PROLOGUE

18 0 0
                                    

EXITED na naglalakad si Aiel patungo sa condo ng kaniyang kasintahan. Ika  anim na anibersaryo nila ngayon kaya naman masaya siyang susorpresahin ang kasintahan na abala sa pagre-review para sa bar exam nito. Nais niyang pasiyahin ang binata ngayon araw.

Nang makasakay sa elevator agad niyang pinindot ang palapag kung saan naroon ang penthouse nito. Mula sa kinatatayuan nakikita niya ang repleksiyon ng sarili.

"Shet ang panget ang buhok ko..." mahina niyang bulong sa sarili at Dali daling inayos ang magulong buhok at naglagay ng kaunting pulbos sa mukha.

Kapagkuwan ay bumukas na ang sinasakyang elevator hudyat na nasa palapag na siya ng kasintahan. Nakangiting siyang naglakad sa pasilyo bitbit ang nilutong palabok at biko.

"Room 241..." nakangiting aniya at pinindot ang doorbell.

Lumipas ang ilang minuto ngunit wala pa ring nag bubukas ng pinto at unti unti nang naiirita si Aiel. Nakailang pindot pa siya bago naubusan ng pasensiya at pagalit na pinihit ang doorknob. Nanlaki ang kaniyang mata dahil bumukas iyon at kahanga hangang hindi naka lock ngunit naroon pa rin ang inis sa kaniyang loob.

Tuluyan na niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Napangiti siya ng agad na bumungad sa kaniya sa larawan kasama ang kasintahan.

Napangiti siya at tila bulang naglaho ang kaniyang iritasyon. "Ang lalaking iyon talaga" kinuha niya ang larawan saka iyon pinaka titigan.

Ibinaba ni Aiel ang dalang palabok at biko saka sinuyod ng tingin ang buong sala. Hindi niya natagpuan ni anino ng binata sa sala kaya nagpasya siyang akyatin ito sa silid.

Habang palapit ng papalapit siya sa silid may kung anong pakiramdam siya na hindi maganda ang mangyayari. Pinipilit niyang iwaksi ang damdaming iyon dahil alam niyang hindi siya sasaktan ng kaniyang mahal na kasintahan.

Ngunit nabura ang positibong damdamin niya ng nasa tapat na siya ng silid ng kasintahan. Hindi siya bobo upang hindi malaman ang ibig sabihin ng mga daing at ungol na nanggagaling sa loob. Unti unting pumatak ang kaniyang luha at napuno ng galit ang kaniyang damdamin. May kung anong bagay na parang pumipilipit sa kaniyang puso at napaka sakit niyon.

Hindi niya alam kung anong gagawin. Kung bubuksan ba niya ang pinto at harapin ang katotohanan o tumalikod at isiping walang nangyari. Ngunit sa huli pinili niya ang masaktan kaysa sa deadmahin ang lahat.

Masikip ang dibdib na pinihit niya ang doorknob at unti unting itunulak ang pinto. Naroon ang kaniyang kasintahan nakakubabaw sa kaniyang matalik na kaibigan at pinagsasaluhan ang init ng kanilang katawan.

Kumuyom ang kamao niya ngunit hindi niya magawang sumigaw at sugurin ang dalawang hubo't hubad na nagtaksil sa kaniya. Naroon lamang siya at nakatayo pinapanood kung paano masarapan ang dalawa sa isa't isa.

"Ahmmm... Sige pa Zea... isagad mo pa-ohh" pawis na pawis na ang kaniyang kaibigang taksil.

"Ohh... ang sarap mo Juneth-ohh" Mas lalong bumuhos ang masaganang luha niya dahil sa naging sagot ng kasintahan.

Pinilit niyang patibayin ang sarili at patigilin ang mga luha sa kaniyang mga mata at nag tagumpay siya. Huminga siya ng malalim at pinatapang ang ekspresyon sa kaniyang mukha.

