"Happy birthday to you!, Happy birthday to you!, Happy birthday, Happy birthday, Happy birthday to you!." kanta nila mama, tito Lance at ang pamilya niya ang nakapaligid sa mesa at ako ay andito sa gitna.
"Happy first birthday anak." sabi ni mama na ikinangiti ko.
"Kumain na kayo mga bata." sabi ni tito Lance.
"Lance salamat dahil hanggang ngayon ay hindi niyo kami pinabayaan ng anak ko napakabuti niyo." pagpapasalamat ni mama.
"Walang anuman Anne, hindi din kami papayag na hindi mag hahanda ang gwapo kong pamangkin." sabay tingin saakin ni tito at ngumiti. "At isa pa may mga nagawa ka din saamin Anne." dagdag pa ni tito.
"Hindi naman ganoon kabigat ang mga ga----." hindi na naituloy ni mama ang kanyang sasabihin sapagkat ngumiwi ngiwi si tito.
"Gaya ng sabi ko Anne, hindi kami papayag na hindi magkaron ng bonggang handaan ang pamangkin ko. Lalo na't first birthday niya." ngiti na sabi ni tito Lance kay mama.
"Maraming salamat ulet sainyo." pagpapasalamat ni mama.
Walang tigil ang pagpapasalamat ni mama kila tito sa kabutihang ginagawa nila saamin. Nagpapasalamat kami ni mama dahil kahit kapatid pa ni tito Lance ang aking ama ay kami pa din ang mas pinipili niya tulungan at kampihan kaysa sa sarili niyanh kadugo.
Maya't maya ay dumating si papa na lasing na lasing. Ibinigay ako agad ni mama kay tita upang hindi ako mahulog kung sakali man na hilain siya bigla ni papa. At hindi nga ako nagkakamali dahil mabilis na nahuli ni papa ang braso ni mama na bakas pa din ang mga pasa na ginawa niya.
"Halika dito Anne!." galit na hinila niya si mama at isinabay pa niya ang malakas na sampal sa magkabilang pisngi ni mama na ikinatakot ng mga bata na naroon.
"Renan bitiwan mo ako!." sigaw na sabi ni mama na ikinalabas ni tito Lance mula sa pintuan.
Pagkalabas ni tito Lance mula sa pinto ay dinuro siya ni papa at sinabing "Ikaw! kabit ka ba ni Anne ha!? sarili ko pang kadugo ay tatraydorin mo ako!?." sabi ni papa kay tito Lance.
"Nasisiraan ka na yata talaga ng ulo Renan! pinatira lang namin ng asawa ko ang asawa mo dito dahil kawawa siya kapag nasasaiyo! atsaka may asawa ako Renan bakit ko gagawin yun ha!?." galit at pasigaw na sabi ni tito Lance kay papa.
Bago pa man ulit magsalita si papa ay sinampal at sinuntok niya ang tiyan ni mama na ikinasabay ng mga dugo na lumabas mula sa bibig ni mama. Panay ang iyak ko sa balikat ni tita sa mga ilan na nakita ko.
"Hindi kana talaga naawa yang anak mo iyak ng iyak habang ginagawa mo ang lahat ng iyak sa nanay niya!. Minsan na ngalang siya magkaron ng kaarawa ay sisirain mo pa!." sumbat ulit ni tito. "Maricel, kunin mo ang telepono at tumawag ka ng pulisya at ---." hindi naituloy ni tito ang sasabihin.
"Barangay na lamang Lance huwag na ang pulisya." mangiyak na sabi ni mama habang hawak pa din siya ni papa. Hindi na ako magtataka dahil sa kabila ng lahat ng pagpapahirap ng aking ama sa aking ina ay may awa pa din na natitira sakanya.
Hindi na nagtagal ay dumating sila kapitan at ako naman ay nakatulog na sa balikat ni tito Lance sa kakaiyak.
"Renan Tenorio, sumama ka saamin sa barangay hall at pag usapan ang lahat ng mga nangyayari sainyo ng asawa mo." ani ni kapitan.
Nagpunta na sila tito Lance kasama ang asawa niya at si mama. Ang selebrasyon na akala ko ay magtatapos ng walang gulo ay nagkakamali ako.
Nagising nalang ako na nasa bahay at andun si mama at papa. Andito nanaman ako sa impyernong bahay kung san kami nakatira bilanh matatawag na pamilya. Ayos na ulit sila mama at papa, sa pagkakaalam ko. Ngunit sa mga mata ni mama ay napipilitan lamang siya na manirahan ulit kami dito.
Sawang sawa na din si mama sa piling ni papa dahil panay pagpapahirap ang laging nararanasan ni mama kay papa. Mula bata ako ay wala ng bago puro pananakit ni papa kay mama ang naririnig ko.
"Happy birthday to you!, Happy birthday to you!, Happy birthday, Happy birthday, Happy birthday to you!." kanta nilang lahat ulit saakin.
Isang taon na walang away sila mama at papa, Isang taon na din na natahimik ang paligid ko, Isang taon na ang lumipas hinihiling ko na sana ay hindi na matulad ang mga napagdaanan ko nung ako'y nasa tiyan pa lamang.
"Happy second birthday anak! happy kami sayo." sabi ni mama at papa saka nila ako niyakap na dalawa.
"Blow your candle na pamangkin." sabi ni tito Lance.
Nang matapos ko hipan ang cake ay sabay sabay sila pumalakpak. "Kainan na mga bata". pag aalok ni mama sa mga bisitang naroon.
Ibinigay muna ako sandali ni mama kila tita at tito dahil magsasandok siya ng mga handa at ilalagay sa mga plato ng mga bata. Isinabay na nila mama at papa ang aking bunyag at birthday kaya marami rami ang handa ko ngayon kumpara nung naghanda kami nung 1st birthday ko.
May palaro at Mascot na dalawa. Pinag ipunan ni papa ang ilan sa mga ganda ko at ang iba naman ay itinulong ni tito Lance. Tinatawag ako nung dalawang Mascot sa harapan ngunit hindi ako pumunta dahil takot ako nun sa ganun.
Natapos ang birthday ko nung gumabi na at yun ang birthday ko na isinelebrate namin ng walang kahit na anong gulong naganap. "T-thank y-you m-mama a-and p-papa". bulol na pagpapasalamat ko kila mama at papa na ikinatuwa nila mama,papa,tito at tita. Ganun na din sila ate at kuya (mga anak ni tito at tita).
"T-thank y-you r-rin p-po t-tita at t-tito." ganun nalang din ang gulat nila tita at tito pagkatapos nila marinig ang pagpapasalamat ko.
Simula noon palamang ay marami na sila nagawa saamin na mabuti, hindi nila ako pinabayaan at ganun din kay mama. Okay na din si mama at papa, hindi na ganon kadalas ang kanilang pag-aaway. At hindi na din ganoon kagrabe.
Kung hindi pa siguro napa blotter si papa ay ganun pa din ang routine niya kay mama kapag lasing. Hindi na din inilalagi ni papa ang pag iinom upang maiwasan niya ang magwala tuwing siya ay umuuwi.
Don't forget to vote guys :<
Sorry din if hindi ako nakapag update kahapon. May kaunting prob lang din kami nung bida dito sa kwento ko.
Thank you for supporting kahit reads lang muna ang meron ako pero thankful ako kase nababasa niyo yung story ko moree updates to come mga Twinksss😚💖
BINABASA MO ANG
My Chaotic life to Unexpected Serenity [ ON - GOING SLOW UPDATE ]
RandomIsang araw may ay isang batang lumaki sa isang broken na pamilya, simula pagkabata ay lagi na siyang napapagbitawan ng kamay ng kanyang ama't ina. Ikalawang baitang palang ang bata ay iniwan na siya ng kanyang ina sa kanyang ama. Mula ikalawang bait...