Kinabukasan, nagising na lang ako dahil sa sinag nang araw na tumama sa mukha ko. Hindi ko pala namalayan na naiwan kong nakabukas yung bintana dito sa kwarto. Nakatulog kasi ako agad kaya hindi ko na naisara pa. Bumangon na ako saka pumunta sa banyo. Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin. Namumugto ang aking mga mata at bahagya pang namumula ang aking ilong hatalang galing ako sa matinding pag iyak
Napayuko ako nang maalala ang pangako ko kay Tita na titgil na ako sa ginagawa ko. Ibig sabihin ay titigil na ako sa pagpunta sa Ekbasis. Dahil sa isiping iyon ay nagsimula na namang mangilid ang aking luha. Pinigilan ko ang aking sarili dahil ako naman ang pumayag na gawin ‘yon. Kahit nahihirapan ay sinubukan kong ayusin ang aking sarili. Naghilamos ako at nag sepilyo. Inayos ko din ang aking buhok pagkatapos non ay muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Ilang beses akong huminga nang malalim para kalmahin ang aking sarili.
“Magiging masaya ka ba kapag nawala ako?”
“Magiging masaya ka ba kapag nawala ako?”
“Magiging masaya ka ba kapag nawala ako?”
Biglang na lang nagpaulit ulit na parang sirang plaka ang mga salitang ‘yon sa utak ko. Bigla na naman akong nanggilid luha dahil doon. Pinigilan ko agad ang aking sarili. Sinubukan kong ngumiti para mapigilan ang sarili ko pero nabigo ako at lalo lang naiyak dahil sa ginawa ko. Kahit pala ngumiti ako at magpanggap na ayos ako ay hindi parin pala mawawala yung sakit. Parang nakataga na siya sa puso at hindi muli pang maaalis
Biglang nanlambot ang mga binti ko. Unti unti akong napaupo sa sahig ng banyo. Doon ko binuhos ang kanina ang luha na kanina pa gustong kumawala sa mata ko
Sa ikalawang pagkakataon ay itatanong ko ulit sa sarili ko, kaya ko ba?
Kaya ko bang iwan ang lahat? Kaya ko bang iwan…….siya?
Lumakas ang aking paghikbi. Ang hirap pumili. Hindi ko alam kung dapat ko ba talagang iwan ang lugar kung saan ako naging masaya, ang lugar kung saan ako pumupunta tuwing down na down ako, ang lugar kung saan ako pumupunta tuwing may problema ako, ang lugar kung saan never kong naramdaman na mag isa lang ako at ang lugar kung saan ko siya nakilala. Yun ang lugar kung saan kami unang nagkita, yun ang lugar kng saan ko nakilala ang lalaking hindi ko inaasahan na magiging kasama ko sa mga panahong kaylangan ko nang tao na handang makinig sakin, yung taong handang pakinggan ang mga hinanakit ko, yung taong laging nandyan para sakin at yung taong nakasama kong maglakbay at tuklasin ang natatagong ganda ng Ekbasis
Iniisip ko pa lang parang hindi ko na kaya paano pa kaya kung talagang kaharap ko na siya. Ang sakit, sobrang sakit. Hindi ko kayang iwan lahat pero ‘yon ang kailangan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya, kung paano ko ipapaliwanag
Pinilit kong tumayo Umabot pa nang oras para lang mapatahan ko ang aking sarili. Nag ayos ako bago ko napagdesisyonan na pumunto ‘don. Ilang beses akong huminga nang malalim bago ako pumasok sa pinto papuntang Ekbasis.
Mabuti na lang pagdating ko doon ay agad ko siyang nakita. Nagtama ang paningin namin. Kumunot ang noo niya nang makita ang itsura ko
“Anong nangyari sayo?” yung agad ang tanong niya pagkalapit ko
Hindi ko siya pinansin. Hinaplos ko ang kanyang kanang pisnge saka tinitigan ang maamo niyang mukha. Ang kanyang magulong buhok, makapal na kilay, matangos na ilong, manipis pero mapulang labi, at ang kanyang mapupungay na mata. Lahat yan mamimiss ko
Natigilan siya dahil sa ginawa ko. Ngumiti ako kahit pilit. Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya saka pinagsalikop ang mga kamay namin. Hinila ko siya sa lugar kung saan matatagpuan ang hanging bridge. Parang biglang nawala ang takot ko kahit na umuuga ito. Huminto kami sa gitnan nang tulay. Tinignan ko ang tanawin habang hindi bumibitaw sa kamay niya
YOU ARE READING
Ekbasis (COMPLETED)
FantasyImulat ang mga mata Gamitin ang isip at tenga Lawakan ang imahinasyon Gawing posible ang imposible Huwag kang magpapadala sa sinasabi ng iba, hindi lahat ay alam nila dahil may bukod tanging lugar na mas espesyal pa kumpara sa ordinaryo para ita...