CAPITULUM SEPTIMUM
They had a wonderful breakfast. Courtesy of Manang Rosie. May nakahain kaninang tinolang manok, Dinuguan and Utan---Cebuano's famous nutritious soup. With a chunk of meat or pieces of fried fish. Leafy and root vegetables. Hindi maitanggi ni Russel na sarap na sarap siya sa almusal sa almusal na iyon at Magana siyang kumain. Sa katunayan, iyon ang unang beses na halos maubos niya ang isang bandehadong kanin.
"Hindi halatang gutom na gutom ka kanina ah." Natatawang sabi ni ER sa kanya.
Naglalakad sila sa man-made lagoon kung saan may mga koi fish. "Paborito ko lang kasi yung mga nakahain na pagkain kanina.
"Yeah, I thought of that."
"You do?" tanong niya.
Tumango si ER. "Nararamdaman ko kasi na mga simpleng pagkain lang ang hilig mo. Like adobo, Pritong isda, ginisang ampalaya."
Kumunot ang noo niya. Is it just a coincidence? That he can enumerate those dishes.
"I know your favorites." Mayabang na sabi ni Satan habang nakaupo sila sa ilalim ng acacia sa likod ng mansion.
"Sus, sige nga. Kapag nahulaan mo ipapagluto kita mamaya." Aniya.
"Get ready to defeat." Sabay halakhak ni Satan.
Ngumisi lang si Russel. Alam niyang hindi nito malalaman agad ang mga iyon dahil hindi naman mahilig sa mga ganoong lutuin ang lalaki. Sinanay ito ni Gabriel ang assistant ni Senyor Diaval na kumain lamang ng steak o kaya tinapay. Karaniwan nang kinakain nito ay beef and lamb.
"You like chicken or pork adobo, Fried fish like tilapia or bangus and last, ginisang ampalaya." Nilahad ni Satan ang dalawang palad at tinaas ang balikat. "So? I won!" sabay ngisi sa kanya.
"Ang daya mo! Siguro tinanong mo si Manang Filipa ano?" aniya dito.
"Oy hindi ako nandaya ha. Sadyang alam ko lang ang mga paborito mo." Depensa ng lalaki sa kanya.
"Eh paano mo nga kasi nalaman? Imposible naman na sinabi ko sayo." Pangungulit pa niya dito.
"I always watched you. Creepy pero hindi mo kasi ako pinapansin noon. It was Lucifer who you always noticed."
"May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" Gumalaw ang balikat ni Russel nang tapikin ni ER ang balikat niya.
"H-Ha? May sinasabi ka?" tila natauhang tanong ni Russel sa lalaki.
Kinunutan siya ng noo ni ER. "You're spacing out. Akala ko naoffend kita or may nasabi ako na hindi mo nagustuhan."
Umiling iling siya. "W-Wala. May naalala lang kasi ako."
"Let me guess. Boyfriend?"
"Wala akong boyfriend." Sagot niya.
"So, Ex-boyfriend." Hula na ng binata.
Natahimik siya. Hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay nasa isip pa rin niya ang imahe ni Satan. Kung bakit bumabalik balik ito sa alaala niya.
"Tama pala ako. Ex mo nga."
Nakita niya ang biglang pagseryoso ng mukha nito ngunit dagli lamang dahil napalitan na naman ng ibang emosyon iyon. Maya maya'y hinila siya muli nito.
"Let's go. I'll show you something."
Nilampasan nila ang mga makukulay na bulaklak at nilakad nila ang pataas na burol bago nila hinakbang ang may dalawampu't limang baitang ng hagdan. It's an elevated-opened terrace that over looking the whole city of Mactan.
Inalalayan siya ni ER dahil manipis na bakal lamang ang siyang gabay ng hagdan at semento naman ang pitong baitang niyon at yari na sa matibay na kahoy ang iba. Nang makasampa sa itaas ay tila siya nakalutang na sa ulap. Humahalik sa balat niya ang preskong hangin at ang magandang tanawing bumubusog sa mga mata niya.
"Ang ganda diba?" untag ni ER sa kanya.
"Sobrang ganda!" tanging naibulaslas lang niya.
Hinawakan ni ER ang isang kamay niya at hinila siya patungo sa railings. "Hoy anong gagawin natin?" Mataas masyado at nalulula siya dahil bangin ang kababagsakan nila kung maling apak lamang.
"Relax. I am here for you." Sabi nito aka mahigpit na hinawakan ang kamay niya.
Pagkatapos ay pumuwesto ito sa likuran niya. She can felt his warm breath unto her nape. "Bibilang ako ng tatlo, pagkatapos sumigaw ka. Isigaw mo lahat ng nararamdaman mo. Let it go. Let go of all the pain that people from the past had caused you. Let go all the sadness and bad dreams you've been through."
"E-Ego..." Hinid niya alam bakit iyon ang nasambit niyang pangalan.
"I like it better that ER or Satan. Iyon na lamang ang itawag mo sa akin." Pagkatapos ay humigpit ang hawak nito sa railings kaya kulong na kulong siya sa mga bisig nito.
"P-Paano?" tanong niya. Tukoy niya kung paano niya ilalabas lahat.
"Start from the most painful memories you have. Gayahin mo ako."
Bahagyang lumuwag ang espasyo nila at saka niya narinig ang malakas nitong sigaw na nag eecho sa paligid. Pakatapos ay ang mabigat nitong paghinga at mabilis na tibok ng puso.
"Let it go!" sigaw nito.
Nakailang ulit pa itong sumigaw ng sumigaw hanggang sa tila mapaos na ito. Nang siya naman na ang sisigaw ay huminga muna siya ng malalim bago binuka ang bibig.
"Patahimikin niyo na ako! Pakawalan niyo na ako! Gusto ko na maging masaya!" Paulit ulit niyang isinigaw iyon.
"Gusto ko nang maging masaya. Yung totoong masaya!" She let go all the bad memories she had. All the pain she been through. At tama si ER unti unti niyang nararamdaman ang kapayapaan ng puso niya.
"Ayoko nang mabuhay sa takot!" iyon ang paulit ulit niyang isinisigaw bago isa isang tumulo ang mga luha niya.
Nang huminto siya ay inalalyan siya ni ER makababa sa railings bago tuluyang yumakap ang mga braso nito sa kanya at sumubsob ang mukha niya sa dibdib nito.
"It's over, Russ. It's over now." He said while gently brushing her hair.
Hinayaan niyang umalpas ng umalpas ang luha niya. "Thank you, Ego."
And yeah, Calling him Ego is much good than Satan. And besides, he is not the Satan she knew from her past. Russel can feel it.
YOU ARE READING
Diaval's Inferno I: SATAN ROUX
Ficción GeneralRussel thought that the only thing to get healed ay ang maglaho at magtago. She opted to stay the distance, malayo at malayong malayo. Running away doesn't mean that you are a coward. You were just brave enough to continue your life despite the ugly...