Nung bata pa ako, nung nasa loob pa lamang ako ng tiyan ng aking ina ay nahihirapan na ako. Nahihirapan dahil sa panbubugbog ng tatay ko sa nanay ko tuwing siya'y lasing.
"Renan tama na, parang awa mo na". pagmamakaawa ng aking ina saaking ama. "Buntis ako tama na Renan". ani mama habang umiiyak.
*Bugbog dito* *Sampal doon*.
Bugbog ang laging inaabot ni mama kay papa ani mong walang pake ang aking ama sa aking ina.Patuloy pa din ang pambubugbog niya sa ina ko. "Renan tama na". patiling sabi ni mama na sinumbatan naman ni papa "Magtigil ka Anne". patuloy na sabi ng aking ama habang binubugbog pa din niya ang ina ko.
Puno ng pasa ang katawan ng aking ina.
Pagkatapos magbugbog ni papa si mama ay umaalis at naghahanap ng mauutangan ng alak atsaka iinom ulit.Samantalang ang aking ina ay hinahaplos ang kaniyang tiyan habang umiiyak para ako din sa loob ay kumalma.
Kinaumagahan. Maagang nagising si mama para maghanda ng umagahan si mama para hindi nanaman magalit o magreklamo si papa. Kahit hirap si mama na gumalaw sa sobrang sakit na nararamdaman niya ay pinilit niya.
"Renan, kumain ka muna bago pumasok". salubong ni mama kay papa na galing sa kwarto.
"Wala akong gana, papasok na ako". sagot ni papa.
"Ahh ingat ka". sabi ni mama na.
Umalis na si papa at nagpunta na sa kanyang trabaho. Kumain na din si mama, para na din makabawi siya sa enerhiya na nabawas kagabi.
Maya't maya ay dumating si papa galing trabaho at walang bago dahil lasing nanaman siya. "Renan lasing ka nanaman, dika na nagsawa uminom ng alak". sabi ni mama ng mahinahon.
"Wala ka ng pake dun Anne dahil hindi ikaw ang pinagkukunan ko ng pinapambili ko ng alak". ani ni papa na mataas ang boses.
"Malapit na ako manganak Renan, imbes na ipinambili mo ng mga gamit ng anak natin yang pinang iinom mo at inipon mo para sa panganganak ko". sumbat ng aking ina habang naluluha.
"Kasalanan mo naman kung bakit mo pa binuhay yang batang yan!. kung ipinalaglag mo sana yan nung maliit palang edi sana wala na akong poproblemahin na papalamunin ulet!." sabi ni papa. "Hirap na nga akong palamunin ka binuhay mo pa yan!." dagdag ni papa.
"Ginusto natin ang lahat ng ito Renan, ano pang silbe ng mga ginawa natin noon at hindi ba sabi mo ay gusto mo magkaron ng anak? bakit tila ngayon ay naging kasalanan pa na binuhay ko ang batang nasa sinapupunan ko". sabi ni mama na umiiyak na.
"Ano pang silbe ng pagdadramahan natin! halika nga dito". hinila ni papa si mama sa kamay upang bugbogin ulit.
Hindi nagtagal habang ginagawa ni papa kay mama ang pambubugbog ay pumunta sila tito sa bahay upang awatin si papa. Dahilan upang matigil din iyon.
Kinausap ng tito ko si papa. "Renan bakit mo naman ginagawa iyan sa iyong asawa ano nga bang kasalanan sayo niyan? ha Renato!?" tanong ni tito. "Walang gabi naming narinig na hindi humalinghing at umiiyak ang asawa mo! alam mong buntis iyan hindi kana naawa sa batang dinadala ng asawa mo!." dagdag ni tito at ayun wala pa ding naisasagot ang papa ko.
"Isa pang gabi na makakarinig kami ng hiyaw,halinghing at iyak ng iyong asawa ay tatawag na ako ng pulisya". sabi ni tito.
Pagkatapos ng lahat ay nagpasalamat ang aking ina kay tito dahil hindi siya kumampi kay papa kahit na kapatid siya nito. Bago ang lahat, bago umuwi sila tito kasama ang asawa niya ay ginamot muna nila ang mga pasa at sugat na natamo ni mama sa ginawa ni papa.
"Anne aalis na kami ha?? kung kailangan mo ng tulong ay pwedeng pwede mo kami tawagin o hingan ng tulong". ani ni tito. "Maraming maraming salamat sainyo ng asawa mo Lance". ani mama.
"Walang anuman Anne, basta yang anak mo ha? hakdog char.. basta yang anak mo alagaan mo wag mo papabayaan. Teka ngalang ilang buwan na ba yang tiyan mo?". tanong ni tito.
"8 months na Lance malapit lapit na din ang paglabas nito baka maya maya nga ay lumabas na bigla. Lalo na't nararamdam ko ang paghihikab ng aking tiyan". sagot ni mama.
"Hala! malapit na pala pero binubugbog ka pa din ni Renan. Aba napaka demonyo talaga ng kapatid kong iyon, hayaan mo at kakausapin ko siya". sabi ni tito.
"Maraming salamat, ingat kayo ha!". sabi ni mama habang kumakaway.
Lumuob na si mama sa bahay at nahiga nalamang sa sala dahil sabi ni papa ay ayaw niya katabi si mama hanggat siya ay buntis pa kaya nagtitiis na lamang sa sofa si mama.
Nasa kailaliman na ng pagtulog si mam ang biglang sumakit ang kaniyang tiyan, satingin ko ay ipapanganak na ako.
ANNE'S POV
"Renan!". pagsisigaw ko ngunit hindi pa din iniluluwan ng pinto ang aking asawa.
"Renan! Reeeeeenaaaan!". pag uulit ko ngunit wala pa din, siguro ay nasa kailaliman na din siya ng pagtulog ngunit ang aking tiyan ay sobrang sakit na kaya pilit kong inabot ang aking telepono na ang akala ko ay nasa mesa ngunit wala pala.
"Renan!!! Renann! pakiusap gumising ka riyan at tulungan moko!". sabi ko na umiiyak ngunit wala pa din. Nakita ko ng may tumutulong dugo mula saaking tinatago kaya agad ko ding hinanap ang aking telepono at ayun nasa kusina pala.
Tinawagan ko si Lance at ang asawa niya upang sakanila ako makahingi ng tulong.
"0939*******.... dialing.." sagutin niyo pakiusap. sabi ko sa telepono kahit hindi nila naririnig. At ganun nalang din ang gulat ko ng hindi nasagot kaya inulet ko silang tawagan.
Sa pangalawang pagkakataon ay nasagot na din sawakas. "Hello Anne bakit ka umiiyak?". sabi ni Lance.
"Tulungan niyo ako Lance". sabi ko.
"Bakit!? Anong ginawa sayo ni Renan?!". galit na sabi ni Lance.
"Hindi si Renan, Lance tulungan niyoko dahil manganganak na ako!". sabi ko na mangiyak ngiyak.
"Hintayin mo kami jan papunta na kami ng Asawa ko diyan". ani Lance.
"Sige". tipid kong sagot.
April 16, 2003. 3:00 am ng nakarating kami sa hospital.
Alaskwatro ng ipunta ako sa isang kwarto. "Ire!". ani ng doctor. "Sige pa ire pa!". sabi ulet ng doctor. Atsawakas madali kong nailabas at di ako nahirapan ilabas ang isang batang sanggol na lalaking napakagwapo.
Isang batang manipis ang labi at ganun din ang kanyang kilay. Makapal ang buhok at mahahalata mong matangkad. Papangalanan ko itong Dean Angelo.
DEAN ANGELO'S POV
Kitang kita ko sa mga mata ng aking ina nang ako'y ilabas niya. Nakita ko ding lumapit sila tito Lance kasama ang kanyang asawa at tuwang tuwa din na lumapit sakin at binati si mama ng Congrats dahil nailabas akong buo at binati din nila ako ng Welcome to the World baby Dean.
DISCLAIMER!!!!!!
Ang iba po dito sa story ko ay hindi makatotohanan, ang bawat oras, lugar ay gawa gawa lang din ng aking kaisipan.
Enjoy kayoooo!!!
BINABASA MO ANG
My Chaotic life to Unexpected Serenity [ ON - GOING SLOW UPDATE ]
RandomIsang araw may ay isang batang lumaki sa isang broken na pamilya, simula pagkabata ay lagi na siyang napapagbitawan ng kamay ng kanyang ama't ina. Ikalawang baitang palang ang bata ay iniwan na siya ng kanyang ina sa kanyang ama. Mula ikalawang bait...