Chapter 15: You Can't Cheat Your Heart

2 1 0
                                    

Aeris' P.O.V.

"Aeris, hinahanap ka ni..." Saglit siyang nag-isip.

"Ni?" Ani ko.

"...ni Fluke? Oo, si Fluke kanina." Bati sa akin ni Irish ng makapasok ako sa room.

"Huh? Si Fluke, 'yung senior?" Litong tanong ko sabay upo.

"Oo, basta 'yun. 'Yung laging kasama ni Max." Mahinang tugon niya.

"Bakit daw?" Sunod kong tanong.

"Ewan, wala naman siyang sinabi." Tugon ni Irish sabay hikab.

Ah! Alam ko na! Baka gusto niya akong makausap tungkol sa video. Muntikan na tuloy akong matawa nang maalala ko ito.

"Ah." Maikli kong sagot kay Irish. "Eh si Red, ba't wala pa?" Pang-iiba ko sa topic.

"Late daw siyang nagising pero on the way naman na siya." Sagot naman ni Irish.

Tumango lang ako. Unti-unting nagsisidatingan ang iba pa naming mga kaklase, kasama na rin si Red hanggang sa napuno na ang mga upuan dito sa room. Ilang minuto ang lumipas at dumating naman si sir Xiu.

"Morning guys!" Masiglang bati niya sa aming lahat.

"Morning sir!" Sagot ng buong klase.

Ngumiti siya sa amin sabay lapag sa kaniyang laptop sa mesa.

"How is everyone today?" Tanong niya sa amin.

"Good sir!" Sigaw ng isa naming kaklasing lalaki na nakaupo sa may bandang likod. Natawa na lang kaming lahat, kasama na rin ang aming professor.

"That's good." Tinanguan niya 'yung lalaking sumigaw. "Anyway, let's start. I'll be discussing for today your first project for this semester." Bumaling siya sa buong klase at kinuha niya ang isang marker mula sa kaniyang bulsa at nagsimulang magsulat sa whiteboard.

"Inaantok pa'ko." Pabulong na wika ni Irish sabay hikab ulit.

Ngumiti lang ako at saka tumingin sa labas.

Mabilis na tumakbo ang oras at nagring na ang bell.

"Aray!" Biglang sigaw ng lalaking nakaupo sa likod ko kaya napalingon ako sa kaniya. Nakapagtataka kung bakit niya hawak 'yung eraser ng whiteboard. "Sinong nambato ng eraser sa'kin?!" Halata ang pagkainis sa kaniyang boses. Walang sumagot sa kaniya kaya naman napatayo siya. "SINO?!" Malakas na sigaw niya.

"Pst, tara na kain." Pabulong na wika ni Irish sabay hila sa akin palabas ng room.

"Ang wild talaga ng section na'tin no?"  Tanong ni Irish habang naglalakad kami patungong cafeteria.

"Oo nga eh." Maikli kong tugon. Naalala ko tuloy noong unang araw, may nambato ng isang crumpled paper sa aming General Zoology teacher.

"Basta hindi ikaw 'yung saktan nila." Wika naman ni Red na bumaling kay Irish.

"Oi Red, sinasabi ko na sa'yo, hwag mong susubukang makipag-away." Bigkas ni Irish na akala mo naman ay nanay ni Red.

Bumuntong hininga si Red. "Ah basta."

Nakarating na kami sa cafeteria at mabilis kaming dumiretso sa may counter. Natapos na kaming mag-order at agad kaming nagtungo sa aming paborting puesto, sa table malapit sa pintuan.

"Ugh. Ang hirap ng project natin." Pagmamaktol ni Irish.

"Oo nga eh. Pero basta, kaya 'yan." Nakangiting tugon naman ni Red.

"Sana nag I.T. na lang pala ako." Ani ulit ni Irish sabay subo ng pagkain.

"Ako rin." Segunda naman ni Red.

Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon