Quatro

1 0 0
                                    

Cien's POV

"Sis, papasa muna ako ng Kdrama bago ka umuwi" tawag ni Shiara sa akin nung palabas na ako ng room.

"Sige sis, pakibilisan na lang" ani ko tsaka inopen yung shareit ko tsaka pinasa 'yun sa kaniya.

"Cien, oh yung mga portfolio mo. Uwi na daw natin" inabot naman sa akin ni Tina yung mga portfolios ko.

"Ang dami naman nito," sambit ko tsaka kinuha iyun sa kaniya

"Thank you, sis!" lumabas na ako tsaka tumingin sa room nila Josh. Naka-lock na yun kaya bumaba na ako, nasa baba na siguro yun.

Nasa hagdan pa lang ako rinig ko na ang tawa niya. Nakatalikod siya kaya nung nakita ako ni Echo nginuso niya ako kaya lumingon siya.

"Umuwi na sina Dia?" tanong ko sa kaniya tsaka naman niya kinuha yung mga portfolio na dala ko.

"Nagmamadali daw kasi siya" sagot niya. Sa tuwing nag-aaway kami hindi niya ako matignan ng diretso, palaging iwas.

"Tara na? Makikisabay ba si Echo?" tanong ko sa kaniya kaso umiling siya. Napaisip tuloy ako baka kasalanan ko na naman.

"Dala niya sasakyan niya," he exclaimed kaya tumango na lang ako.

"Alis na kami pre. Ingat na lang" paalam niya kay Echo kaya tumango naman si Echo at ngumiti sa akin

"Ingat kayo" ngiti niya bago kami naglakad papuntang parking lot ni Josh.

Tahimik kaming naglalakad na dalawa hanggang sa marating namin yung parking lot.

"Si Shobe susunduin ba?" tanong niya sa akin nung pasakay na sana ako

"Sinundo na siya ni Papa," sagot ko sa kaniya tsaka na sumakay. Inabot niya sa akin yung portfolio ko bago nya sinarado yung pinto.

Umikot siya para sumakay sa driver's seat. Pagkasakay niya tsaka ko in-on yung radio niya, alam ko na kung paano i-on, hindi na ako tatanga-tanga.

Sobrang tahimik niya habang pinagmamasdan ko siya. Hindi man lang umiimik. Ganoon na ba kalaki ang kasalanan ko sa kaniya?

Pagtingin ko sa bintana, may mga barbecuehan kaya natakam ako bigla.

"Hinto mo muna, love" ani ko kaya nagtaka siya at kumunot yung noo niya.

"Baka mamaya sumpungin ka na naman ng allergy mo" paalala niya kaya napasimangot ako

"Sige, huwag na lang" mahinahon kong sambit sa kaniya.

"Huwag nang matigas ulo mo" sambit niya sa akin. Luh, hindi naman na ako nagsalita ah.

"Sabi ko nga" mahinang ani ko.

Pagdating namin sa bahay si Shobe agad ang sumalubong sa amin na umiiyak.

"Anong nangyare dito, Ma?" tanong ko nung yumakap sa beywang ko at umiiyak.

"Sumasakit ang ngipin, paano kasi mahilig sa candies" sermon ni Mama.

"Ba't hindi na lang kasi ipabunot ni Ate Aria" sambit ko. Nakakaawa tuloy 'tong bata.

"Hindi niya maharap sa sobrang busy. Baka kako dito na lumaki yan" patuloy na sambit ni Mama kaya nilingon ko si Josh.

"Uwi ka na?" tanong ko sa kaniya kaso umiling siya kaya pinaupo ko muna siya sa sofa.

"Tita, masakit" iyak ni Shobe kaya tumingin ako sa kaniya na nakayakap pa rin sa akin.

"Upo tayo doon," umupo kami tsaka ko tinignan yung ngipin niya.

"Alin ba dito? Sinasabi ko naman kasi sayo huwag kang masyadong mahilig sa candy" salita ko sa kaniya. Tanging iyak niya lang yung naririnig.

"Higa ka muna, itulog mo na lang para pagkagising mo mawawala na yung sakit" sambit ko tsaka naman siya humiga sa lap ko.

"Sa kwarto mo na lang patulugin" ani ni Josh kaya tumayo siya at kinarga si Shobe.

"Meryenda ka muna, Josh bago ka umuwi" si Papa kaya nagmano ako nung nakita sila.

