Cassandra Elaine's POV
Habang nakasakay kami sa karwahe, hindi ko mapigilan mapansin na hindi mapakali si Monika.
"Giniginaw ka ba, Monika? Gusto mo hiramin yung coat ko?" Sinabi ko ng mahina. Nagulat yata siya, pero ngumiti rin.
"Salamat, Elle. Uh, di ako giniginaw. Masyado lang mabilis yung pangyayari, gulat lang ako." Tumango nalang ako,
Sinenyasan ko sina Kuya Aiden at Kuya Evan na pansinin muna si Monika para di siya masyado mag-alala.
"Relax, miss. Mabait kami, hindi porket bampira kami, lahat kakagatin namin." Tawa ni Kuya Evan.
"Hindi naman yun iniisip ko. Iniisip ko kung paano na ako, at paano na papa ko." Sinabi ng mahina ni Monika. Medyo malayo tingin niya.
Nasamid si Kuya Aiden bigla. "Hindi naman pala yun iniisip niya, Van."
"Tumatawa ka, ha? Tumatawa ka?" Sabi ni Kuya Evan.
"Hoy! Ayan nanaman kayo!" Sabi ko agad. Ang hilig talaga nila mag-away! Kahit may babae silang kaharap! Nakakahiya. Buti nalang natutuwa si Monika sa kabaliwan nila. Ako hindi.
"Prinsesa, mga prinsipe, Lady Monika. Nandito na po tayo sa capital ng Transylvania. Malapit na po tayo dumating sa castle." Sabi ng conductor namin.
"Ah, salamat. Masakit na likod ko sa byahe." Sabi ni Kuya Evan habang nag-iinat.
"Bakit? Eh paupo-upo ka lang. Kami ni Elle naghanap ng makakain." Sagot naman agad ni Kuya Aiden.
"Mahiya kayo kay Monika!" Sigaw ko.
"H-Ha? Hindi, okay lang. Walang problema sakin yung gulo nila!" Sabi ni Monika.
"Magulo nga sila. Magsorry na kayo!" saway ko sa mga kapatid ko.
"Ay, sorry na." Sabi ni Kuya Aiden.
"Oo nga, sorry."
Tumango nalang si Monika, halatang natutuwa pa siya eh. Buti pa siya, di naiirita."Andito na po tayo, ako na magdadala ng gamit ninyo." Sabi ng conductor namin.
Nagpasalamat kami at agad-agad na bumaba.
"Nasaan po sina Mama at Papa? Papakilala namin si Monika-girl." Tanong ni Kuya Aiden sa dumadaan na katulong.
"Ah, nasa throne room po. Pareho po sila naghihintay sa inyong tatlo."sabi nung katulong.
"Oh, halika na. Marami pa tayong ikukuwento sa kanila tungkol sa nangyari kay Monika." Sabi ni Kuya Evan.
"Oo na po, galing mo mag-utos palagi!" Sagot naman ni Kuya Aiden.
Hay, di ba sila titigil talaga?
Tahimik kami naglakad ni Monika papunta sa throne room. Yung dalawa nagsasagutan pa.
YOU ARE READING
The Palace Of Blood And Roses
Fantasy•"The throne is not destined to be yours."• After being exiled from her home, almost assassinated by her mother, and thrown carelessly into a forest, Princess Monika of The Darkened Land became a mere commoner. Alone, vulnerable and afraid, Monika i...