the shore ay tila isang obrang nakikita niya sa mga canvass and paintings. And asul at malinaw na tubig dagat na siyang gumagawa ng maliliit na alon na siyang humahampas sa dalampasigan. Nilingon niya ang kabuan ng hotel and resort. It's a 5-star Mediterranean inspired beach hotel. Ang dalawang building na nasa beachfront ay may tatlumpung palapag ang taas. And the room she had ay nasa twenty-fifth floor. The sunrise there is awesome and majestic. Ginigising siya ng simoy ng hanging galing sa dagat at ang sinag na nagmumula sa papasikat na araw.
May mga row of benches malapit sa dalampasigan sa ilalim ng mga nakahilerang palm tree ngunit mas pinili niyang lumakad patungo sa mga batuhan. Aaminin niya ay panadalian siyang nakadarama ng kapayapaan ng isip at kalooban niya. Walang mga matang tila nakasunod ang tingin sa bawat galaw niya. At walang kaba sa dibdib niya na baka sa susunod na sandali ay may susulpot na lamang sa harapan niya.
Inayos niya ang shawl na nakapatong sa balikat niya. Russel is wearing a white-off shouldered summer dress. Nabili niya iyon sa gift sho kahapon. She had a relaxing spa massage after a warm dip sa pool area nang nakaraang gabi. Hindi pa nga nakaligtas sa mga paningin niya ang mga turistang nakasabayan niya sa pool. Maybe wondering why she's alone. Pero wala siyang pakialam sa bagay na iyon. This is what she needs right now. Peace and space.
"I saw you at the concierge area the other morning. Akala ko namalikmata lang ako."
Russel immediately looked at her side nang marinig niya ang tinig na iyon.
"Russel right?" ulit ng lalaki nang magtama ang mga tingin nila.
Dahan dahan siyang tumango nang makilala niya ito. "I-Ikaw si Xandrei diba?" tanong niya.
The guy plastered his smile at saka nilahad muli ang kamay sa kanya. Just like the day they met at the Lapu-Lapu monument. "Alexandrei Sandoval, at your service."
Tinanggap niya ang pakikipag kamay nito ngunit mabilis din niyang binawi nang maalala niya ang babaing sinundo nito. Hindi niya gustong makita sila ng asawa nito na nasa ganoong estado.
YOU ARE READING
Diaval's Inferno I: SATAN ROUX
General FictionRussel thought that the only thing to get healed ay ang maglaho at magtago. She opted to stay the distance, malayo at malayong malayo. Running away doesn't mean that you are a coward. You were just brave enough to continue your life despite the ugly...