Chapter 1- Cross paths again

9 0 0
                                    

IBA'T ibang ingay ang naririnig ni Aiel. Mayroong inay ng boses ng mga tao mayroon ring ingay na nanggagaling sa sinasakyang bus.

Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit nga ba siya nakasakay sa pampublikong transportasyon samantalang may sarili naman siyang sasakyan.

Alam na niya kung bakit

"Ma'am na flat po yung gulong ng inyong sasakyan kaya ho hindi magamit, nasira rin ho ang compressor"

Yan lang naman ang linyahan kaninang umaga ng drive niyang si Mang Karding. Kaya heto siya at nakikipag-siksikan sa loob ng bus. Wala naman siyang pamimilian kundi ang sumakay sa bus dahil flat ang sasakyan niya.

"Damn... I hate traffic," walang buhay na ani ni Aiel. Nauubos na ang pasensiya niya dahil sa sikip at ingay sa loob ng bus. Paniguradong mabubulyawan na naman niya ang mga empleyado mamaya sa opisina dahil sa sobrang init ng ulo niya.

Napalingon siya sa likod nang may maramdamang nakatingin sa kaniya. Bagay na mas lalong sumagad sa pasensiya niya. Hayun ang isang lalaking naka black-cap at leather jacket na nakatitig sa kaniya na animo'y hinuhubaran siya.

Umikot ang mga mata niya at hindi na lamang pinansin ang lalaking nasa likod na hindi niya alam kung manyakis o rapist.

Mga tao nga naman sa panahon ngayon wala ng respeto sa mga kababaihan sariling kaligayahan na lamang ang iniisip. Eto namang mga babaeng to imbes na gayahin si Maria Clara si Mia Khalifa ang inidulo, tsk.

Pumreno ang driver ng sinasakyan kong bus kaya naman medyo napadikit ang katawan ng lalaki sa aking likuran, bagay na nakapag-patindig ng balahibo ko at nakapag pabuhay ng gulat sa loob ko.

Handa na akong harapin ang lalaking bastos nang may nagpasak ng headset sa aking tainga at nabalot ng malamyos na musika ang aking pandinig.

Nilingon ko kung sino ang taong posibleng nag-lagay niyon sa aking tainga. Dahan dahan kong iginalaw ang aking katawan upang makita ang taong iyon, bahagya ko pang ipinaling ang aking ulo. Ngunit nanigas ako sa kinatatayuan ng makita ang mukha ng isang lalaki. Hindi na iyon ang lalaking kanina lamang ay parang leong gutom at gusto na akong kainin. May ibang lalaki na... ngunit ang taong iyon ay ang taong kinalimutan ko na at inilibing ko na sa aking ala ala.

Dumating na ang oras na kinatatakutan niya... nagkita na naman silang muli at naduduwag na naman siyang harapin ang nakaraang akala niya ay natakasan na niya.

"HANAPIN mo siya Zea..."
"Humingi ka ng tawad sa kaniya... yan lamang ang huli kong kahilingan..."

Paulit-ulit naririnig ni Hozea ang impit na tinig ng kaniyang namayapang ina sa kabilang sulok ng kaniyang utak. Pilit man niyang kalimutan ang huling hiling na iyon ng kaniyang pinaka-mamahal na ina ay patuloy parin ang tinig na iyon sa utak niya sa pagpapa-alala, nang-uudyok na itama ang kamaliang nagawa apat na taon na ang nakalipas.

Alam niyang imposibleng mapatawad pa siya ng taong iyon. Sa paglipas ng mga taon nawalan siya ng balita tungkol rito. Nakarinig lamang siya ulit ng balita tungkol rito ng dahil sa kasosyo niya sa negosyo.

Simula noon sinubay-bayan na niya ito. Mula sa pag-labas nito sa sariling bahat hanggang sa mga business transactions nito.

If you're thinking that I'm a stalker... you're wrong, I just like to wait her from far away.

He's always there, looking at her from a distance. Secretly wishing that he was there beside her and laughing with her. Ngunit hindi na maiibabalik ang kahapong nag-daan, hindi na maaaring balikan ang nakaraan.

Napaka-taas na nito ngayon na kahit siya ay hindi maa-abot ngunit gagawin niya ang lahat upang mabura sa puso nito ang galit na nararamdaman nito sa kaniya.

At ang misyong patawarin siya nito ay nag-uumpisa ngayon. Ayaw niyang biguin ang huling kahilingan ng ina, ayaw niyang kalimutan ang hiling nito, dahil ang gusto nito ang mahalaga para sa kaniya ngayon.

Wait for me my baby... I promised you'll never get away from me this time... That's a promise.

Alam niyang delikado ang ginagawa niya ngunit kailangan niyang isugal ang lahat ng mayroon siya para lamang mapatawad ng babaeng iyon.

Alam rin niyang hindi madali itong papasukin niya dahil walang kasiguraduhan kung mapapa-tawad ba siya nito o hindi ngunit para sa ina gagawin niya ang lahat, kahit ikamatay pa niya.

NUONG araw ding iyon kinaumagahan dali-dali siyang gumising at nag-umpisa ng panibagong araw.

Wala siya sa mood para mag-maneho ng sariling sasakyan kaya sumakay na lamang siya sa pampublikong bus at nag-pahatid sa istablisyementong pag-aari.

Ngunit ang akala niyang simpleng araw ay napalitan ng napaka-gandang umaga, dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon pinag-tagpo ulit sila ng tadhana.

Hindi na niya kayang tumingin mula sa malayo lalo na't nakita niya kung paano mabastos ang babaeng hinahanap niya.

Gumawa na siya ng sariling paraan na alam niyang itinakdang mang-yari ngayong araw, lumapit siya rito at pasimpleng nagpapansin.

Nang-hihina man dahil sa tingin nitong may kislap ng disgusto at pandidiri ipinag-patuloy niya ang plano. Wala ng oras para sa pag-iinarte at hiya, narito na siya, wala ng atrasan wala ng balikan.

Ipagpapa-tuloy niya ito kahit na anong mang-yari dahil siya ang may kasalanan hindi ito kaya wala siyang karapatan na mag-reklamo.

Naging makapal ang mukha niya ng lokohin ito kaya nararapat lamang na maging mas makapal ang mukha niya upang mapatawad siya nito.

Aminado siyang gago siya NOON pero hindi na NGAYON kasi narealize niya na kung anong naramdaman ng ex niya nung lokohin niya ito at aminado siya tanga siya dahil niloko niya ang isang taong nagmamahal sa kaniya ng totoo.

He, himself is a gago, and he doesn't want to make tanggi-tanggi cause you know, I don't know.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 Walang iba, Ikaw pa rinWhere stories live. Discover now