Sarkastiko siyang tumawa, bagay na nakapagpatigil sa dalawa sa milagrong ginagawa. Napabaling sa kaniya ang dalawa at gulat na tumingin sa kaniya.

Nagtagis ang kaniyang mga bagang at kumuyom ang kaniyang mga kamao ng biglang tumigil ang dalawa at Dali daling tumayo at nagtakip ng kanilang hubad na katawan.

"Masarap ba ang boyfriend ko best?" Nakatikwas ang kilay na tanong niya sa kaibigan na nakatungo at hiyang hiyang itinatago ang mukha.

"Ikaw naman?" Bumaling siya sa kasintahan na parang nag mamaka-awang nakatingin sa kaniya. "Masarap ba ang bestfriend ko?"

Wala sumagot sa dalawa. "I guess silence means yes?" nang-uuyam siyang ngumiti sa dalawa bago naupo sa katabing sofa.

Humalukipkip siya at matapang na tiningnan ang dalawa. "Masarap ba?" sarkastiko niyang tanong sa dalawa.

"Baby please let me explain... mali yung nakita mo-" pinutol na niya ang sasabihin ng kasintahan.

"Ang sabi ko kung masarap ba?" tuluyan ng nawala ang emosyon sa aking boses.

"B-baby naman..."

"Best..." 

"Hmm so baby and best huh?" She smirked.

Lumuhod sa kaniyang harapan ang bestfriend niya at nag papaawang tumingin sa kaniya, ngunit ni-katiting ay wala siyang awang naramdaman. Galit at poot ang nangingibabaw sa kaniya.

"Best mali yung nakita mo-"

"Oh really? So ano dapat ang ginagawa niyo nung nakita ko kayo? Nag g-gym? Yoga?" Napayuko ang kaibigan dahil sa pagkapahiya. "Don't play dumb with me!" Hindi mapigilang sigaw ko.

"Aiel kasi ganito Yun..." Naglakas ng loob ang magaling niyang kasintahan. "Nagkamali ka lang ng nakita. Ako at si Juneth wala talaga kaming ginagawang masama-" I smirked coldly.

"Ang gaguhin ako ay ayos lang..." Namalisbis ang aking luha. "ngunit ang gawin akong tanga ay sobra na" Mapait niyang wika.

"Huwag niyo sa aking sabihing mali ang nakita ko dahil hindi ako bobo para hindi malaman kung ano ang ginawa ninyo" Aniya at tumayo.

"A-Aiel..."

"Balang araw magkikita ulit tayo..." pinahid niya ang luha. " At sa mga oras na yon ay unti unti kong sisirain ang buhay niyo" Yun lang at tinalikuran ko na sila dahil hindi ko na kaya pang magkunwaring malakas at matapang dahil ang totoo... hinang hina na ako.

Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina pa niyang pilit na pinipigilan. Humagulgol siya ng iyak ng maisara ang pinto ng silid ni Hozea.

Ilang beses niyang tinatanong sa sarili kung anong nagawa niyang masama para masaktan ng ganito.

Ngunit hanggang sa makalabas siya sa penthouse na iyon wala siyang nakuhang sagot.

Ngayon mag-isa na lamang siya walang boyfriend na mag-papasaya at walang bestfriend na susuporta. Dahil ang mga taong akala niya ay nandiyan para protektahan siya ay ang siya ring mga taong nanloko at nanakit sa kaniya.

Ang mga taong akala niya ay mapagkakatiwalaan ay trinaydor siya.

She learned a lesson. Never trust someone... Because that someone might hurt you and tear your heart apart.

Sa mundong ginagalawan niya ay walang mapagkakatiwalaan, walang maasahan, walang taong tapat.

She trust them and that trust vanished a while ago. At pinangako niya sa sarili niya na wala siyang pagkakatiwalaan kailan man.

 Walang iba, Ikaw pa rinWhere stories live. Discover now