Saes

1 0 0
                                    

Josh's POV

"Saan ba punta natin?" nakailang tanong na siya niyan sa akin. Kaninang pagsakay niya palang yun na agad ang tanong.

"Relax nga lang, bakit ba aligaga ka?" natatawang tanong ko sa kaniya. Ramdam ko yung sama ng tingin niya kahit hindi ko siya tinitignan.

"Hindi kita itatanan, huwag ka mag-alala," tawa ko tsaka tinignan siya saglit at binalik yung tingin ko sa kalsada.

"Itatanan pa lang..." dagdag ko kaya nasuntok ako sa braso, mas lalo tuloy akong natawa.

"Aray ah. Ang sakit" reklamo ko sa kaniya. Sobrang pikunin talaga, kapag siya naman nang-asar gustong-gusto.

"Hindi mo kasi sabihin kung saan tayo pupunta" salita niya tsaka niya binuksan yung Pringles na kinuha niya pa sa kwarto ko.

"Ang kalat naman ng kotse mo," pansin niya na parang diring-diri.

"Makakalat ka naman, nakakita ka lang ng papel na nakakalat eh" balik ko sa kaniya.

"Ba't pati eyeliner meron dito?" pinulot niya yun tsaka niya pinakita sa akin.

"Sayo yan" sambit ko sa kaniya kaso umirap siya. "Hindi sa akin 'to!" mahinang sigaw niya

"Siguro kung sino-sino na namang babae ang sinasakay mo dito" giit niya sa akin kaya gusto kong matawa.

"Sumagot ka..." tignan mo 'tong babaeng 'to. Kanina okay pa tapos ngayon hindi na.

"Wala akong ibang babae na sinasakay dito. Ikaw lang, baka pati na naman 'to pag-awayan natin, Cien" pinangunahan ko na siya dahil alam kong doon din diretso niya.

"Malay ko" irap niya tsaka niya yung nilagay sa headboard at nanahimik.

"Huwag ka ngang praning," sambit ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin.

"Hindi ako praning" mabilis niyang sagot sa akin. "Sinasabi ko lang" sambit ko rin sa kaniya

"Edi wow" tumahimik na siya at ang sunod ko na lang narinig ay yung pagsinghot niya kaya tinignan ko siya dahil traffic din naman.

"Umiiyak ka na naman" sambit ko sa kaniya tsaka hinawakan yung kamay niya kaso binawi niya agad.

"Napuwing lang. Ayan na Go Signal na" sambit niya kaya nagdrive na ako uli. Hindi tuloy ako mapakali.

Sobrang babaw ng luha nito. Nung kaaway niya nga si Ynah, naiyak na lang siya imbes na makipagpalitan ng salita.

Hindi niya alam kung saan ko siya dadalhin, ang tagal ko na talaga 'tong plano para naman makabawi man lang ako sa kaniya.

"Anong ginagawa natin dito?" nagtataka niyang tanong sa akin tsaka ako masinsinan tinignan.

"Hintayin lang natin si Echo saglit" ani ko sa kaniya kaya tumango naman siya.

"Ayan na siya oh..." sambit nya na tinuro pa si Echo na naglalakad palapit sa sasakyan.

"Sino yung babae?" tanong niya sa akin kaya nangibit balikat ako. Hindi ko rin kilala eh.

Binuksan ko yung bintana nung malapit na siya. Ngumiti naman siya sa akin at kay Cien.

"Sakay muna kayo, pre. Sobrang init" sambit ko tsaka naman sila sumakay na dalawa.

"Ay nga pala..." nakaramdam siya siguro na hindi namin kilala yung kasama niya

"Josh, Cien si Rena pala. Ahm," ang torpe nitong si Echo kaya natatawa ako. Si Cien sa rearview nakatingin para tignan sila Echo.

"Nililigawan ko" dagdag niya kaya lumingon na si Cien sa likod at nginitian si Rena.

"Ambrie Josh pala" sambit ko tsaka lumingon sa kanilang dalawa sa likod.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rearmost Love Where stories live. Discover now