Chapter 2: The Heart Dictates What It Wants

17 1 0
                                    

Aeris' P.O.V.

"May napili ka na bang club na sasalihan?" Tanong sa'kin ni Red. Kakalabas lang namin ng building dahil natapos na ang orientation para sa aming mga freshman.

Si Red ay kapitbahay namin at  nagsimula ang aming pagkakaibigan noong pang highschool kami kaya naman napagdesisyunan naming mag-enroll pareho sa Pearl Academy ngayong first year college.

"'Di pa ako sigurado eh pero siguro sa Dance Club," sagot ko naman.

"Nga pala, ba't ka late sa orientation?" Sunod niyang tanong.

"Oo nga." Pagsang-ayon ni Irish, girlfriend ni Red.

Bigla ko na namang naalala 'yung nangyari kaninang umaga. Ano kayang nangyari sa lalaking 'yon pagkatapos kong tumakbo?

"Nahuli akong gumising eh," mabagal kong sagot. Totoo naman eh, kung sana maaga akong nagising edi nahabol ko sana 'yung orientation at 'di ko na nakita 'yung lalaking 'yon.

"Tara tignan 'yung cafeteria nila." Pag-aaya ko.

"Oo nga, gutom na rin ako eh." Pagsang-ayon naman ni Irish.

"Gutom ka?" Tanong ni Red sa kaniyang girlfriend. "Edi ako nalang kain-" Biglang hinila ni Irish si Red papunta sa may cafeteria. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa at agad ko naman silang sinundan.

Masayang kaming pumasok sa school cafeteria. Agad na bumungad sa amin ang amoy ng masasarap na pagkain. Mula sa malinamnam na amoy ng mga ulan hanggang sa matamis na amoy ng mga dessert. Ang ganda at ang lawak ng cafeteria. Modern style ang interior na kagaya ng mga makikita sa mga high class restaurants. Nagmadali naman kaming nagtungo sa counter. Iba't-ibang klase ng ulam ang pwedeng pagpilian. Pagtingin ko sa may bandang dulo ng counter ay maraming dessert ang nakahain. Tapos na kaming magorder at pinaghanap ako ni Irish ng bakanteng puesto. Ang daming estudyante ang narito at punuhan ang mga mesa.

Patuloy kong inilibot ang aking paningin ng biglang nahagip ng aking mata ang isang pamilyar na jacket. Teka, kagaya 'yun ng suot ng lalaking nakausap ko kaninang umaga ah. Hindi ko makita ang kaniyang mukha kasi nakatalikod siya ng upo mula sa akin. May kasama siya at pareho silang nakasuot ng puting polo. Ngunit dahil sa hindi naman ako sigurado ay ipinagkibit-balikat ko na lang ito.

"Dun tayo." Wika ni Irish sabay hila sa akin sa may bakanteng mesa sa gitna.

Umupo na kami at nagsimulang kumain. Panay ang subo ni Red kay Irish. Minsan, nakakairita rin 'tong dalawa eh.

"Kain ka ng madami babe. Oh, eto last na." Sabay subo ni Red ng kutsarang puno ng kanin kay Irish. Nakakadiri.

"Tama na, nakakahiya kay Aeris oh." Pacute na wika naman ni Irish kay Red. Tumingin silang dalawa sa'kin.

"Ha? Hindi ah. Tuloy niyo lang, imagine niyo nalang na wala ako rito." Sabi ko naman kahit na gusto kong umalis.

Natapos na kaming kumain. Lalabas na sana kami kaya lang biglang huminto si Irish at nagpasama kay Red sa C.R. dahil natagusan siya kaya eto, naiwan akong mag-isa malapit sa may pintuan.

Pagkatapos ng 30 minutes ay bumalik na sila Irish.

"Pasensya na ha? Dibale tapos na akong magpalit ng aking skirt." Paumanhin ni Irish. Ngumiti lang ako. Umalis na kami sa cafeteria at pumunta sa gym dahil naroon lahat ng clubs para magrecruit ng kanilang bagong members.


Fluke's P.O.V.

"Fluke, ikaw na muna bahala sa booth nating Art's Club sa gym. Di pa kasi kami kumakain eh." Kakatapos ng klase ko nang biglang lumapit sa'kin ang president ng aming club.

Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon