Chapter 1: Unexpected Incident

11 0 0
                                    

Selene's POV

Ako nga pala si Selene Rodriguez, 18 years old from Quezon Province. Grade 11 sa upcoming school year. I'm a jolly and friendly person orayt HAHA. So let's talk about me, okeh? INC yung religion ng family namin and di naman kami gaano kahirap or kayaman, sakto lang. Sa susunod na school year, pupunta ako ng Manila para dun nalang mag-aral kasi dumating si Tita Orly (kapatid ni Papa) dito sa Pilipinas galing UK. Matagal ko na ring hindi siya nakita at ganon den sila Papa. 4 years old palang ata ako noon. So bilang tulong sa pamilya ko at syempre sa akin, sya na raw ng magpapaaral sa akin hanggang sa makatapos ako ng kolehiyo. Nung una nga, ayaw pa pumayag ni Papa kasi malayo raw at kaya naman nila akong matustusan at ang 3 ko pang kapatid na sina Gabbi (15 years old), Althea (12 years old) at si Ronnie (5 years old) pero kalaunan ay pumayag na rin sila. Para sa kinabukasan ko naman e.

Nung katapusan ng April, sinama na ako ni Tita Orly sa bahay nila sa Manila nung anak niya na sii Ate Carmen. Nagtatrabaho na siya ngayon sa hospital as MedTech. Sabi ni Tita Orly, siya raw ang makakasama ko sa bahay kapag bumalik na ulit siya sa UK sa buwan ng Nobyembre.

Nakarating naman kami doon ng matiwasay at ligtas, mga 3 oras na byahe. Nung dumating kami don, wala si Ate Carmen, nasa trabaho pa raw siya. Pumunta na ko sa magiging kwarto ko at nag-ayos ng gamit. Pagkatapos ko tinawagan ko na sila Papa.

"Papa, mama. Nandito na kami. Kakatapos ko lang mag-ayos ng gamit. Miss ko na agad kayo pati sila bunso." Mangiyak-ngiyak kong sabi. Di naman kasi ako sanay sa Manila e. Probinsyana kasi eh.

"Ano ka ba? Wag kang umiyak. Uuwi ka naman dito o hindi kaya bibisitahin ka naming diyan. Basta mag-aral ka ng mabuti at tumulong ka sa Tita Orly mo."

"Opo Papa. Pag-iigihin ko para sainyo."

"Selene! Kain ka na!" tawag ni Tita Orly sa akin.

"Oh sige po. Kakain na po muna ako. Tawag po ulit ako mamaya."

"Sige anak. Ingat ka dyan. Mahal ka namin."

"Mahal ko rin po kayo. Babye na po!" sabay end sa tawag. Bumaba na ako at sinaluhan si Tita Orly.

"Tita. Ano pong oras dumarating si Ate Carmen?" tanong ko sa kanya.

"Ay nako. Mamaya pa yong mga 9 ng gabi" Nagkuwentuhan lang kami ni Tita Orly tungkol sa mga bagay bagay sa buhay. Nagkamustahan. At pagkatapos, naghugas na ko. Si Tita naman umakyat na.

FAST FORWARD......

First day of school naaaa. Omg HAHA. Nakakalula. Wala akong kaalam-alam sa school na to. Grabe! Sobrang lawak ng school and mukhang mga mayayaman ang pumapasok dito AS IN. Kaya dapat magpasalamat ako kay Tita Orly talaga and pag-igihin ang studies ko. So ayon, nakatingin ako sa bulletin board ng school at hinahanap yung magiging section ko this year nang may biglang may babaeng nahimatay sa harapan ko.

"Hala! Uyy ate! Okay ka lang ba?" nagpapanic ako nung time na yon kasi hindi ko naman alam kung anong gagawin ko nung mga panahon na yon. Ikaw ba naman, may biglang matumba sa harapan mo, alangan namang iwanan mo nalang diba? Syempre dapat may gawin ako.

"Uy mga ate, kuya! Tulungan nyo ko. Dalhin natin sya sa clinic!" lakas-loob kong tugon sa mga nanonood LANG at parang naghihintay ng himala. Kaya ayon, mukhang nahimasmasan na rin sila at napaisip ng tulungan ako. Dinala namin sya sa clinic ng school at nag-alisan na rin yung tumulong saking dalawang lalaki. Ako na lang yung nandoon sa clinic pati si Ate Nurse. Chinecheck nung nurse kung ano ang kalagayan ni ateng natumba at okay lang naman daw, nilalagnat. bigla namang tumunog ang bell ng school na ang ibig sabihin ay kailangan na naming pumasok sa kanya kanyang mga klase.

SAME OLD LOVEWhere stories live. Discover now