Selene's POV
"Ohh." Napatulala na lamang ako at pilit inaalala ang nangyari sa akin.
*flashback*
"Halaaaa! Tita! Late na ako!" bakit ba naman kasi nagpakapuyat pa ako kahapon e! Bwisit! Paano ba naman?! Masyado akong nahalina sa sayaw ng BlackPink at Twice. Nanood din akong MV ng Backstreet Boys at A1 pati Westlife! Maka-90s ata to.
"Bilisan mo na dyan, Selene. Mukhang uulan. Baka maabutan ka pa." huhu. Nakakahiya kay Tita.
"Tita, sa school na lang po ako kakain. Bye Tita!" nang makalabas ako ay agad akong pumara ng tricycle at kung minamalas ka ng naman! Bukod sa traffic na, umuulan na, nasiraan pa!
"Manong, matagal pa po ba yan? May maitutulong po ba ako para madali na dyan?" umiling naman si manong at sinabing matatagalan pa siya. Wala akong nagawa kundi takbuhin nalang ang school. Sobrang lakas pa ng hangin at pakiramdam kong anytime, masisira ang payong ko. Aligagang-aligaga na ako. Malapit na ako sa school ng mamalayan kong wala pala akong suot na ID. Anak ng tinapa! Kay malas ko naman ngayong araw! Hinanap ko sa bag ko at nagbabakasakaling nalagay ko doon ng may bumusina sa likod ko dahilan kung bakit dumulas ang bag ko sa balikat ko at nahulog ang mga gamit at ngayon ay nababasa na.
"ANO BA?! MAGPAPAKAMATAY KA BA?!" inis na sigaw sa aking nung driver ng sasakyan. Agad namana kong humingi ng paumanhin at umalis na siya. Medyo nanlalabo na ang paningin ko at humatsing na rin ako. Magkakasakit pa ata ako. Pinipilit kong kuhanin ang gamit ko ng may tumulong sa akin. Hindi ko na masyado marinig ang sinabi niya at nang tumunghay ako sa kanya ay namukha ko siya. Si Axel. Tinanong niya ako pero hindi ko maintindihan. Naramdaman kong pinahawak nya sa akin ang payong at tinawag ko ang pangalan niya at nagdilim na ang paningin ko.
*end of flashback*
"So, you remember now?" napansin kong tumayo na siya at kumuha ng damit na pangbabae at ibinigay sa akin.
"You can thank me later. Mukhang bangag ka pa." sabay alis. Nang medyo mahimasmasan na ako ay nagpalit ako ng damit at napansin kong kasyang kasya sa akin ang damit. Blue t-shirt with Doraemon and Nobita na design at pink with heart design na pajama. Lumabas na ako kahit mej masakit pa ang ulo ko. Napapikit naman ako ng makaamoy ng masarap na putahe. Mukhang sopas yon ahh.
"Hello Hija. Kumusta na ang pakiramdam mo? Come here, kumain na kayo ni Axel. Lalo na ikaw ng makainom ka na ng gamot." bumungad sa akin ang mid-60s na lalaki habang naghahanda ng pagkain. Agad naman akong naupo sa tabi ni Axel na kumakain na rin at sabay nilantakan ang sopas. Namiss ko ito grabe! Minsan na lang ako makatikim ng sopas. Naalala ko tuloy sila Mama at Papa. Mahilig pa naman kami sa sopas at laging nagluluto tuwing maulan din. Narinig kong napatawa yung lalaki.
"Okay ba ang luto ko, Hija? Ako nga pala si William. Tito William nalang itawag mo sa akin." napantango na lang ako habang kumakain. Grabe, gutom na gutom ako. Nailang naman ako ng mapansing nakatingin sa akin si Axel.
"Thank you po ahh. And thank you din, Axel. Sigurado hanggang ngayon, nandoon pa din ako sa kung nasaan mo man ako nakita." Ngumiti naman sa akin si Axel at nagpatuloy ng kumain at mukhang siya ay gutom din.
