Chapter 1: Behind the Walls

15 1 0
                                    

"Lawakan ang iyong imahinasyon para makita ang natatagong mundo na magtatakas sayo sa reyalidad"

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

“Hoy! Tumigil ka!"

Hindi ko iyon pinansin at ipinagpatuloy lamang ang aking pagtakbo

“Hoy! Sabi kong tumigil ka!”

Sino ba naman ang titigil kung alam mong may humahabol sayo. Mga kinulang ata ito sa buwan.

Nagpasikot sikot ako sa mga eskinita para mailigaw sila at hindi nga ako nagkakamali. Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi ko na nakita pa ang humahabol sakin.

Mga nakaaway ko sila sa kabilang kanto. Akala mo naman kung sinong makaasta eh mukha namang mga batang hamog. Halata naman sa kanila na magkakasing edad lang kami pero kung mag isip parang bata.
Napailing na lang ako

Nang masigurado na wala na talagang mga sumusunod sakin ay tinahak ko na ang daan pabalik sa apartment na tinutuluyan ko.

Napatingin ako sa kabuuan ng building. Hanggang tatlong palapag lamang ito. Hindi kalakihan pero hindi naman ganon kaliit. Sapat na siguro para makaupa ang estudyanteng katulad ko.

Pero sa katunayan, hindi ako nagbabayad ng upa dito. Kapatid kasi ng nanay ko ang may ari nitong apartment kaya simula nung mamatay ang mga magulang ko ay dito na ako tumutuloy. Saka mainam nadin ito dahil malapit lapit sa school na pinapasukan ko.

Pumasok ako na ako sa loob at umakyat sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kwartong tinutuluyan ko. Huminto ako sa ikalawang silid at doon pumasok. Katulad ng sinabi ko kanina, hindi masyadong malaki at hindi din ganoon kaliit ang kwarto. Sakto lang sakin ito

Pagbukas mo nang pinto ay makikita mo agad sa kaliwang banda ang sala na may sofa at maliit na tv tapos hindi nalalayo ang maliit sa kusina dito. Sa kanang bahagi naman ng kwato ay doon mo makikita ang pinto papasok sa kwarto ko. Simple lang ang kwarto ko. May kama na kasya ako, may study table at cabinet sa gilid tapos ang ay banyo. Para sakin, mas simple mas maganda.

Pumasok na ako sa banyo para makapaglinis nang katawan tapos ay pumuntang kusina para magluto ng instant noodles.

Nang maluto iyon ay pumunta ako sa sala at binuksan ang tv para manood ng balita. Kumakain ako habang nanonood. Ayon sa balita ay magiging maulan daw sa mga susunod na araw kasabay nang malakas na pagkulog at pagkidlat dulot ng paparating na bagyo kaya mainam ng magbaon kami ng payong at kapote para laging handa.

Inilipat ko sa ibang channel yung tv pero puro tungkol sa paparating na bagyo ang nakikita ko kaya pinatay ko na lang ito. Tutal tapos na din naman akong kumain dumeretso na lang ako sa kwarto para matulog dahil may pasok pa ata bukas. Hindi pa naman ina anounce na walang pasok samin kaya siguro tuloy pa ito

Kinabukasan, katulad nang dati kong ginagawa tuwing papasok ako sa paaralan, kumakain, naliligo at gagayak tapos ay papasok na
Naglakad lang ako papasok tutal hindi naman ganon kalayo samin.

Wala pang thirty minutes nang makarating ako sa school. Katulad ng araw araw kong ginagawa, dumidiretso agad ako sa upuan ko saka dudukdok o kaya naman ay titngin lang sa labas ng bintana

Bilang lang ang mga pumapansin sakin dito. Hindi ko alam kung bakit. Yung iba sabi ang weird ko daw, yung iba naman sabi nakakakita daw ako ng multo kaya natatakot lumapit sakin. Kung ano ano na lang ang sinasabi nila kahit hindi naman totoo. Hindi ko na lang pinapansin. Edi kung ayaw nila sakin, edi ayaw ko din sa kanila basta ako sa sarili ko alam ko yung totoo.

Ekbasis (COMPLETED)Where stories live. Discover now