Chapter 5: Identity

1 0 0
                                    

Axel's POV

Pagdating ko sa school, hindi ko na napuntahan room ni Ate kung nandon siya. Nalate talaga ako mga brad. Traffic! Hay nako, Pilipinas talaga. Nagmamadali ako at buti na lang wala pa si Ma'am. Umupo muna ako at kinuha ang IPod ko at nagpatugtog.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising ako. May nagiintroduce na ng mga pangalan. Hindi ako nakijoin. Sumiksik lang ako sa upuan ko at umubob para hindi kita. I'm not fond of introducing myself and besides, kilala na naman ako dito. At FYI, hindi ako nagyayabang.

Kringggg!!!! Kringgg!!!!

Noice. Recess na. Medyo nagugutom ako ngayon. Konti lang nakain ko kanina e. Ang haba ng pila ahh. Oo nga pala, kung napapansin niyo, wala akong tinatawag na tropa pero kakasabi ko lang kanina na meron. 5 kami, katulad ng sabi ko hindi kami mga gangster o bully dito. Yung 2 samin, kambal, si Rey (si mabait) at Roy (si pilyo) , nasa Davao, nagaasikaso ng business ng family nila. Oo, sa murang edad, sila na ang nagaasikaso. Pumanaw na kasi ang padre de pamilya nila at naintindihan naman ng principal namin yon. Yung si Harold (the nerd), nasa US. May family reunion at si Paul (the talented) ang pinakaclose ko, magkababata kami nito. Lahat ng baho ng isa't isa, alam namin. Nadagdagan lang nung 2nd year highschool kami.

Nung naghahanap na ako ng table at hawak hawak ko ang iniinom kong juice na nasa plastic cup. Oo brad. Okay nga e para refill ng refill at habang naghahanap ako at nililbot ang aking mga mata ay hindi sinasadyang makabangga ako at natapon ang juice sa uniform ko. Hayst, kung minamalas ka nga naman. Wala na ngang makasama dito, natapunan pa. Napatingin ako sa babaeng kaharap ko at mukhang bago siya dito. Bakas sa mukha niya ang kaba at gulat na parang may gagawin akong masama sa kanya pagkatapos kong matapunan ng juice.

"Hala, pasensya na po. Hindi ko po talaga sinasadya. Sana naman wag niyo akong paghigantihan o gawan ng masama. Bago lang po ako dito pero promise po hindi na to maululit. Magiingat na po talaga ako huhu" Dere-deretso siyang nagsasalita at pilit na pinupunasan ang damit habang natataranta. Ako naman, nakatingin lang sa kaniya at naguguluhan. Bat ba siya natataranta? Ay oo nga, dahil bago siya. Siguro akala niya, gagantihan ko nga siya kasi syempre school to na well, di sa pangmayaman, anyone can study here, I mean, mapapansin naman siguro niyang puro mayayaman ang estudyante dito.

"Stop it." Sabi ko sa kanya at nakakahiya kasi medyo nakakapukaw kami ng atensyon pero alam ko namang walang pakielam ang mga tao dito kaya okay lang. Napansin ko na nakatingin siya sa akin na para bang pinagmamasdan ang bawat angulo ng mukha ko. Medyo naiilang ako kaya nagsalita ako.

"Miss, are you done checking my face? Kasi kung tapos ka na, let's talk privately." Mukha namang nahimasmasan na siya. Sa pogi kong to. Joke. Pero hindi talaga joke yon hehe.

"Tara sa labas. Doon tayo mag-usap." At hinatak ko ang kamay niya palabas ng canteen. Ewan ko ba parang nung hinawakan ko siya at hinatak palabas parang may kung ano akong naramdaman sa puso ko. Parang biglang tumibok. Pero binalewala ko kasi normal namang tumitibok puso diba? Sabihin niyong hindi, hahambalusin ko kayo.

Nung nakalabas na kami, dinala ko siya sa tambayan ng mga estudyante.

"Nako pasensya ka na po, kuya. Hindi ko talaga sinasadya." Napansin ko na kanina pa siya humihingi ng sorry na ako naman dapat talaga ang nagsasabi.

"Kuya, sorry talaga ha. Hindi na mangyayari to pramis talaga." Bat ba "kuya" tawag neto sa akin? E mukha naman kaming magkaedad. Mukha na ba akong matanda or something. Hmm, maybe just a word since hindi naman namin kilala ang isa't isa pero ako hindi ko siya tatawaging "Ate" ano.

"Okay, una sa lahat, stop calling me "Kuya" kasi mukha naman magkaedad lang tayo. Hindi ba?" at mukha namang napaisip siya. Cute! Oy, walang meaning yon. Tunay naman e. Parang kayo walang label pero ang sweet. Ay sorry kung may natamaan.

"Hmm, sige. Pero sorry talaga. Nadungisan pa yung uniporme mo. First na first day of school nangyari to."

"Okay lang. May isa pa kong uniform sa locker and I also owe you an apology. Ako yung may kasalanan talaga. Ako yung hindi nakatingin sa dinadaanan. So, I'm sorry for that." There. I said it. Ayoko na rin namang may unfinished business sa iba. Kaklaruhin ko ulit. I'mma good boy.

"It's okay. Basta, I promise that it will never happen again and I hope na kung may tropa ka man or something. Gang or whatever, wag niyo ko guluhin. Okay? Kasi alam mo na? Yung sa mga palabas, baka paghigantihan niyo ko something like that. So ngayon pala kinaklaro ko na, okay?" And there. Again. Napatitig ako sa kanya. My heart suddenly tumped. My mouth, all of a sudden, unsealed itself because of the amazement I feel. I don't know why this is happening. All I know is, I felt something I relly shouldn't feel.

"Uhm. Uy. Okay ka lang? May dumi ba ko sa mukha ganon?" Nahimasmasan ako at bumalik sa katinuan. Hindi ko dapat maramdaman ang ganong bagay. Hindi dapat. Hindi na muna.

"Uhm. Wala, wala. Don't worry, walang gugulo sayo." Then I smiled. Uulitin ko. WALANG MEANING YON. Then we parted ways. Puntahan ko nalang si Ate sa room niya.

SAME OLD LOVEWhere stories live. Discover now