"Nagulat nga ako nang biglang magring ang doorbell at mas nagulat pa ako ng makitang si Axel ay basang-basa at may kasamang babaeng walang malay at namumutla. Ano bang nangyari sayo, Hija?" tumigil muna ako sa pagkain at sumagot.
"Eh kasi po, late po akong nagising tapos traffic at nasiraan pa po yung tricycle na sinasakyan ko kaya po tinakbo ko nalang, medyo malapit na rin naman po ako e. Sa sobrang lakas po nung hangin, natangay po yung payong ko at nasira. E tapos po, naiwan ko po pala yung ID ko, sinilip ko po sa bag tapos dahil po umuulan at aligaga na po ako, nahulog po yung bag ko tapos yung mga gamit ko then napansin ko pa dumating si Axel and then, nagdilim na po ang paningin ko." Napatango naman si Tito William at tumingin ako kay Axel na biglang umiwas ng tingin.
"O sya sige. Wag na muna kayo pumasok. Doon muna kayo sa kwarto." Agad naman kaming nabilaukan ni Axel at napatawa si Tito William.
"Ang dumi ng isip niyo ha. Kabataan talaga." Hayst, kami pa talaga ha? Tutulungan ko na lang sana si Tito William mag-imis pero tumanggi siya at sinabing uminom na ako ng gamot at humiga muna at maging feel at home. Naglibot na lang ako at napansin ang mga picture frame na nakadisplay. Ang ganda nung asawa ni Tito William. Ang ganda rin nung anak nilang babae. Siguro sa kanya tong damit na suot ko.
"Are you feeling better?" nagulat ako ng biglang sumulpot si Axel. Tumango naman ako.
"Don't do that again."
"Huh?" Hindi na siya sumagot pagkatapos non at umalis. Ano bang problema nun? Pumasok na ako sa kwarto at agad hinanap ang cellphone ko. HALAAAA! NASAN ANG CELLPHONE KO HUHU??? Hinanap ko agad sa bag ko pero biglang pumasok si Axel.
"Oo nga pala, bago ko makalimutan. Pinapatuyo ko pa yung cellphone mo kasi nabasa. Mamaya ko nalang ibibigay sayo. Kung gusto mong magtext, eto na lang muna ang gamitin mo" sabay bigay sa akin ng cellphone. Kinuha ko naman kaagad at nginitian sya at nagpasalamat. Dinial ko na ang numero ni Tita Orly at agad naman nyang sinagot.
"Ohh, Selene?! Nasaan ka na ba?! Ang lakas lakas na ng ulan ohh! Ano nang nangyari sayo? Kanina pa ako tumatawag sayo pero hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko! Malalagot ako sa mga magulang mo kapag may nangyaring masama sayo! nakonsensya naman ako at sinagot sya.
"Pasensya na po, Tita. Nandito po ako sa bahay ng kaklase ko. Dito nya po muna ako pinatuloy kasi inabutan po ako ng ulan kaninang papasok sa school. Dito po muna ako pansamantala hanggang sa hindi pa masyado tumitila ang ulan."
"O sya, sige sige. Mag-iingat ka dyan ha. At kwentuhan mo ako kung anong nangyari sayo."
"Opo, Tita."
"Hinahanap ka na sa inyo noh?" biglang sulpot naman ni Axel. Bakit ba parang kabute to?
"Ahh hehe oo e. Nag-aalala sa akin si Tita kasi hindi pa ko umuuwi. Nagsuspend naman na ng klase siguro noh?" tumango naman sya. Pagkatapos non ay umalis na ulit sya at binigyan ako ng pagkakataong magpahinga na at nakatulog na ako.
YOU ARE READING
SAME OLD LOVE
Любовные романыSi Selene Rodriguez ay isang masiyahin at mabait na tao. Kaya niyang tumayo at lumaban gamit ang sariling mga paa. Hanggang sa dumating sa puntong, kailangan ng masubok ang kanyang puso at isipan kung lalaban o susuko na. Will you fight till the en...