"Sige po, Tito" sagot niya habang inaakyat si Shobe sa taas.

"Anong ginagawa niyo, Ma?" tanong ko sa kanila nung nakita ko sila sa kusina.

"Meryenda" sagot nila. Turon yung piniprito ni Mama, may mga ilang plato sa na nasa lababo kaya hinugasan ko na.

"Bihis muna ako, Ma" nagpunta akong kwarto ko tsaka nagpajama na lang habang nakasando sa taas.

"Ilagay mo na 'to sa sala, tsaka tawagin mo na lang si Josh. Ako na bahala kay Shobe" si Mama habang may dala akong plato na may Turon.

Paglabas ko tsaka naman bumaba si Josh. Ala-singko na pala, baka hanapin na 'to sa bahay nila.

"Oh tulog na ba si Shobe?" tanong ni Mama sa kaniya

"Pinatulog ko na po, Tita" sagot nito kay Mama nung umupo sya sa sofa.

"Hindi ka ba hinahanap sa inyo? Baka hinahanap ka na ni Tita" tanong ko sa kaniya.

"Hindi yun alam naman nila na nandito ako" sagot niya tsaka uminom nung juice.

"Kamusta pag-aaral?" tanong ni Papa kaya napatingin kami ni Josh sa kanila. Bihira lang kasi magtanong si Papa.

"Okay naman, Pa. Katatapos lang po ng defense namin" kwento ko sa kanila.

"Ikaw Josh?" tanong din nila

"Okay din naman po, Tito. Bihira naman po quizzes namin ngayon kasi busy yung mga teachers" sagot niya

"Mabuti yan, mag-aral kayong mabuti hah. Cien, Josh alam niyo naman na kung ano ang mali at tama," patango-tango lang kami ni Josh

"Huwag niyong sirain yung tiwala ko sa inyong dalawa. Walang hiwalayan hah? Josh?" nagulat si Josh doon kaya gusto kong matawa kaso seryoso eh.

"Ayokong mabalitaan na isang araw may umiiyak, may broken" seryosong sambit ni Papa.

"Wala po, Tito. Mahal ko po si Cien, siya na lang po yung liwanag ko" salita niya kaya gusto kong ngumiti. Sobrang haba ng hair ko nuh!

"Pangako niyo sa akin 'yan na kahit anong mangyari, kayo pa rin" tumingin silang dalawa sa akin.

"Oo naman po, Tito" ngiti ni Josh kay Papa. "Oh ano inom ba tayo?" si Papa

"Pa!" suway ko dahil uuwi pa 'tong si Josh sa bahay nila.

"Bukas na lang, Tito kung gusto niyo" si Josh kaya nagtataka akong tinignan siya.

"Pwede rin, tawagin mo din yung kaibigan mo si Vicko ba 'yun?" tanong ni Papa

"Echo po" sambit ni Josh kaya natawa si Papa doon "Ay Echo pala..."

"Maiwan ko muna kayo, kumain ka lang diyan. Baka may nag-email na sa akin" paalam nila tsaka pumasok na sa kwarto nila.

Tumingin sa akin si Josh tsaka uminom nung juice. Tumayo siya tsaka nagpuntang kusina, nagpaalam na pala.

"Uwi na po ako, Ta. Pasabi na lang po kay Tito baka po kasi maistorbo ko pa sila" kwento niya kaya tumango-tango si Mama

"Sige nak, mag-iingat ka sa pagdadrive hah"

"Opo. Alis na po ako, Ta" sambit niya bago siya lumabas. Hinihintay kong magpaalam siya sa akin kaso wala akong narinig.

Paglabas ko nakasakay na siya at palabas na nang gate yung sasakyan kaya nagbuntong hininga na lang ako.

Niligpit ko yung mga pinagkainan tsaka ako umakyat sa kwarto ko. Kinuha ko yung cellphone ko at inunblock si Josh. Hindi ko na lang din chinat, pataasan tayo ng pride.

Ilang oras akong nakatulala. Hinihintay ko yung chat niya kaso wala talaga kaya tinawagan ko pero cannot be reach.

Ilang oras ang nakalipas tsaka siya online sa messenger kaso wala pa rin chat. Bwesit talaga 'to. Tinatawagan ko kaso hindi niya sinasagot.

-

Rearmost Love Where stories live. Discover now