Fluke's P.O.V.
"Fluke bangon! Hoy!" Nagising ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. "Fluke, gising na!"
"Mhm." Pilitin ko mang bumangon ngunit sobrang latay ng katawan ko. Sobrang sakit ng ulo ko na tila ba ito ay paulit-ulit na sinusuntok. Sobrang bigat ng ulo ko na pakiramdam ko ay kusa itong lumulubog sa aking malambot na unan. Gulong-gulo ang aking buhok at ramdam ko ang masakit na pagtama ng sinag ng araw sa aking mga mata.
"Gising ka na bro?" Wika ulit ng lalaki.
Dahil sa sakit na aking nararamdaman ay hindi gumagana ng maayos ang aking utak. Ano bang nangyari kagabi? May konti akong naalala pero karamihan ay sobrang labo. Lalong sumakit ang aking ulo sa pilit kong pag-iisip. Hindi ko rin mawari kung bakit masakit din pati ang aking katawan at pakiramdam ko ay sobra akong pagod. Unti-unti kong minulat ang aking mata at sobrang labo ng paningin ko hanggang sa unti-unting luminaw ang lahat ng bagay at nakita ko si... Max na nakatitig sa akin.
"Hay, buti naman at gising ka na." Malat ang kaniyang boses.
Pinilit kong bumangon at umupo ng maramdaman kong umikot ang laman ng aking tyan. "Ugh." Mabilis akong tumakbo sa banyo at sinuka lahat ng kainain ko kahapon sa bowl. "Ughhhh!" Pakiramdam ko ay sumamang lumabas lahat ng lamang-loob ko.
"Bro, ayos ka lang?" Sigaw ni Max.
"Oo br- Ugh!" Sagot ko sa kaniya. Pagkatapos kong sumuka ay nagmumog ako at lumabas ng banyo.
Nadatnan ko si Max na nakaupo sa aking kama. "May tubig diyan oh." Wika niya sabay turo sa baso na nasa aking mesa.
"Salamat." Mahinang bigkas ko at ininom ito upang maiflush ang naiwang lasa sa aking bibig.
"Anong oras na?" Tanong ko sa kaniya.
"8:24 pa lang," sagot niya. "9:00 pasok natin ngayon."
Umupo ako sa sahig at bumaling kay Max.
Whoo, buti naman.
"Anong oras ka nagising?" Tanong ko sa kaniya sabay hikab.
"Mga 8 siguro. Linigpit ko na rin pala 'yung kalat natin kagabi." Sagot naman nito.
"Ah, salamat." Medyo masakit pa rin talaga ang aking ulo. "Uhm... si mama, wala pa ba?"
"Wala pa naman." Maikli niyang tugon.
Ah. Baka siguro mamaya pa siya makakauwi.
"Ayos ka na?" Tanong naman niya.
Tumango ako sabay tayo para kunin ang aking tuwalya.
"Uhm... huwag ka sanang magagalit." Bigkas ni Max at rinig ko ang kaba sa kaniyang boses.
Napabaling ako sa kaniya. "Huh?"
"Kasi ano... hindi ko nadelete 'yung video bro. Ehe." Mabagal na bigkas niya.
"Video?" Mahinang tanong ko sa aking sarili. Ah, oo nga pala! Medyo naalala ko ang part kung saan sumayaw ako. Aish, langya. "Edi idelete mo," sagot ko sa kaniya at nagtungo na ako sa banyo upang maligo ngunit bago pa man ako makapasok ay nagsalita ulit si Max.
"Ayun na nga eh bro... hindi ko nga naidelete pero kasi ano..." Huminto siya pagsasalita. Nilingon ko siya at hinihintay ang sunod niyang sasabihin. "Imbes na maidelete ko 'yung video sa cellphone mo eh ano..."
"Ano?" Pag-uusisa ko.
"...nasend ko kay Aeris." Mahinang wika niya at dahan-dahang naglalakad palabas ng kwarto ko habang nakapeace sign.
Fuck.
"MAX, ANONG GINAWA MO?!" Sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Stuck On You
Romance"Alix, wala na akong babaeng mamahalin kung hindi ikaw. And if I have to choose again, I will always choose you, without a pause. Kaya please naman oh." Fluke, a second year student at Pearl Academy, just can't let go of Alix, his girlfriend who pa...