CAPUT QUINQUE

700 33 13
                                    

CAPUT QUINQUE

Nakasandal si Russel sa pader malapit sa pintuan. Nararamdaman niya ang antok ngunit kailangan niyang labanan iyon. Nasa loob sila ng conference room kasama ang ibang staff na katrabaho niya. Kanina pa niya gustong hilahin na ang oras dahil halos igupo na siya ng antok. Kahit nakaupo siya ay nadarama niya na gustong bumagsak na ng talukap ng mga mata niya. Na kung hinndi lamang nagpatawag ng meeting ang general manager nila ay malamang nasa loob siya ng CR ngayon at hinihilamusan ang sarili niya hanggang sa mawala ang antok na nadarama niya.

Naaalala pa rin niya ang naging bangungot niya kagabi. Kung paanong hindi na siya nakatulog dahil sa mga panaginip niya. Hindi na nga niya maalala kung paanong nagawa pa rin niyang makapasok ngayong umaga kahit pa nga ba pakiramdam niya ay tutumba na siya. Inayos niya ang pagkakatayo at pilit na binabaling ang atensyon sa harapan. Napili na lamang niyang tumayo dahil okupado na ang ibang upuan ng mga naunang staff na dumating.

"I know some of you have already heard about our Gala night." Narinig niyang sabi ng General Manager nila.

Karaniwan nang filipina ang empleyado dito. Sa katunayan si Mrs. Ramona Kristinn, Ang kanilang General Manager ay isang Filipina na nakapag asawa ng isang Icelander. Maraming kapwa nila pinay ang pinalad na makahanap ng asawa sa banyagang lugar na ito.

Kinalabit siya ni Yuna, Pinay na kasamahan niya sa trabaho. Receptionist ito at sa front desk ang pwesto niya palagi.

"Uy, Tulala lang?" Bulong nito sa kanya.

Dalaga pa si Yuna. Katunayan niyan, kababakasyon lamang nito noong isang buwan sa Cebu kung saan doon ito tubo. Kababalik lamang nito ng Iceland kamakailan.

"Nakikinig naman ako." Palusot niya.

"Hindi halata, Ses. Mukha kang balisa. May sakit ka ba?" Puna nito sa kanya.

Naging balisa lang naman siya dahil sa mga nangyari sa kanya kagabi. Kung bakit binalikan na naman siya ng mga panaginip niya. Ang tagal tagal na ng panahong lumipas pero bakit hindi siya tuluyan makalaya sa nakaraan niya.

"Wala naman akong sakit. Pagod lang siguro ako." Sagot niya dito.

Mabait si Yuna. Isa din ito sa madalas niyang makakwentuhan sa traaho kapag may libre silang oras. "Sabi ko namna kasi sayo magbakasyon ka muna. Kung sana tinanggap mo ang alok ko na sumama pauwi sa atin. Edi sana nakapagrelax ka naman kahit paano."

Matagal na siyang sinabihan ni Yuna na sumama dito sa Cebu. Panay ang pagmamalaki nito sa kanya kung gaano kaganda ang probinsya ng mga ito.

"Alam mo naman na---."

"Sus, matatakot ka pang magbakasyon eh sigurado ako na ang laki laki na ng naiipon mo." Outol ni Yuna sa sinasabi niya. "Tignan mo nga ako, may kapatid pa akong pinapaaral sa pilipinas."

"Pag iisipan ko." Maikli na lamang niyang tugon.

Bumalik ang atensyon niya kay Mrs. Kristinn na may sinasabi pa rin sa unahan.

"ER has arrived. Surely, he will visit every department."

Muli siyang siniko ni Yuna. "Nakita ko kahapon sa housekeeping si Sir ER. Sobrang gwapo pala niya talaga. Kaya pala ang daming kinikilig dito noong mabalitaan nilang daraing nga daw ang Big Boss."

Hindi naman interesado sa bagay na iyon si Russel. May maiitulong ba sa buhay niya kung magandang lalaki nga ang boss nila?

"Edi kasama ka sa mga kinilig?" Aniya.

Ngumiti agad sa kanya si Yuna. "Jusmiyo Ses. Kung nakita mo lang siya kahapon. Baka pati ikaw hahawakan mo ang panty mo dahil baka mahulog. Ako nga masikip ang garter ng panty ko pero pakiramdam ko lumawlaw ng konti."

Diaval's Inferno I: SATAN ROUXWhere stories live. Discover now