Dos

4 0 0
                                    

Josh's POV

"Dalhin kita sa clinic? Takte ka namumutla ka!" bulyaw ko sa kaniya dahil pati sa braso niya namumutla na din.

"Ano ba, I'm okay!" sigaw niya rin sa akin. Kanina pa kaming nagsisigawan na dalawa dito hallway.

Dumaan naman si Ma'am Junio, na napansin rin si Cien kaya napatigil sila.

"Goodafternoon, Ma'am!" bati namin sa kanila tsaka sila lumapit kay Cien.

"Bakit yan? Anong nangyari? May allergy ka?" tanong nila kay Cien na pinakita yung sa kamay at mukha nito na namumutla.

"Kaninang umaga ko  lang naman po 'to nakita " sagot nito kay Ma'am

"Punta kang clinic, patingin mo kay Ma'am Jeuds" suggest nila kaya tumango lang 'to. Dumiretso naman na si Maam sa room ng Grade 11.

"Tara sa clinic!" aya ko sa kaniya kaso umiling pa rin siya. Tinatry ko lang kumalma dahil ayoko siyang sigawan.

"I said tara na sa clinic, Cien Lexci!" tumingin na siya sa akin na nakasimangot at naiiyak kaya hinawakan ko siya sa kamay.

"Tara na" aya ko tsaka kami naglakad papuntang clinic. Iniwan ko siya sa loob ng clinic dahil kailangan ko pang hanapin si Ma'am Jeuds.

Nakita ko sila na nagkaklase sa Grade9 kaya nag-excuse muna ako. Sinabi naman din nilang susunod na sila kaya binalikan ko na si Cien.

"Sunod na si Ma'am Jeuds" ani ko tsaka umupo doon sa sofa dito sa clinic.

"Nasaan si Cien?" biglang sambit ni Ma'am Jeuds na kararating lang din.

"May I see nga" tanong nila tsaka naman yun pinakita ni Cien iyun.

"May allergy ka ba?" tanong nila kaya tumingin muna sa akin si Cien tsaka tumingin kay Ma'am Jeuds.

"Yes, Ma'am" sagot nito tsaka sya sa sahig lang tumingin. Tignan mo ang babaeng 'to.

"Saan naman? Nakain mo siguro yun" ani nila tsaka umupo doon sa table nila.

"Sa peanuts po" sa sinabi niyang yun gusto ko siyang pagalitan kasi hindi man lang niya sinabi sa akin.

"Ay dapat hindi ka kumakain nun kapag alam mo na, Cien" paalala nila sa kaniya tsaka naman naghanap ng gamot si Ma'am Jeuds.

"Makulit kasi" singit ko kaya napatingin lang siya sa akin. Napatawa na lang din si Ma'am Jeuds.

"Talagang ganiyan, masarap kasi kapag bawal talaga" tawa nila tsaka inabot kay Cien yung gamot.

"Irest mo muna sa ngayon, Cien" dagdag nila kaya tumango na lang 'to.

"Thank you, Ma'am" sambit nya tsaka sya tumayo kaya tumayo na rin ako. Nakakahiya na rin kasi kay Ma'am, may klase pa sila.

"Sige po, Ma'am. Thank you po" paalam ko rin habang lumalabas kami ni Cien sa pinto.

"Narinig mo yun, Lexci? Rest daw, rest!" paalala ko dahil naiinis ako sa kaniya.

"Pasok ka na doon sa kotse, hatid kita pauwi. Ipaalam na lang kita sa ibang teachers" sambit ko kaya tumango na lang siya.

Nung makasakay siya sa loob, bumalik akong third floor para ipaalam siya sa mga teachers. Pumayag naman na din sila kaya kinuha ko na yung mga gamit niya

"Ingat kayo, Josh!" paalala ni Iza kaya tumango ako.

"Wala na bang gamit dito si Cien?" tanong ko kaya tinignan naman ni Iza iyun.

"Wala na"

"Sige, thank you!" sambit ko tsaka na lumabas ng classroom nila since naipaalam ko na sa ibang teachers.

Rearmost Love Where stories live. Discover now