"Anak anong gusto mong notebook?." tanong saakin ni mama.
"Yung i-iskayblue po." sagot ko. "A-ay m-mali ma." dagdag ko ulet.
"Naka Dean Angelo, anak halika na lamang dito at ituro mo ang iyong gusto na notebook." sabi ni mama.
"S-sige po mama." sagot ko
Day care na kase ako sa pasukan kaya naman kailangan na namin bumili ng mga magagamit ko para sa iskwelahan. Tatlong notebook ang kailangan sabi ng aking guro kaya iyon ang aming bibilhin. Sa makalwa na ang aming pasok kaya kahit ako'y bata pa ay naroon ang kasabikan ko dahil makakakilala ako ng bagong kaibigan.
Sawakas ay nabili na din namin ang aking notebook. Sunod namin na bibilhin ay papel, lapis at krayola. "Anak kuha ka na din doon ng tahar para sa lapis mo." utos saakin ni mama.
"Sige po ma." sagot ko.
Nabayaran na namin ang lahat ng kinuha namin, maglilibot nalang kami ni mama para maghanap ng maliit na bag na kung saan kakasya ang mga gamit ko. Nagustuwanan ko din ang isa set ng pagkainan,kutsara, tinidor, tumbler at payong sa halagang 250. Kaya naman diko din sinabi kay mama agad sa kadahilanang wala na kami pambili. Pero nahalata yata ako ni mama na nakatitig lamang doon kaya naman ako'y tinanong niya.
"Gusto mo ba iyan anak?." tanong ni mama saakin.
"H-hindi po mama, napaka ganda lamang nung kulay niya kaya tinignan ko." sagot ko.
"Nako anak may pambili pa naman tayo, dinagdagan ng tito mo ang pera na ibinigay ni papa mo saakin. Ngayon gusto mo ba niyan?." tanong ulet ni mama saakin.
"O-opo." sabi ko.
"Ale kunin ko nga po itong isang set." sabi niya sa ale na andun sa loob ng tindahan.
Iniabot ng ale ang gusto kong lagyanan ng kanin at ng kung ano pa. Hindi din nagtagal ay naagaw nanaman ako ng tingin nung isang bag na alam kong kakasya ang lahat ng gamit ko doon.
"Mama, ayun po bag." turo ko.
"Tamang tama hindi na tayo lalayo lalo na kanina pa tayo dito sa ikot ng ikot." sabi ni mama saakin.
Nabili na namin lahat kumpleto na kaya umuwi na kami ni mama. Ganun nalang ang gulat namin ng andaming nakahanda sa mesa. "Nagluto si papa?" tanong ko sa aking isipan.
"Happy anniversary Anne." sabi ni mama kay mama.
"Anniversary pala nila mama at papa kaya ganon nalang kadami ang naka handa sa aming mesa." Sabi ko saaking isipan.
"Kamusta na ang gwapo kong pamangkin ko." sabi saakin ni tito Lance na ikinagulat ko dahil diko inaasahan na meron pala siya dito sa bahay.
"M-ano po t-tito." nahihiyang sabi ko. "O-okay lang po ako t-tito atsaka po pala s-salamat sa ibinigay mo na d-dagdag para sa p-pambili ng aking magagamit sa n-nararating na p-pasukan t-tito." nahihiyang sabi ko.
"Walang problema pamangkin, wala na din kaming anak ng tita mo na nag- aaral ei kaya ikaw muna ang tinutulungan namin. Atsaka wala din naman iba pamangkin dahil pamangkin kita." ngiting sabi ni tito Lance saakin.
Ngiti at tango nalang ang naisumbat ko kay tito Lande sa sobrang hiya. "Anak halika na dito sa labas dahil kakain na tayo." pagtatawag sakin ni mama.
"Susunod na po." sagot ko.
"Happy Anniversary, Cheers." yun ang bumungad saakin ng ako'y lumabas na. Diko din maiwasan na makabahan dahil may alak nanaman. Kapag nalasing si papa ay kawawa nanaman kami pareho ni mama.
Natapos na ako kumain ay patapos na din sila uminom. Ganun nalang ang gulat ko ng tawagin ako ni papa halos mapatalon pa ako ng tawagin niya ako sa pangalan ko.
"Dean Angelo." tawag niya saakin.
"P-po p-pa?." sagot ko habang takot na takot.
"Halika dito." sabi niya saakin.
Takot may ako ay lumapit ako sakanya. "B-bakit p-po p-pa?." utal kong sabi.
"Oh Lance kita mo naman, napakagwapo ng anak ko." pagmamayabang niya kay tito Lance.
"Syempre nagmana yan saakin, hindi ba Angelo?." sabi saakin at hinila ako ng dahan dahan ni tito palapit sakanya.
"Nah hindi kaya, ako ang nagmanahan ng anak ko Lance. Kita mo naman sa mata, sa kamachohan ko, sa kaputian at sa kasingkitan ng mata ay nakuha saakin." sabi pa ni papa.
"Renan, nakakalimutan mo yata na singkit din ako at macho at maputi din." sabi ni tito Lance.
"Hay nako, magtigil nga kayong pareho." sabi nung asawa ni tito Lance. "Magkapatid kayo, kaya pareho lang kayo na may pinagmanahan si Angelo. Lamang lang si Lance dahil pati ang pagiging mabait ng asawa ko ay nakuha ng anak mo." dagdag pa ni tita at natawa.
"Tito,tita, papa dun muna po ako sa loob. Gusto ko po manood". pagpapa alam ko sakanila.
"Sige." sabay sabay nilang pagsagot saakin.
Gabi na at tapos na sila uminom. Hindi masyadong lasing si papa ngayon dahil mas marami ang kuwentuhan at tawanan nila kaya ganon nalang ang saya ko dahil hindi kami mahihirapan ni mama sa pagpa pakalma kay papa.
"Goodnight, uwe na kami." sabi ni tita at tito.
"Ingat kayo." sabi ni mama at papa.
"Ba-bye tito at tita, hanggang sa muli." sabi ko habang kumakaway sakanila.
Nakauwe na sila at kami ni mama at nasa kusina. Tinuturuan na niya ako maglagay ng pinggan sa lalagyan napuno ng katahimikan ang kusin kaya naman biglang binasag ni mama iyon. "Anak, galingan mo sa iskwelahan ha?."
"Oo naman mama, ako pa ba??." pagmamalaki ko. sa edad ko pa lamang kase na apat ay alam ko ng magbilang ng isa hanggang sa isang daan. Marunong na din ako magsulat at gumuhit ng mga shapes.
"Nako ikaw wag puro oo anak ha? Kailangan gawin mo din." sabi ulit ni mama.
"Oo naman mama gagawin ko lahat ng itinuro mo saakin nung ako'y maliit pa lamang." sagot ko.
"Hali ka na at matutulog na din tayo." pagtawag ni mama saakin.
"Sige po mama susunod na." sabi ko. Pinatay ko na ang ilaw sa kusina at sa sala. Pinatay ko na din ang tv at sumunod na kay mama.
"Anak, bangon na papasok ka pa sa paaralan. Ihahatid kita mamaya." sabi ni mama habang ako'y ginigising niya.
Huhuhu sorry po ulet kung wala akong update jusq! wala po kase ako load and then di ako makalabas dahil namatayan din po kami. Suspected covid po kase sorry po promise ko po araw araw na ako ulet mag u-update sa oras na okay na po ang lahat. Mabigat din po para saamin dahil hindi manlang namin nakita si Tita ko at diman lang namin siya nahatid sa huling hantungan niya sorry po :((((
BINABASA MO ANG
My Chaotic life to Unexpected Serenity [ ON - GOING SLOW UPDATE ]
RandomIsang araw may ay isang batang lumaki sa isang broken na pamilya, simula pagkabata ay lagi na siyang napapagbitawan ng kamay ng kanyang ama't ina. Ikalawang baitang palang ang bata ay iniwan na siya ng kanyang ina sa kanyang ama. Mula ikalawang bait...