Chapter 2

18 4 0
                                    

"Miss Anne! pwede na po kayo umuwi bukas." ani ng doctor na biglang sumulpot sa usapan nila tito Lance at mama.

"Bayaran niyo nalang po ang dapat na babayarin dito." dagdag pa ng doctor.

Ngunit si mama ay hindi nakapagsalita dahil wala pala siya dalang pera, at walang wala talaga kaming pera sa ngayon. Dahil si papa ay hindi nakapag ipon at hindi niya napaghandaan ang paglabas ko. Ang masaklap din doon ay hindi siya masaya na meron ako.

"Lance maaari bang---." hindi naituloy ang kanyang sasabihin dahil agad na sumumbat si tito Lance.

"Kami na ang bahala lalo na't alam ko ang nangyayari sainyo ni Renan." sagot ni tito.

"Salamat Lance at lagi niyo ako sinasalo ng asawa mo." pagpapasalamat ni mama.

"Walang anuman Anne hanggat meron kami ay tutulong kami saiyo." sagot ni tita.

"Maraming salamat talaga sainyo, maraming maraming salamat." pag uulit na pagpapasalamat ni mama sakanila.

"Basta huwag mong papabayaan ang anak mo Anne, huwag mo nalang din intindihin si Renan. Parang hindi ka nasanay sakanya ah?." ani tita ko.

"Sabagay nga naman HAHAHAHA." tatawa tawang sagot ni mama, ngunit bakas din iyon sa pag aalala dahil hindi niya alam kung saan kukuha ng ipambibili ng mga gatas ko at pampers. Kaya naman kinausap niya ulit sila tita at tito.

"Lance pwede bang makahiram ng pera? babayaran ko kapag okay na. Kapag may nahanap na akong trabaho alam mo naman bawal pa ako mag gagalaw at hindi ko pa maiwan ang anak ko. Lalo na't dumedede pa saakin." sabi ng mama ko.

"Ay! tamang tama kung gusto mo ay dun muna kayo sa bahay, para maiwasan niyo din muna ng anak mo ang pambubugbog ng asawa mo saiyo. Baka mamaya ay pati si Dean masali sa away niyo." sabi ni tita.

"Kung doon muna kami tutulog ng anak ko ay anong gagawin ko? para masuklian ang mga ginagawa niyo saakin at sa anak ko?." tanong ni mama.

"Maghuhugas, luto at laba ka lang ng mga damit namin, at ako na ang bahala na mag alaga sa anak mo. Huwag mo na din problemahin si Renan malaki na iyon at hayaan mo mung mag isip isip." sabi ni tita.

Tango na lamang ang naisagot ni mama at ngiti. Mas mabuti na din muna na huwag kami makisama kay papa dahil mismong ako ay baka maidamay sa away nila.

Hindi ko lubos maisip dahil ako na musmos at wala pang alam, simula nung ako'y nasa loob ng tiyan pa lamang ni mama ay hirap na ang aking dinadanas. Ano't bakit kaya ganon si papa? Magbabago pa kaya siya??

"Happy 1st month old baby Dean!." bati nilang lahat saakin. Sa loob ng isang buwan ay tahimik ang aking paligid, hindi ako nakarinig ng sigawan at hindi ko naramdaman ang sakit na dinulot noon ng pananakit ng papa ko sa mama ko.

Habang nagcecelebrate sila ay biglang dumating ang papa ko na ikinakaba ng nanay ko, baka kase manggugulo ang aking papa sa first month old ko.

Pero mali ang hinala ni mama dahil sa halip na gulo ang inasahan naming lahat ay nagpakumbaba si papa. "Anne uwi kana sa bahay, hindi ko na uulitin ang mga ginawa ko sayo noon. Sorry sa lahat ng ginawa ko sayo." sabi ni papa.

"Talaga Renan!." sabi ni mama. Sa takot ni mama na tuluyan kaming masira ay tinanggap niya sa pangalawang pagkakataon si papa.

Namuhay kami ng payapa, iniwan ni papa ang pag iinom. Inaalagaan ako, siya ang gumagawa sa gawaing bahay at hindi niya din sinasaktan si mama. Pero isang araw wala si papa.

Umuwing lasing ulet si papa. "Anne!." galit na sabi ni papa.

"B-bakit Renan?." takot na sagot ni mama na lumabas sa kwarto.

Pero nung nahagilap ng mata ni papa si mama ay bigla na niyang hinila at sinuntok sa sikmura na ikanaduwal niya ng maraming dugo. Sinabunutan niya si mama at itinulak sa pader at dun ipinukpok ang ulo ni mama.

Umiiyak ako sa crib sa takot, 9 months old na ako at kitang kita ko ang nga ginagawa ni papa sa mama ko. Kung nakakapagsalita na ako't nakakalakad ay ako na dapat ang tatawag sa pulisya para maipagtanggol ang mama ko.

"Huwag mong masubok subukan na tawagan sila Lance dahil mas kakawawain kita Anne!." sabi niya sa nanay kong duguan at puno ulit ng pasa ang kanyang mukha at mga braso.

Sa halip na sundin ni mama si papa ay tinawagan nga niya sila tito Lance. "0939******* dialing..."

"H-hello Lance." pagtawag niya sa kabilang linya.

"Hello Anne? ano't ganyan ang boses mo? T-teka? ano ginawa sayo ng kapatid ko!?." galit na sabi ni tito sa kabilang linya.

"B-binugbog ulet ako, s-si Dean andito pinatulog ko iyak ng iyak kanina. Tulungan mo kami Lance." mangiyak na sabi ni mama.

"Sige at pupunta na kami jan mag impake kana din ng gamit niyo, dito nalang muna kayo ulet tumuloy." sabi ni tito.

"Maraming salamat Lance." tipid na sagot ni mama.

Habang nag e empake si mama ay meron na sila tito at ganun nalang din ang gulat ni papa. Hindi alam ni mama na meron pa pala sa bahay si papa kaya biglang hinila ni papa si mama sa braso niyang puno ng pasa. Bakas sa mukha ni mama ang sakit at kirot ng braso niya.

"Ikaw na babae ka!." turo niya kay mama gamit ang isang kamay. "Hindi ka talaga mapapakiusapan ng isang salita!." dagdag pa niya.

Suntok dito, Sabunot doon. Ganon ang ginagawa ni papa ngayon sa mama ko, at ako heto umiiyak ulit na siyang biglang dinampot ako ni tita mula sa higaan ko, si tito naman ay inaawat si papa na nagpapatuloy pa dib na pananakit kay mama.

"Renan! Tama na iyan! Hindi mo ba naalala ang huling sabi ko sayo!? Kung hindi mo pa titigilan ang pananakit sa asawa mo ay ipapakulong na kita!." sabi ni tito na ikinatigil niya sa pananakit niya kay mama.

Tumakbo na si mama kung san kami naroon ni tita at hinalikan ako ni mama sa noo. Kinuha niya na din ang tatlong bag. Ang isang maleta ay lalagyan ng damit ko ang isa namang maleta ay lalagyan ng damit ni mama at at huling bag ay naroroon ang mga pampers,dede at gatas ko.

"Huwag mo na lalapitan pang muli ang asawa't anak mo! maliwanag!?." galit na sabi ni tito.

Hindi na nakasagot si papa sa halip ay umupo siya at tulalang iniwan namin doon sa bahay. Akala ko ay nagbago na ng tuluyan si papa, hindi pala.

My Chaotic life to Unexpected Serenity [ ON - GOING SLOW UPDATE ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon