CHAPTER 2

15 1 0
                                    

Krystal Monika's POV

Patuloy pa din nag babangayan si Evan at si Aiden papunta sa throne room, habang si Cassie naman naka simangot na. Dahil sa kakulitan ng mga kuya niya.

Pagkatapat namin sa pinto ng throne room, binuksan agad nung mga royal guards yung pintuan. Tapos yumuko sila saamin.

Nag lakad lang kami hanggang sa throne chair ng queen at king, tapos yumuko kami.

"Now, rise."sabi ni Queen Eleonora.

Tumingala na kami sa pagkakayuko namin, tumayo si Queen Eleonora at niyakap niya sila Evan, Aiden.

Natawa na lang si Queen Eleonora nung lumapit na siya kay Cassie.

"Cassandra Elaine, what's wrong?"natatawang sabi ni Queen.

Natawa na din kaming lahat nila Aiden, Evan at king Alistair.

"Mom, alam mo naman po sila kuya. Ang kukulit, hindi na nahiya kay ate Monika."nag mamaktol na sabi ni Cassie.

Natawa na lang din si Queen, maya-maya lang nilapitan ako ni Queen Eleonora at niyakap niya ako.

"Hi, Hija. Welcome to our land and to our family."nakangiting sabi ni Queen Eleonora.

Nginitian ko din si Queen Eleonora.

"Thank you po."sabi ko.

Tumango na lang si Queen. Hinawakan niya yung kamay ko.

"Pahinga ka na hija, bukas ito-tour ka nila Cassie dito sa castle."sabi ni Queen Eleonora.

Tumango na lang ako. Tinawag ni Queen Eleonora ang mga servants na nakatayo sa paligid.

Apat lang ang nandito na servants sa throne room.

"Please bring princess Monika to her room."sabi ni Queen Eleonora.

Hinila ako ni Evan papalapit sakaniya.

"Mom, i'll be the one who will bring Monika at her room."Sabi ni Evan.

Una ng nag lakad si Evan papalabas ng throne room, sumunod na lang ako.

Habang naglalakad kami, binagalan ni Evan yung lakad niya para maabutan ko siya.

"I'm sorry on what we acted earlier sa karwahe, we just wanted to make you happy."sabi ni Evan.

Tinignan ko siya tsaka nginitian.

"H-huh? W-wala 'yon. Ayos lang, thank you."sabi ko.

Tumango na lang siya, pag dating namin sa kwarto ko binuksan na niya yung pinto.

Pumasok naman na ako, isasarado ko na sana yung pinto pero hinawakan niya ito.

Lumapit siya saakin at hinila niya ako payakap. He hugged me tight! At nararamdaman ko na umiinit yung pisngi ko.

Hinalikan niya yung tuktok ng ulo ko.

"Have a good night sleep."malambing na sabi ni Evan.

Kumalas na siya ng yakap, tapos siya na yung nag sarado ng pintuan ko.

Ako naman, since naka pantulog na ako dahil sa naudlot ko na tulog kanina sa darksville dire-diretso na kong humiga sa kama at nakatulog na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Palace Of Blood And RosesWhere stories live. Discover now